Ika-14 Kabanata-Home

16 0 0
                                    


"Sorry Ysabella, natagalan ako sa paghahanap sayo." sabi ng Don sa kanya habang binabaybay na nila papasok ng mansyon.

"Pero nagpapasalamat po ako sa inyo dahil hinanap niyo ako sa kabila na di niyo naman ako obligasyon hanapin." sagot niya dito.

Nang makapasok sila sa malaking sala ng mansyon. Nakita niya na nag-aabang doon si Martin. Lumiwanag ang mukha nito ng makita siya pero dagli din yon napawi  dahil siguro naalala nito ang ginawa sa kanya.

"Maiwan ko muna kita. Ysabella, kumain ka na muna bago magpahinga." bilin ng don bago pumanhik sa silid nito.

Bahagya siyang tumango dito at gumawi  papuntang komedor. Agad siyang nakita ni Manang Rosita.

"Ysabella! Salamat nakabalik ka na!."
Kita sa mukha nito ang tuwa kaya niyakap  siya at agad naman niya sinuklian  ito ng mahigpit na yakap. Ngayon ay ramdam niya talagang nasa mansyon na siya.

Pinunasan ng matanda ang luha na naglandas sa kanyang mukha. "Ssssshhh, tahan na. Nandito ka na ulit sa mansyon,Nakabalik ka na, teka kumain ka na muna ipaghahain kita."

Tumango lang siya at tahimik na dumulog sa lamesa habang naghahain ito. Natakam siya sa mga pagkain, puro walang lasa kasi mga kinain niya nung nasa kulungan siya.

Habang kumakain, naramdaman niyang may tao sa kanang bahagi ng lamesa na lumapit. Tumingin siya dito at nakita niya ang malambot na anyo ni Martin. Yon yata ang unang beses niyang makita ang ganung expression ng mukha ng lalaki.

"Ysabella, Im sorry for what happened." hinaplos ang puso ni Ysabella sa tono ng salita nito.

"I hope your ok and fine."dagdag ng lalaki.
Nakatingin ito sa kanya.

Tumango si Ysabella pagsang-ayon dito at tumalikod na rin ito sa kanya. Ok na sana kaso suplado pa din.

Pagkatapos ng araw ng kanyang pagbalik sa mansyon, ilan araw pa nagdaan bago siya nagsimula mag-aral. Dumating ang kanyang in-house teacher. May edad na rin ito pero mahusay bukod pa sa mabait ang pakikitungo nito sa kanya.

Nalaman niya na dahil sa CCTV camera natunton nila ang taxi na pinagsakyan niya nung araw ng makulong siya. Di niya na lang inusisa kung ano pa nangyari sa taxi driver.

Ayon pa kay Manang Rosita, galit na galit daw ang Don kay Martin ng malaman ang nangyari sa kanya.. Kinabukasan pa raw ng umaga nalaman ng don na nawawala siya. At nagulat doon si Martin kasi hindi inaasahan na di pala siya nakauwi nang araw din na iyon. Hmp! Palibhasa wala siyang pakialam sa akin.

Doon na rin nalaman ni Martin na No read, no write siya at nahiya siyang isipin yon kasi sa kabila ng kapangitan ng ugali nito malaki ang pagkagusto niya dito.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon