Ika-16 na kabanata-Hardin

16 0 0
                                    

Malaki na pinagbago nito simula ng dumating sa mansyon ang dating mukang yagit at malnourish na batang babae. Ngayon, unti unti nang lumalabas ang ganda nito. Makinis ang balat niya hindi naman ito kaputian at maitim, para siyang maputlang brown ang kulay, binigyan ito ng kulay itim na mabibilog na mata, bumagay dito ang mahaba at malalantik na pilikmata. Hindi ito mababa sa edad na 16 pero di rin naman alangan sa kanya ang height nito. Hindi ito payat, di rin ito katabaan. Napadako ang mga mata niya sa labi nitong manipis na mamula mula.. Ano kaya lasa?Bigla siyang natauhan sa kanyang iniisip ng marinig ang tinig nito.

"Senorito." halata sa boses nito na takot ito sa kanya. Lalong dumilim ang kanyang mukha.

Samantala ang si Ysa, kinakabahan sa presensiya ng lalaki. Di niya mawari kung galit ito sa kanya dahil sa mga titig nito sa kanya ngayon. Kinakabahan din siya kasi baka galit ito sa kanya kasi sa ginawa niya sa hardin ng ina nito. Alam kong kahit papano may alam siya sa mga nangyayari dito kasi napansin niya na nakamasid ito ng minsan. At heto nga nasa harapan niya ito ngayon.

"so this is it!. You made a lot of changes." malamig na bitaw ni Martin.

Nanatili lang siyang nakatingin dito, di niya alam kung papaano sasagutin kasi baka masama ang loob nito sa pagbabago pero pinayagan naman ako ni Don Rafael yon ang pinanghahawakan ko.

Dumiretso si Martin sa mga upuan doon at umupo ito. "And you turn it to what you want as if you own it."

"Senorito." yan lang nabigkas niyang salita. Tama ang hinala niya galit ito sa kanya.

"Stop doing anything here. It's my mom property!". Matiim nitong salita.

" Kumilos ka ng naayon sa lugar mo, hindi yong lahat ay pinakialaman mo na!. Lumapit na ito kay Ysa as in magkalapit na ang mukha nila.

Nabigla si Ysa sa inakto ng among lalaki hindi siya makapag isip lalo na at magkalapit na ang mukha nilang dalawa. Kakaiba ang kanyang pakiramdam lalo na at langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito na nagdulot sa kanya ng kakaibang sensasyon. Bago iyon sa kanya. Oh my! Lumayo ka sa akin bago pa ako madala.

Hindi niya tuloy alam kung ano ang una niyang iindahin, yong sinabihan siya ng masakit na salita o ang hininga nito na ramdam na ramdam niya ngayon.

Ngumisi ito ng makita ang reaksyon niya. Lumayo na ito sa kanya.

Napahiya naman siya sa kanyang naramdaman.

"Paumanhin senorito kung di niyo nagustuhan ang lahat ng ito." inikot ni ysa ang tingin sa mga halaman. Napakaganda nila lalo na mga rosas na nagsisimula ng mamukadkad samahan pa ng nakakahalinang amoy nito. Tunay ngang naghahatid iyon ng gaan ng pakiramdam kapag nalalanghap niya ang halimuyak ng bulaklak.

"This is the last then Stop." Warning ni Martin sa kanya.

"Pero senorito Martin, may basbas po ito ni Don Rafael." paliwanag niya isipin niya pa lang na di na siya pwede sa harden na iyon ay labis na siyang nalungkot, eto ang kanyang sanktuwaryo, ito ang isa niya pang mundo.

Binigyan siya ng masamang tingin ni Martin bago ito tumalikod at umalis sa harapan niya. At binalot ng lungkot ang puso niya sa inasta nito.

🐷🐷🐷🐷🐷
👍 hello, please vote naman po or comment para alam ko din na inaabangan itong story ko. :) thank you so much po.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon