Chapter 33

24 0 0
                                    


Nabungaran siya ni Martin sa sala na nanunuod ng tv, kasalukuyan siyang nagpapahinga noon galing sa maghapong paglilinis ng bahay at naghanda na rin siya ng hapunan baka sakali dumating si Martin.

Iyon ang ika-dalawang araw mula ng mapanood niya ito sa news, hindi agad ito umuwi at halos mabaliw na naman ang isip ko kung ano na nangyayari na sa kanila ni Carol.

"Senorito Martin, mabuti po nakauwi na kayo?" ang bungad niya dito.

"Bakit? Namiss mo ba ako?" dumiretso ito sa kusina at kumuha ng isang beer na nilagok nito.

Ou naman, subra! yan sana gusto niya isagot dito.

"Ahh kumain na po ba kayo, nagluto po ako ng makakain para sa hapunan." paiwas ko na lang ma sagot dito.

"ang bilis ng oras kapag si Carol ang kasama ko pero kapag ikaw pakiramdam ko isan daan libong taon ang itinatagal." wika ni Martin

Nagulat siya sa tinuran nito, kadarating lang, ganun na ang bungad sa kanya. Muli parang may nadagdagan na namang punyal ang tumarak sa kanyang puso baka nga malapit na ito mapuno ng saksak.

"Ano po ibig niyong sabihin senorito?"

"Sa tagal ng panahon na hinintay ko na makasal kami ni Carol pero hindi nangyari, sa halip sa isang katulad mo pa na isang gold digger!"

"Saan mo nakuha ang gamot na nilagay mo sa tubig?!" ang mga litid nito sa leeg lumalabas na.

Naluha na siya sa mga sinasabi nito sa kanya, parang nawala yong confident na binigay sa kanya ni Don Rafael nung lumabas sila nakaraang araw.

Maging si Martin hilam din sa luha, ramdam mo sa kaniya ang sakit na dinulot ng pagkabigo kay Carol na alam naman natin kung gaano niya ito kamahal.

Ibinato nito bigla ang wala ng laman can beer. Malapit sa direksyon niya..

Mabilis itong naglakad papunta sa direksyon niya at hinagilap nito  ang kanyang leeg. Dahilan para masakal siya.

"I could kill you bitch!!!! Kung pwede lang mamatay ka na para maging malaya na ako." lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa leeg niya.

Bumukal ang mga luhang pinipilit niyang ikubli. Sana nga hindi na lang  ako pumayag sa kasalan, pero diko pinagsisihan ang nangyari sa amin. Yon ang pinakamagandang alaala na mayroon ako galing sa mahal ko.

Bigla itong natigilan ng makita siyang umiiyak, hindi siya makasalita.

Binitawan siya ni Martin, dagli naman dinanghalit ng ubo habang habol ang hininga sapo sapo niya ang kanyang lalamunan.

"Mas gugustuhin ko pang hindi na umuwi dito but you have your alast my father!!"

"Makulong ka dito hanggang sa maisipan mong umalis na lang!".

Bago tumalikod ito papasok na sa kwarto.

Napahagulgol siya ng iyak sa mga sinabi nito sa kanya, Iyon siguro dahilan kung bakit siya pumayag na narito kami ngayon ay para pasakitan ako pero bakit ganun, ayaw pa rin sumuko ng puso ko. Gusto niya pa rin lumaban.

😊

Katulad ng una, nakatulugan niya muli ang pagiyak madilim na buong kabahayan, hinanap niya ang orasan at ika-apat na pala ng umaga. Nakaramdam siya ng gutom dahil hindi siya nakapag hapunan kagabi.

Iginayak niya kanyang mga lulutuin, isinangag niya ang walang bawas na kanin kagabi, nagluto siya longganisa, pritong itlog at tuyo. Gumawa din siya ng sawsawan. Nagugutom na siya agad, ininit niya lang ang menudo na niluto tira din kagabi.

Kahit mabigat pa rin ang loob ko sa nangyari kagabi, inihain ko mga pagkain sa mesa nagbabakasakali na baka kainin ni Martin.

Naligo na siya muna para mawala ang amoy ng mga niluto niya kanina. Hindi na makatulog kaya nagbasa na lang siya ng mga binili niyang books particular na sa gardening.

Naalala niya yong sinabi ng Don Rafael kung saan siya pwede magtanim para maging libangan niya.

Paglabas niya, nagulat pa siya ng makita nasa lamesa si  Martin at kumakain ito.

Natigilan sila pareho, kinakapa pa kung ano ang sasabihin sa bawat isa.

Tumayo si Martin hudyat na tinatapos na nito ang kanyang pagkain. Samantalang siya hindi pa rin alam ang magiging reaksiyon.

"Senorito, k-kunin ko po sana yong mga damit niyo na pwedeng labhan, maglalaba po kasi ako ngayon." at naisip niya yon. Heehehe!  Pero masaya dahil kinaim ni Martin ang kanyang niluto kahit papano naibsan yong sakit na naramdaman niya kagabi.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon