Ika-5 Kabanata- Magkasintahan

17 0 0
                                    


Matapos ang kanilang mainit na pagniniig.
Tumihaya si Martin habang nakaunan sa kanya si Carol na nakatihaya din.. Di alintana ang kahubdan na nakalantad lang dahil sanay naman sila. Matagal na nila itong ginagawa marami ng beses simula ng maging magkasintahan sila.

"Babe, I want to marry you right away after our graduation." ang seryoso nitong sabi habang nakatanaw sa maputing kisame ng silid na iyon.

"Oh Yes, Martin, I love you so much".
nagsumiksik pa lalo sa kanya si Carol at masayang ipinikit ang mata.

✌✌✌✌✌✌

Si Martin ay nakatakdang magsanay na para sa paghawak ng mga negosyo ng kanyang ama. Wala naman siyang magagawa kasi alam niya lahat ng iyon ay pagsusumikap at pinaghirapan ng kanyang ama para sa  kanya, sila na lamang dalawa magkasama sa buhay. Hindi man ito masyadong diktador pero istrikto ito sa lahat ng bagay. Hindi naman siya pinababayaan nito kaya nga ngayon nag aaral pa lamang siya nasusunod lahat ang gusto niya.

Madalang lamang sila nagkakausap ng kanyang ama. At ipinanganak siyang naiintindihan lahat ng mga gawi nito. Minsan gusto niya na rin itong pagsabihan na magpahinga kahit saglit lang.. Kaso paano niya daw gagawin yon mag isa lang siya, bagaman may mga kasama naman ito na mapapagkatiwalaan e. Mas gusto nito siya ang personal na humawak sa mga negosyo.

"Husayan mo Martin, dahil lahat ng ito ay para sayo". Sabi nito sa kanya nung minsan sila magkausap.

"Huwag mo sana itong sasayangin, kasi dugo't pawis ko ang inalay ko dito."

Napapabuntung hininga na lamang siya kapag naririnig niya mga ganun litanya ng ama. Mabuti na lang kahit hindi ito nagsasalita di naman siya pinipigilan na makipag relasyon kay Carolina. At si Carolina lang ang babaeng hinarap niya dito. Hindi rin naman alangan si Carol, kasi anak din naman ito ng kilala ding negosyante sa larangan ng hotel business sa bansa. Higit sa lahat maganda ang pagkatao nito.

Ang hindi lang ako sigurado kung papayagan niya akong pakasalan ko si Carolina after our graduation, but of course nais ko rin na may basbas niya ito ng sa ganun maging maayos ang buhay may asawa ko although dalawang mabibigat at lifetime na responsibilidad agad ang dadalhin ko pero masaya kong gagawin yon kasama si Carol. And I know, I am surely I can do it with her.




Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon