Ika-21 na kabanata "Proposal".

19 0 0
                                    


Lumabas na ang emcee hudyat na para simulan ang programa sa gabing iyon.  Tahimik silang nakaupo ni Paul  sa may gawing gilid ng kanang bahagi paharap mula sa entabladong ginawa para sa programa.

Nagsilabasan na ang mga nagagandahan modelo na rarampa para sa gabing iyon. 
Kay gandang pagmasdan ang pagbabago ng mga outfits ng mga modelo kasabay sa mapagmalaking pagdadala nito.

"Ang gaganda nila Paul!" napahanga kong bulalas.

"You could be one of them" sagot naman ni Paul.

Napatawa ako.  "Thank you but di ko rin naman pinangarap na maging isang modelo. Mas gusto ko pa rin ang amoy pawis kong kilikili na may halong lupa". Hahaha.

"Oh that's make me admire you a lot". Sabay pisil ni Paul sa ilong niya.

"Ay ano ba naman yon Paul. Hahaha". Saway niya sa kamay nito.

Sabay na sila napatawa, kapagdakay napadako na muli ang pansin nila sa entablado ng si Carolina na ang tinawag ang grand finale. Napakaganda niya,  bata pa man ang edad pero di ito papahuli sa mga naunang modelo na lumabas,  masasabi mong pag-aagawan talaga ng mga modeling agency local and international.  Muli nakaramdam na naman siya ng insecurities sa sarili niya kasi malayong malayo siya dito dahil dyan talagang malabo ng maabot si Martin.

Nagawi ang tingin niya sa lalaki nakatayo ngayon sa bandang kaliwa nila, napakagwapo nito sa kanyang gray suit halata sa mukha nito ang pagmamalaki sa babaeng naglalakad ngayon sa entablado. Hindi matigil ang palakpak nito sa bawat pagrampa ni Carolina. Sa huli natapos na ang paglakad nito at masaya siyang sinalubong ng mga emcee.

"Congratulation Ms. Carolina, your so lovely tonight." bungad sa kanya.

"Thank you." at yumukod ito sa lahat.

"Everyone, I would like to take this opportunity to give thanks to my ever supportive parents, Mom and Dad." gumawi ang tingin nito sa kanyang parents na tumayo pata makita ng mga tao.

"To all the people who give their trust to be part of them, to be beautiful infront of everybody, thank you." And finally, to the man I love, Im so grateful to have you in my life. Thank you for the support." I love you, Martin." ang sabi ni Carol sa gawi ni Martin ito nakatingin.

Kung sa iba iyon ang sarap pakinggan, napaka-sweet and so touchy. Pero sa akin para akong di makahinga, silly to think pero parang sinakal ang puso ko lalo na sa palitan ng tinginan nila sa bawat isa. Nakita kong umakyat ito sa stage papunta kay Carolina, nakita ko rin na agad silang nagyakapan at nglapat ang kanilang labi. Ramdam mo ang halik na iyon ay marubdob di alintana ang maraming mga nakatingin. Patuloy sa pagpalakpak ang maraming tao kasabay ng ngkikislapan flash ng camera.. Tiyak na sa headline ito bukas. Ang sumunod na nangyari ay di inaasahan ng mga nandoon, isang malaking O ang nanulas sa kanilang mga labi ng makitang lumuhod si Martin sa harap ni Carolina.

"Baby, Carolina, will you marry me?". Nakaluhod itong inilabas ang isang maliit na pulang box na nglalaman ng isang maliit na singsing nangingislap ito sa batong anong meron man yon.

Mukhang nagulat ang lahat pati na rin si Carol sa mga pangyayari, maging ito ay napatigil, napatitig ng husto kay martin na nililimi ang nangyayari.

"Oh baby,." tawag ni Martin.

"Oh,Y-yes!". Sagot ni carol ng mabalik sa katinuan.

Agad naging matunog ang palakpakan ng tao. Tumayo naman si Martin at niyakap ng mahigpit si Carolina.

Samantalang ako, parang di na ako makagalaw sa mga pangyayari, mukhang may malaking kadena na sumakmal sa aking puso parang namatay ito bigla. Parang tumigil ang pagpintig nito. Ano gagawin ko?...

😘

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon