Biglang ngumisi ang driver ng taxi sa kanya. "ayaw na kitang ihatid miss, sayang ang oras ko sa inyo."
" Hindi pwede hindi ko alam kung paano bumalik sa mansyon!."
"Hahahha. Bobo ka ba?". Ngumisi ulit ito.
"hindi mo alam?.""opo. Kaya nagmamakaawa ako sa inyo."
Bumaba ang driver at pumasok ito sa may backseat para tabihan si Ysa. Humahagod na ang tingin nito sa kanya.
Hinawakan siya sa may bandang tuhod na nagpapitlag sa kanya. "Pwede naman kitang ihatid kung bayaran mo ako sa alam kong paraan." bigla niyang hinagod ang tuhod ni Ysa
Tuluyan ng nangilabot si Ysa. Natatakot siya parang ganito yong pakiramdam niya non kay tiyo Amado. Ano gagawin ko?. Pinagpawisan siya kahit may aircon ang loob ng sasakyan..
"Oh wag kang matakot!." hahahaha. Bahagya nitong inihagod ang mga kamay mula sa tuhod paakyat sa kanyang balikat.
At bahagya pa itong dumukwang palapit sa mukha bi Ysa.Grabe ang baho naman ng hininga ng lalaking ito. Kadiri! Paano na ako? Ano gagawin ko?. Bigla nanginig katawan niya sa takot.
"hu-huwag po nagmamakaawa ako sa-sa inyo!." pautal na sabi ni Ysa. Narinig niyang tumawa ang lalaki bago dinaklot ang kanyang mga buhok palapit dito lalo.
"aray!." nasasaktan na sigaw ni Ysa. Mas gusto kong mamatay na lang ako kesa mahalikan ng lalaki na'to. Wala siyang unang halik, kapag nagkataon ngayon pa lang at hindi ko matatanggap yon. Bigla umutlaw ang imahe ni Martin sa kanya balintataw inaasam niyang ito ang maging una niyang halik pero eto siya ngayon sa mama lang pala bagsak niya. Tuluyan na siyang humagulgol. "Bitawan mo ako!"."ahh, ang bango mo." inamoy amoy pa siya. Habang ngumingisi ito.
Nang maapuhap ni Ysa ang pagiisip nasampal niya ito na ikinabigla ng driver. Sandali nitong ininda ang pisngi kaya nakawala siya. Kaya sinamantala niya at lumabas siya ng taxi bagaman nahablot nito ang kanyang tshirt kaya napahinto siya. Pero laki pasalamat niya at doon sila huminto ng taxi sa pulisya kaya sumigaw na siya ng tulong na agad naman nakapungaw pansin doon.
"Aanak ng tipaklong! Punyeta kang babae ka!." nagalit ang driver sa nakitang pulis palapit sa kanila.
"Anong nangyayari dito?!" tanong ng pulis sa dalawa.
"Mamang pulis, yan ho kasi sinasabi walang pambayad sa akin! Eh ang laki po ng metro niya sa akin may balak pa yata akong takasan." parang aping api pa ito.
Tiningnan ito ng masama ni Ysa. "Hindi po totoo, balak niya po akong pagsamantalahan kapalit nung bayad po."
"naku po Boss diko magagawa yon may anak din po akong dalaga, saan po kayo nakakita na pagsasamatlahan ko sa harap ng inyong tanggapan. Dadalhin ko talaga siya dito para ipakulong siya kaso ho nagtangkang tumakas."
"Hindi po totoo yan!".
"Bueno, pumasok na tayo sa loob para maimbestigahan ang panyayari." ang sabi ng pulis bago iginaya sila papasok sa loob.
Ngumisi ang taxi driver nang makita siyang dalhin sa loob ng selda. Ipinahihiwatig ng mga tingin nito na kung sana pumayag lang siya sa kagustuhan nito ay di siya makukulong. Ou tam ipinakulong siya ng walang hiya at naniwala sa kanya ang mga pulis kaya siya nakulong. Pinagtawanan lang siya ng mga pulis ng sinabi niya Kina Don Rafael Valdemor siya nakatira. Pinapatunayan lang nun na disperedo siya makalaya.
Tiyak na di na siya matutunton ng mga Valdemor kasi di naman nila alam kung saan ako. Tiyak na di na ako pag aaksayahan ng panahon para hanapin. Baka sadyang hindi itinadhana sa akin ang normal na buhay kaya napakawerte ni Martin at ng don kasi nagkaroon sila ng buhay na gusto nila. Tahimik akong napaluha ng isipin kong iyon.
"Ysabella Reyes, laya ka na!." kasabay ng pag-ingit ng pintuan ng selda ng buksan.
Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos ng nanyari. Tuluyan na niyang inalis sa sistema ang mahanap siya nG mga Valdemor at makalaya siya. Nang matanggap niya na heto siya at laya na daw siya. Sino kaya?Naglalakad na ako palabas ng makilala ko kung sino tumulong sa akin at kilala ko siya. "Don Rafael." tawag ko.
"iha! Mabuti naman your safe." nag aalala ito sa kanya.
Walang salita namutawi sa bibig ni Ysa sa halip ay yumakap siya dito ng mahigpit. Sa una tahimik lang pero yumuyugyog na balikat ko sa pagiyak ng maglaon. "Salamat po don Rafael, hinanap niyo po ako."
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella