"Hello."
Ysabella!.
Ako nga po, senorito." sagot ni Ysa.
"ok, Paki-kuha nga yong project proposal ko sa kwarto, Nasa Kama ko nakapatong." instruct ni Martin
"Sige po."
"Then pakibigay kay manang rosita na dalhin dito sa office ni papa."
"eh senorito, wala po sila ni Mang kadyo pumunta po sa supermarket." sabi ni ysa.
"Shit!. ikaw na lang."
"P-po?! Ako? Paano po?" kinabahan agad is Ysa kasi ni minsan di pa siya nakakalabas ng mansyon.
"Yes and Please pakibilisan mo!". Parang naiinis na si Martin.
"Senorito, di ko po alam papunta dyan".
Yon lang at binigyan na siya ng instruction nito. Iritado ito at parang di iniisip na ngayon pa lang siya lalabas ng kabahayan.
Kailangan lakasan niya loob. Mabilis siyang kumilos.As per instruction, sumakay siya ng taxi ang ganda pala lalo ng lugar ng Don sa umaga. Ang ganda! Parang isang baranggay yong lugar na iyon na puro magagarang bahay ang nakatayo.
Sinabi niya sa driver kung saan siya dadalhin agad naman nitong nakuha ang lugar na kanyang pupuntahan. Sa byahe napapansin niyang panay ang tingin sa kanya noong driver. Ngtataka siya kung may kakaiba ba sa kanya. Di naman mahalay ang kasuotan niya. Naka-Black Jeans siya and White T-shirt yun lang matino niyang damit na meron siya samantalang naka slipper lang siya maganda hugis ng kanyang mga daliri sa paa pero makikita mo pa rin mga pagaling na galos doon. Inihilig niya ang kanyang ulo at tumingin sa labas para tanawin ang mga ngtataasang building. Ganito pala dito, para akong napunta sa ibang mundo sanay akong puro puno at malalagong damuhan ang paligid ko."Nandito na tayo".
"Ah ok po." bahagya akong napatingin sa paligid at nalula ako sa mataas na building na nasa harapan ko ngayon. Ito ba talaga ang V.G.C. Building. At tunay talagang kina Don Rafael ito. Ang yaman nila.
"350 pesos po ang pamasahe niyo". Sabi ng driver.
"Ho!!!!." Wala akong ganung halaga paano na kaya ako sinunod ko lang naman ang bilin ng Senorito.
"aah manong, pwede po ba hintayin niyo ako wala po kasi akong pera hihingi lang ako ng pambayad sa aking amo.". Paalam niya dito.
Napakamot ito sa ulo. "sige pero bilisan mo at hindi tumitigil ang metro nito."
Mabilis siyang bumaba para hanapin ang batang amo. Nagulat na lang siya ng hinarang siya ng gwardiya sa bukana ng building na yon.
"Bakit po?".
"Sandali po Maam, di pwede basta na lamang pumapasok po kayo." pigil nito sa kanya
"Ah e, pasensiya na po, pero pinapunta ako dito ni Senorito Martin Valdemor po." paliwanag niya.
Bahagya siyang tiningnan ng mula ulo hanggang paa ng guard at napaismid pa ito sa hitsura niya. "Eh Maam, ngayon ko lang po kayo nakita." ano po pangalan niyo?
"Ysabella!!!." narinig niyang tawag ng amo.
Napalingon siya.
"Senorito!." agad na lumiwanag ang kanyang mukha pagkakita dito.
Parang sinabi niya sa guard na, oh kita mo kilala niya ako."Nasaan na ang bilin ko?!"
Tanong agad nito sa kanya habang palapit sa kanya."Eto po." inabot niya dito ang dala dala niya. Ang pogi naman nito sa suot niya bagay dito ang supladong aura. Kahit nakapabata e mayroon itong maautoridad na presensiya.
Nang nakuha nito ang dala niya biglang tumunog ang cellphone na hawak nito at napamura ang lalaki ng makita kung sino man yon. "Yes pa, Im on my way." sagot nito habang nagmamadali itong palakad papasok ng building..
Naiwanan siyang natulala sa bilis ng pangyayari huli na ng rumihistro sa isip niya ang taxi na naghihintay sa kanya. Naku patay! Napatingin siya sa guwardiya na naguguluhan.
"Sir, baka po pwede pumasok sa loob hahabulin ko lang si Senorito."
"ah itatawag ko po muna maam, muka kasing may emergency si sir, baka mapagalitan po ako.".
"Cge po pakibilisan lang."
"Naku Maam, nasa conference na po si Senorito." sabi ng gwardiya.
"Eh hindi po ba pwede maantala, pakisabi po si Ysabella. Manong, kailangan ko lang po talaga!." pakiusap ni Ysa.
"Naku Maam malabo na po yon lumabas kasi sa mga importanteng bagay ang dahilan kung bakit siya nandito.
Tumango at matamlay na tumalikod si Ysa papunta sa direksyon ng taxi, nainis siya para sa amo kasi sa ginawa nito sa kanya.
"Manong, baka po pwede isakay nio na rin ho ako pabalik doon na lang po ako magbabayad, di po ako inabutan ng pambayad e." pakiusap niya sa driver.
Napakamot ito sa ulo. "tsk. Naku maam, baka niluluko niyo lang ho ako. Tingnan niyo malaki na po metro niyo. Tas may dagdag pa kasi naghintay ako sa inyo ng matagal." sabi pa nito na naiinis sa kanya.
"babayaran ko naman kayo pagdating po ng mansyon." nakiusap siya dito bago muling sumulyap sa building.
Naramdaman niya gumalaw ang sasakyan. Umusad na ito. Nanatili pa rin siyang nakadungaw sa labas. Muli siya namangha sa paligid kaya medyo nawala ang inis niya. Hindi niya na pansin kung saan ang direksyon nila kasi di niya naman alam ang way papunta sa mansyon. Panay ang sulyap sa kanya ng driver na ipinagsawalang bahala naman niya. Nagulat pa siya nang bigla itong huminto sa may tanggapan ng pulisya.
"Manong?". Taka niyang tanong.
"miss, baka di mo ako bayaran, naniniguro lang ako kasi malaki na ang takbo ng metro." 1,800 na po pang boundary ko ito." paliwanag nito.
"Manong magbabayad naman po talaga ako wala lang akong dalang pera dito." habang sa likod ng isip niya na sana nakabalik na si manang rosita sa mansyon manghihiram na lang siya dito.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella