Ika-8 kabanata-Pagkakilala

16 0 0
                                    

Who is she?. tanong ni Martin sa kanyang ama. Kung kanina di niya makita ang mukha ng babae ngayon kitang kita niya. May mga bakas ng galos ang mukha nito na hindi niya alam kung saan galing, agad niya rin napansin na mayroon din sa leeg, at sa mga braso. Bahagya na itong nakayuko habang kumakain.  Lumapit na siya sa lamesa at dumulog sa hapagkainan.

"Ysabella Reyes ang pangalan niya." balewalang sagot ng kanyang ama.

"Bakit siya nandito? Ano gagawin niya dito? Kamag anak ba natin siya? Sunod sunod niyang tanong sa ama.

"Take it easy Martin, andito siya kasi pinakiusap siya sa akin ni Salve na kung maari ay dito muna siya. Kaya bisita natin siya." sagot ng don bago uminom ng tubig at tumayo didikasyon na tapos na itong kumain.

Si Martin di makapaniwala may ibang tao sa kanilang bahay. Naguguluhan siyang napatingin dito at this time nakatingin ito sa kanya. Maganda ang hugis puso nitong mukha, ang mga mata nitong inosente pero may kakaiba doon.

Di siya mapakali sa titig ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Di niya alam kung tatapusin na rin niya ang kanyang pagkain kaso ang bastos naman niya kung aalis din siya. Naiilang si Ysa sa mga mapanuring tingin nito. Paano kung di siya tanggapin, bakit parang nasusuklam ito sa kanya? Natatakot ako sa presensiya niya. Ano gagawin ko?. Tatayo ba ako o mananatili na lang para hintayin siya matapos. Pinili niya ang huli.

"I don't get it but make your eat faster." sabi ni Martin.

Nalitu siya kasi di niya maintindihan ang sinasabi ng lalaki. Napahigpit ang hawak niya sa kutsara. Iniisip kung ano sinasabi ng lalaki sa harapan. "A-ano po yon sir?".

"I said leave me alone". Naiirita sagot niya sa babae.

"D-diko po kayo maintindihan senorito." Nangangatal niya sabi.

"Ang sabi ko umalis ka sa harapan ko!". Galit nitong bulyaw sa kanya. "Ang bobo mo naman para di ka makaintindi!". Dagdag pa ni martin na kakikitaan ng pagkainis.

Nagulat si Ysa sa inasal ng lalaki. Parang ang sakit naman ng pagkakasabi nitong bobo siya. Di ko naman kasi talaga naintindihan ang sinasabi niyang english. kasalanan ko bang lumaki ako ng walang alam. Agad siyang tumayo.

"Pasensiya na po senorito, hindi ko naintindihang ang salita ninyo." hingi niya patawad dito. Bahagya siyang yumuko at tumalikod na. Doon na pumatak ang luha niya. Luha ng panliliit sa kanyang sarili.

Nabigla si Martin ng mahagip ng kanyang paningin ang pasimpleng pagpahid ng luha ng babaeng 'yon. Nangunot ang kanyang noo at iiling iling na napasabi sa kanyang sarili na masyadong sensitibo ito.

🙌🙌🙌🙌
A/N: Hello! How about that first encounter and convo ng ating mga bida?. ✌✌ I hope you will like it.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon