"Congratulations Ysa, mabilis kang matuto, napahanga mo ako." ang sabi ng aking teacher sa akin."Salamat po sa tiyaga niyo at napakahusay niyo po magturo." ganti ko rin sabi.
"Oh siya, iha. See you sa next class natin."
Habang naglalakad kami palabas ng kabahayan kasama ang aking titser, nakarinig ako ng maraming boses na nagkakagulo. Ano kaya ang mayroon?
Nasa pool side ang mga salarin ng kaguluhan, sa wari ko'y mga kaklase o kaibigan ni Senorito Martin. Mukhang may party sila, ngayon lang ito nagawi sa mansyon masaya silang tingnan naghahabulan, dinig na dinig mo mga halakhakan nila. Hays! Nakakainggit talaga sang mga rich kid walang iniisip na problema.
Agad siyang dumiretso sa kusina ng mansiyon para mag-meryenda, nagutom siya sa lecture nila kanina.
"Oy Ysa, sakto dating mo may niluto akong ginataan bilo-bilo dyan!". Masayang bungad ni Manang Rosita sa kanya.
"Wow, Ang sarap po noon Aling Rosita, tiyak namiss mo na ang sa inyo kaya ka nakapagluto ng Bilo-bilo!".
"Ay, oo subra Ysa, tiyak na magugustuhan din ito ng iba. Hahaha."
"Hala, tara lantakan na po natin, Manang!".
"Oh eto, tulungan mo akong ihanda para doon tayo sa labas kumain doon sa Ilalim ng punong Mangga." excited na sabi ni Manang Rosita.
"Excuse me." sabay kami napalingon ni Manang sa gawi kung sino man ang nagsalita.
"Yes po senorito?". Tanong agad ng makabawi si Aling Rosita.
"Pakidalhan kami ng maiinom at mga chips sa labas." utos nito bago bahagya tumingin sa gawi niya saka tuluyan tumalikod.
"Ysa, ikaw na lang mag-dala at hihintayin ka na lang namin sa Mangga."
Inilapag niya ang mga dala sa mesa na nakalaan talaga sa pool area. Akma na sana siyang tatalikod pero nahagip ng kanyang paningin ang magkapareha na yon. Agad na nagrigodon ang puso niya sa nasaksihan. Magkayakap ito habang magkalapat ang kanilang mga labi. Hindi niya akalain na ganoon kasakit ang hatid nun sa kanya lalo na ngayon sa harap niya pa. Gusto niya tumakbo papalayo at umiyak kaso hindi mahahalata siya. Pilit kong kinalma ang sarili ko, pero lalo itong nasaktan ng makitang papalapit na sa direksyon niya ang dalawa.
Ang ganda niya, ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang babae sa personal. Ang alam ko sa mga T.V ko lang nasisilayan ang mga ganung klase kaperkpektong mukha.
"You may go now, Ysabella." sabi ni Martin ng tuluyan makalapit na ang dalawa sa kaniya.
"O-opo". Pagkasabi noon nagmadali na siyang naglakad papunta sa loob ng kabahayan. Lalo siyang nakaramdam ng habag sa sarili niya lalo na sa damdamin na mayroon siya ngayon sa binata. Imposible na itong matugunan na bagaman alam kong sa una pa lang malabo ng mangyari.
"Opps, sorry to interrupt you." bungad ng lalaking nasa harapan niya. Napakurap pa ulit siya ng bahagya bago nabistahan ng maayos ang mukhang nasa harap niya.
"Hi, Im Paul." pakilala pa nito habang sapo ng kanang kamay nito ang batok na tila ba nahihiya sa kanya. "Im with them, I am looking for the comfortroom?.
Natauhan naman siya sa pagkatulala. Itinuro niya na lang dito kung saan banda. Mabilis na ito tumalikod papunta sa comfortroom. Omg! Lahat ba ng kaibigan ni Senorito Martin ay gwapo din ba? Bakit lahat yata. Huuh! Paglingon nahagip ng tingin niya ang mapanuring mata ni Martin. Bakit parang galit siya?
"I am not aware na marunong ka rin palang magpa-kyut in in front of Paul." wika nito.
Cute? Sino daw? Ako?. Waah. Kinilig ako doon ng kaunti atleast naappreciate niya ako kahit bilang cute lang. Sandali munang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig, parang natakpan noon ang sakit na naramdaman ko kani-kanina lang. Hindi ko napansin na napapangiti na pala ako sa isiping iyon.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko Ysabella?". Nainis na sabi ni Martin habang nakikita niya expression ng mukha ng kaharap niya ngayon. Naiinis ako. Pero bakit?.
"Hey." tawag pansin ni Paul sa kanila na ngayon ay palapit na sa kanila. Nakatingin ito kay Ysabella.
"Dude, Hindi ko alam na may maganda pala kayong kasama dito sa mansyon." dagdag ni Paul na di mawala ang tingin kay Ysabella. Masaya ang bulas ng mukha nito. Mukhang masayahin itong si Paul.
"Hey beautiful, What's your name?". Sabay kindat kay Ysabella.
Nagulat naman si Ysabella sa ginawa ni Paul. Agad siyang nakaramdam ng recognition sa ginawa nito.
"Ysabella Reyes po."
"Wow you have a feminine name."
"Paul, let's get back outside." aya ni Martin kay Paul. "and stop flirting ok!".
Tumawa ng malakas si Paul. "Ang damot mo naman, Pre." Bye, Ysa. See you around". Paalam ni Paul bago tumalikod na ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella