1st night...
Bahagya pa akong nagtaka kung saan silid ako naroon. Nakatulog pala ako, dahil na rin sa pagud at stress na naranasan ko nitong huli. Biglang tumunog ang kanyang sikmura.
"Oo nga pala, kanina pa ako hindi kumakain. " bulong niya sa sarili. Hinagilap ng mata niya kung may orasan sa paligid. At napanganga siya sa oras, alas siyete na pala ng gabi. Isang araw na pala siya di kumakain.
Akma na sana siyang tatayo ng maramdaman niya pananakit ng kanyang katawan lalo na sa parteng likod marahil siguro sa klase ng pagtulog niya kanina. Nanghihina pa siyang pumunta sa banyo para makapaglinis ng katawan.
Palinga-linga pa siya sa paligid kung nasa labas si Martin pero walang bakas ng tao sa labas. Agad siyang lumabas papunta sa kusina, siguro umalis si Martin para kumain ito.
Laking pasalamat niya at puno ng laman ang ref parang natakam siya sa sabaw ng tinolang manok kaya ayon ang inihanda niyang habang ngsalang siya ng sinaing. Mabuti na lang nakikialam ako sa kusina sa mansyon kahit papano alam niya na gamitin ang mga gamit doon.
Saktong nakahain na siya ng pagkain sa mesa, saka naman dumating si Martin. Bahagya pa itong nagulat sa kanya, hindi niya siguro inaasahan ang presensiya niya sa kusina. May dala itong supot na ewan niya kung anong laman noon. Nakatingin lang ito sa kanya.
"Pa-pasensiya na po se-senorito, pinakialaman ko na po yong laman ng ref niyo." tinig niya yon na may halong takot at kaba baka bigla na lang itong magalit at itapon. Sayang naman! napalunok siya ng laway sa isipin yon.
"Ka-kain p-po." aniya.
Lumapit ito sa direksyon niya at tiningnan nito mga niluto niya, tama ba nakita niya sa mata nito para din itong natatakam sa niluto niya. Agad siyang kumuha ng plato para dito.
Umupo ito ng walang sinasabi, ipinatong nito sa mesa ang bitbit na supot. Nang inabot niya ang bowl ng tinolang manok.
Bahagya siyang napangiti ng makitang kakain nga ito.
Nagtaka marahil ito kung bakit hindi pa siya kumikilos para kumain. Tumingin ito sa kanya."Kumain ka na, sabayan mo ko."
Woaaa! Kinilig ang puso ko doon ah, mukhang nagustuhan nito ang tinola, parang magana siyang sumandok na ewan. Napapangiti ang puso ko. Ayieh!
Pinagpawisan sila pareho ng matapos kumain, agad siya nitong iniwan at pumasok sa kwarto nito. Nalumbay na naman siya kasi pumasok na ito, di niya na makikita ito muli.
Agad niyang nilinis ang pinagkainan nila. Yong supot na dala nito nasa mesa, tiningnan niya, plasticware iyon na may laman pasta sa loob at sa takip nakalagay ang sticker ng logo ng restaurant kung saan ito binili, muli natuwa ang puso niya kasi dalawa iyon kaya inisip niya na dinalhan din siya ng pagkain ni Martin. Ipinasok niya na ito sa ref.
Biglang lumabas si Martin, bagong ligo ito, umaalingasaw ang bango nito, amoy iyon ng mamahalin sabon at shampoo na ginamit nito. Naka-pajama na ito ng kulay gray at isang plain tshirt naman ang katerno nito na binagayan ng pambahay na slipwear. Sarap naman pupugin ng halik ang taong ito. Na-conscious naman siya sa amoy niya, baka amoy tinola na siya.
"Bella, mag-usap tayo." tawag nito sa kanya.
Sandali ano tawag niya sa akin?, tama ba ako ng dinig "Bella" nga ba?.
"Common Bella, didn't hear me?" naiinip na sabi nito.
"O-opo." tama siya nga tinatawag. mabilis siyang lumapit dito baka magalit na si Martin.
"Maupo ka."
"Here." may inilabas ito na ipinatong sa table. "Mga cards yan, ito ay para sayo nandito allowances mo at ang isa para dito sa bahay na mga gastusin."
"Hindi mo na kailangan na pagsilbihan mo ako, in other words wala akong pakialam sayo. Just maintain this house clean and please always check the stocks if meron pa sila." sabi nito ng tuloy tuloy daig pa nito nag-o-orient sa kanya bilang katulong.
"Nasa 2nd floor ng building ang grocery and 3rd floor naman ang department store and we are in 20th floor." dagdag pa nito.
Mataman lang siya nakikinig sa mga sinasabi nito.
"That's all, and thanks for the dinner!" sabi nito sa kanya bago binuksan ang flat screen tv na naka-built sa wall ng bahay na iyon.
"si-sige po senorito, matutulog na po ako." paalam niya. Samantalang parang balewala lang dito ang pagpaaalam niya.
Malungkot man na ang turing sa kanya ay isang kasambahay. Ayos lang basta mahalaga mas makakasama at makikita ko siya lagi araw-araw, mas ok na ito kesa sa mansyon na hindi niya ito halos makita.
Wala na siyang ibang aasahan pa mula dito, hays, ito unang gabi namin bilang mag-asawa kung yong iba excited at masaya kabaliktaran naman yong sa kanya. Mali, excited din pala siya kaso siya lang pala.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella