Ilan araw ng nakalipas at maayos na namumuhay si Ysa sa mansiyon ng mga Valdemor. Nawiwili siyang tumulong sa mga gawain.
"Naku Ysa, ang kulit mo talagang bata ka, kami na lang dito sa kusina bisita ka dito." Ang paulit ulit na diyalogo ni Manang Rosita sa kanya.
"Eh manang wala naman po akong ginagawa saka ayos lang po talaga ako. Gusto ko pong makatulong." masaya niya turing sa matanda na nasa harapan niya ngayon abala ito sa pagluluto ng umagahan.
Pagkatapos ng hapunan noong gabi pinakilala siya kay Martin wala na syang kasunod na oras na nag-usap sila ng Don paano kinaumagahan ngpaalam lang ito sa kanya at may overseas business meeting ito sa Japan aabutin daw ito ng halos dalawang linggo o higit pa. Nagpasalamat siya kasi naalala siya ng don na pagsabihan. Ibinilin nito na huwag siyang mahiya dito sa mansyon gumalaw.
Samantalang yong isa, Si Martin kabaliktaran naman ito, suplado parang hindi sila sa iisang lugar nakatira, pagkatapos ng engkwentro nung sa hapuna e wala ng kasunod na paguusap ang nangyari. Minsan nagkasalubong na sila di man lang siya nginitian or batiin parang sinasabi lang nito na hindi sila magka-level na siyang tunay naman.
Masaya siyang nakikita ito kapag nandoon ito sa kabahayan, sa laki kasi ng mansiyon parang malabo pa din kasi magtagpo ang landas nila. Na-obserbahan niya lang na pagdating sa skul nagkukulong lang ito sa kwarto palagi. Minsan naman sa gabi, naliligo ito sa pool. Meron itong basketball area sa may bandang likuran bahagi ng kanilang bakuran mas madalas ito doon lalo na kapag walang pasok. Ayaw niya man sabihin pero itinatangi niya na ito dangan nga lamang at nahihiya siya sa isipin iyon kasi wala siyang karapatan na maramdaman ang ganung paghanga. Alam niya may nobya na ito kaya naiinggit siya sa babae na di pa man nakikita ay alam niyang nagtataglay ito ng kagandahan. Hindi man dapat pero nakaramdam na agad siya ng panibugho.
"Aba Ysa, baka naman mgtampo sayo ang mga halaman niyan baka hindi na sila mamulaklak dahil sa hitsura mo!". Untag ni Mang Roman ang hardinero dito. Masayahin ito at agad niya itong nakapalagayan ng loob. Kung sana ganito din sana ang ugali ng kanyang ama. "Daig mo pa nalugi sa Lotto, eh hindi ka naman tumataya, Hahaha!".
"Eh naku, pasensiya na po Mang Roman hindi ko sinasadya." Naalala ko lang kasi ang nanay ko." Dagdag niya pa kahit ang huli ay hindi totoo agad siyang nakaramdam ng konsensiya.
"Hala! Eh ayusin mo na pagdidilig diyan, ika'y bumawi ng sila ay masiyahan!". Hahaha. Ginulo gulo nito ang kanyang ulo bago natatawang lumayo.
"Opo Mang Roman!" hinging paumanhin niya pero alam niyang nagbibiro lang ito.
Nang aakma na siyang babalik sa pagdidilig ng halaman nahagip ng kanyang paningin si Martin tiiim itong nakatingin sa kaniya. Agad siyang kinabahan. Parang nanginig ang mga kalamnan niya, ano ba ito! Grabeng epekto naman niya sa akin.. Nang lumingon na siya pabalik sa direksyon nito wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo at binalewala ang anuman isipin.🙌🙌🙌🙌
A/N: Hello! Pasensiya na po sa mabagal na takbo ng eksena ng mga bida.Pasensiya din po sa mga errors ko. 😔 feel free to comment your opinion in a nice way naman po. Salamat.
I will mention sa unang tatlong magko-comment po sa chapter na ito in the next page. 😬😬😬
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella