"Uyyy, Ysa". Tawag ni Manang Rosita sa kanya, kasalukuyan niyang inaayos ang mga halaman doon ngayon matapos niyang diligan ito. Mahilig talaga siya sa mga halaman kaya tuwang tuwa siya at may ganoong bahagi ito doon mula sa malawak na bakuran ng mga Valdemor. Sa namayapang asawa daw ito ng Don.
"Bakit po Aling Rosita?". Tanong niya dito.
"Ipinatatawag ka ni Senorito, pumunta ka daw ngayon sa kanyang silid."
"Ho?! Sigurado po kayo?." Nabigla siya doon. Talaga bang pinatatawag siya.
"Aba ayon ang bilin sa akin nung dalhan ko siya ng kape sa taas". Sagot din naman ito.
"Ay sige po, papunta na ako." nagmadali akong pumunta sa silid nito ng maalala ko kung anong ayos ang meron ako. Kelangan maaus siya kasi ito unang beses na pinatawag siya nito.
Kinakabahan man ay pero kumatok muna siya para ipaalam dito na naroon na siya sa labas ng silid nito.
"Come in."
Hah. Ano daw yon? Tssk. Bakit kasi english pa. Diko alam yon.
"Ysa!." nainip na siguro ito.
"Senorito!." nagulat din siya.
"I said, come in. Pumasok ka!" galit na ito.
Nataranta naman siya at agad na binuksan ang pinto. Tatandaan niya na sa sunod ang ibig sabihin nun sa tagalog, tiyak patay siya.
"Senorito, pasensiya na po, ipinatatawag niyo daw po ako?!" kinakabahan niyang sabi na ewan parang bulong na lang.. Nakayuko siya ayaw niya salubungin ang tingin nito.
"hmmm. Look! Pumunta ka sa study room at pakikuha ang mga librong ito!" iritadong sabi nito sa kanya. Inihagis sa kaniya ang kapirasong papel na nakalagay ang mga pangalan nung mga libro na kukunin niya.
Kinabahan siya kasi hindi niya alam kung paano basahin yon. Paano na? Nahihiya akong sabihin na di ako marunong magbasa. Napalunok siya ng kanyang laway sa sitwasyon niya ngayon. Ito pa naman ang unang paglapit sa kanya ng lalaki pero mukang mabibigo pa yata. Hay! 😔
"Ano na Ysabella?! Tatayo ka na lang ba dyan?. Bilisan mo at kailangan ko yan ngayon din!".
Naiinis talaga ako sa pagmumukha ng babaing ito. Kung may mauutusan lang akong iba nungka sa kanya ko ibibigay yon. Ayaw kong bumaba kasi sayang ang oras kailangan ko na talagang gawin ang Thesis na ipapasa ko pa plus inaaral ko pa ang dalawang project proposal na iniwan sa akin ni Dad kailangan nang may desisyon siya doon dahil yon ang una niyang proyekto para sa kompanya nila. Sumasakit ang ulo ko sa subrang daming gagawin at sa napaka hectic na skedyul niya para sa nalalapit niyang pagtatapos at ang proposal bilang introductory ko sa kompanya hindi biro iyon kasi pawang malalaking proyekto yon na di dapat baliwalain. At dumagdag pa ang pagkainis niya kasi di nia pa nakikita si Carol. Miss niya na ang nobya na busy din kaya wala pa silang oras magkita. Nasa ibang bansa ito ngayon bahagi ng internship training.
Nang pumasok siya sa study room na sinasabi ni Martin, namangha siya sa laki nun, malawak ang silid na may table sa gitna kung saan doon siguro umo-ukopa ang gustong magbasa sa lugar na yon.
Mataas ang ceiling area nun dahilan na ang ibang mga libro ay nakaayos sa matataas na parte at kakailanganin mong gamitan ng hagdan. Wow! Ang sarap sigurong magbasa ng magbasa. Kung sana lang.. Hays. Ano kaya gagawin ko ngayon diko alam basahin ang mga ito.Tinititigan ko ang mga letra ng mga nakasulat sa kapirasong papel pero kahit anong pilit ang gawin niya di niya alam basahin. Naisip niyang pagkumparahin ang mga letra dun sa mga nakasulat sa libro. Naku po! Baka abutin ako ng pagputi ko ng buhok dito.
Mga ilan minuto pa nagpasya siyang lumabas na at sabihin na lang kay Martin na di siya marunong magbasa.
Kahit nakakahiya, wala akong magagawa kasi yon naman talaga ang totoo. Bakit ba kailangan ko magpa-impress? Eh wala naman kapag-asa asa na mapansin niya ako. Paglabas niya sakto naman dumaan si aling rosita."heto na po ang mga libro senorito."
"I thought aabutin ako ng ilang siglo sa paghihintay sa mga yan!. Bulyaw nito s Kanya.
Nayanig ang mundo ni Ysa sa pagsigaw nito sa kanya.
"Ang sabi ko, kailangan ko ngayon din ibig sabihin mabilis lang! Inabot ka ng isang oras, ang kupad mo talaga kasing kupad din ng utak mong magisip!." dagdag pa nito.
Naluha si Ysa sa mga sinabi nito. Iba pala talaga ito magalit. Ang sakit niya magsalita. Ganito ba ito walang konsidreasyon?
"huwag kang umiyak! For pete's sake lumabas ka na!". taboy nito.
Parang nakonsensiya naman si Martin ng makita niya itong tumalikod at nagpahid ng luha si Ysa.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella