Malayang umaagos ang luha niya habang kinukwento niya kay Aling Salve ang nangyari sa kanya. Hindi niya mapigilan, lalo na kapag naiisip niya ang kanyang ina. Kung ano na kaya nangyari dun sa kanya. Kung hinanap din ba siya. Malamang hindi kasi malaya na ito. Wala ng sagabal kasi wala na siya.. Napaiyak na naman siya.
"Ssshhhhh. Shhhh.. " niyakap siya ni aling salve. Naluluha din ito. "Ilabas mo lang YSa para gumaan ang pakiramdam mo.
"Huwag kang mag alala di kita pababayaan." alo pa nito.
"Salamat po aling Salve, Salamat at kayo ni Don Rafael ang nakatagpo sa akin kahit masungit siya sa akin."
Napahagalpak ng tawa si Salve sa tinuran ng bata. Natutuwa siya dito, nalungkot naman siya na hindi man lang ito nakapag-aral, na hindi ito inintindi ng kanyang sariling ina.
"Oops, wag niyo po ako isusumbong kay Don Rafael po huh." habol pa nito.
"Hahahaha. Hindi wag ka mag alala sa atin lang dalawa yon".
Ang bait bait niyo po Aling Salve." bago yumakap ulit ng mahigpit si Ysa sa matanda. Yumakap din ito ng mahigpit sa kanya.
Kinabukasan, maaga siyang nagising madilim dilim pa ang paligid nung tinanaw niya ang labas.
Nagulat pa siya ng may kumatok, bagamat nagtataka tumayo pa rin siya para pagbuksan ito.
Nakita niya si Aling Salve, nakangiti na naman ito sa kanya..
Ysa, ayusin mo ang mga gamit mo at sasama ka kay Don Rafael sa pag-uwi nito sa lungsod ngayong umaga." pahayag nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. "Po?"
Parang nabasa nito ang kanyang iniisip. "Huwag kang mag alala iha, mas mapapabuti ka kung sasama ka kay Don Rafael sa Manila." Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sayo, pagdating niya kagabi.
"Alam ko ilan araw pa lang tayo nagkasama, sana maramdaman mo ang sinseridad na pagtulong ko sayo ngayon." habang hawak siya nito sa kamay.
Lumuha ako sa sinabi nito, "Aling Salve, natatakot po ako.". Sabi ko sa kanya.. Ki aling Salve wala siyang duda pero ki Don Rafael baka kagaya lang ito ng Tiyo Amado niya.
"Alam ko pero huwag kang mag-alala, Pangako pupuntahan kita doon. At ang tungkol kay Don Rafael, hindi siya kagaya ni Amado." kumbinsi pa nito sa kanya.
"Si-sige po Aling Salve." Yumakap ulit ako ng mahigpit bago bumalik sa loob para magbihis. Wala naman akong dala kundi ang iilan pares na damit na binili sa kanya ni Aling Salve.
Tahimik lang siya sa loob ng sasakyan, nasa likod siya nakapwesto at si Don Rafael ay sa unahan, katabi ng driver nito.
Pinagkasya niya na lamang ang sarili sa pagtingin ng mga tanawin sa labas bagamat di na siya pamilyar sa lugar na iyon. Sa Kabilang banda masaya rin siya na makakalayo na siyang tuluyan. Saka ko na lang iisipin ang mga mangyayari sa kanya pagdating sa lugar ni Don Rafael.Mga ilan oras pa ang lumipas, pumasok sila sa isang subdibisyon. Namangha sa magagandang bahay na nakatayo doon.
"Wow!". Di nia napigilang ibulalas ang paghanga sa paligid.
"Nagustuhan mo ba, Ysabella?". For the first time kinausap siya ni Don Rafael at nahimigan niya na masaya rin ito para sa kanya.
"Opo Don Rafael, Ang ganda po!"
Mas lalo siyang namangha ng huminto sila sa mataas ng gate ng bahay na subrang laki at ang ganda.
Pumasok ang sasakyan doon. Ito na siguro ang bahay ng Don. Nakita niyang umibis na ng sasakyan.
Ysabella, bumaba ka na dyan at narito na tayo." aya sa kanya ng don na kakaiba ang tono nito. Di niya mawari pero parang mabait naman ito.
Nalula siya sa subrang laki ng loob at ang gara ng bahay, pawang sa TV niya lang iyon nakita ang mga ganung klase ng bahay. Parang puputok ang puso ko sa subrang paghanga na nakita ko ngayon.
Halika, ituturo ko sayo kung saan ang iyong magiging silid." aya pa nito
Sumunod lang ako dito. At umakyat kami sa ikalwang palapag ng bahay nila. Itinuro niya ang magiging silid ko nasa dulong bahagi iyon sa kanan natuwa siya my terrace mula sa kwarto niya.
Don Rafael, nakakahiya naman po sa inyo, sigurado po ba kayo na ito magiging silid ko? Ayos na po sa akin yong simple lang po." nahihiya kung sabi sa kanya.
Huwag mong isipin yon, ito na ang pinakasimpleng kwarto na mayroon ako. Napangiti pa ito sa kanya".
Nahihiya pa rin ako sa nangyayari at lalo na sa masama pag iisip ko tungkol sa Don.
Diko akalain na ganito siya kabait.Feel at home, iha. "Pagkatapos mo dyan, bumaba ka na para sa hapunan." sabi nito bago lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella