Masama pa rin ang loob ni Ysa mula sa nangyari kahapon sa kanila ni Martin. Napagpasyahan niya ng supilin ang anuman pagtingin ang mayroon siya sa lalaki para di siya masaktan. Total naman ang pangit din ng pakikitungo nito sa kanya.
"Ysabella."
"Don Rafael." natuwa siya ng makita nang dumating ang matanda kahit paano nakaramdam siya na may kakampi.
"Kumusta ka dito?." umupo ito. Kasalukuyan siyang nagpupunas sa malaking sala ng dumating ito ng di niya namamalayan.
"maayos naman po ako Don Rafael.Marami po akong libangan dito." masaya niyang sabi dito.
"Talaga. mabuti kung ganoon." di man ngumingiti pero ramdam mo naman na natutuwa ito para sa kanya.
"Ysabella, gusto ko sana na makapag-aral ka?." sabi ng Don.
Di siya makapaniwala sa kanyang narinig
"totoo po ba?". Bigla siyang nag-alangan kasi bakit naman siya inaalok nito di namN sila magka-anu ano."Huwag kang mag-alala ito ay tulong ko sayo. Sana tanggapin mo ito iha."
"Pero bakit po?." Hindi po tayo mag-kadugo.
"Sabihin na natin na nanghihinayang ako para sa iyo iha." Alam ko malayo ang iyong mararating kung makakapag-aral ka."
"Pero matanda na po ako para mag-aral pagtatawanan po ako." nag-a-alala siya.
"Hindi mangyayari yon, ikukuha kita ng personal teacher mo at dito ka mag-aaral sa mansiyon." paliwanag ng don.
Di niya napigilan tumulo ang kanyang mga luha sa narinig. Nagpapasalamat siya at ito ang nakatagpo sa kanya.
"Halika rito iha, tahan na." tawag nito sa kanya na ibinuka ang mga bisig nito nag-a-anyaya na lumapit siya dito.
Hindi niya napigilan ang bugso ng damdamin. Mabilis siyang lumapit at niyakap ito. "Maraming Salamat po don Rafael." Mag-aaral po akong mabuti para po masuklian ang inyong kabutihan". Sumisinok sinok pa niyang nasabi. Narinig niya itong tumawa at habang hinahaplos nito ang kanyang buhok.
Ang tagpong iyon ang nasaksihan ni Martin galing ito sa likod para magpapawis. At routine niya na talaga ang maglaro ng basketball kapag walang pasok. Nakuyom niya mga kamao ng makita ito. Mabilis siyang umakyat patungo sa kanyang silid.
🙌🙌🙌🙌🙌🙌
Napabuntong hininga si Martin ng maalala ang tagpo na magkayakap ang kanyang ama at si Ysabella. Kumukulo ang kanyang loob para sa ama, hindi naman sa ayaw niya para sa personal na kaligayahan ng ama kung sana di nalalayo ang edad nito sa kanya kaso mas bata pa sa kanya ang kinuha nito. Disi-Sais anyos! Eh halos anak niya na ito kung tutuusin.
Nangangalit lalo mga bagang ni Martin kaya napasuntok siya ng malakas sa kanyang manibela. Habang nagmamaneho kasi siya papasok sa VGC di mawala sa kanyang isipan ang tagpo kanina marahil iyon talaga ang dahilan kung bakit nandoon ang babaeng iyon para sa ama niya. Gold digger! Palibhasa di makakaila na may ganda itong tinataglay kaya ito siguro ang ginamit para mabighani ang kanyang ama and presto nakabingwit siya ng malaking isda. Shit!
Nang makababa na sa kanyang sasakyan, agad niyang kinuha ang kanyang mga gamit para sa kanyang project proposal today ngayon niya ipe-present yon kasama ang kanyang ama.
What the hell! Naiwanan ko pa yong proposal!. Napahawak siya sa batok sa isipin babalik pa siya. "I have minutes left and it takes an hour to be here if I go home." nasabi ni Martin sa sarili.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella