THIRD PERSON POV
Hindi niya pinansin ang pagtulo ng kanyang pawis habang inaayos niya ang kanyang salamin. Today is his first day of school at akala ni Jaeger ay late na siya. Anong oras na kasi siyang nagising dahil sa pagod nang tulungan niya ang kanyang ina sa paglalaba kagabi.
Silang mag-ina lamang ang magkatuwang sa buhay dahil mag-isa siyang pinalaki ng kanyang ina.
Kwento ng kanyang ina ay maagang namatay ang kanyang ama. Wala rin siyang kahit na anong litrato kaya walang ideya si Jaeger kung ano nga ba ang itsura nito.
Ngunit masaya pa rin siya dahil nariyan ang kanyang ina. Mahal siya nito at hindi pinabayaan. Kahit mahirap ay hindi ito napagod para lamang buhayin siya at pag-aralin.
Grade six lang ang natapos ng kanyang ina, pagkatapos n'yon ay sinama na siya ng tiyahin nito upang makipagsapalaran sa Maynila at maghanap ng trabaho.
Kaya naman ipinangako ni Jaeger na magtatapos siya sa pag-aaral. Para sa ganoon ay matulungan niya ang kanyang ina.
Isang kasambahay ang Nanay Martha niya sa pamilyang Reagan. Sa Hacienda rin ng mga ito sila kasalukuyan na naninirahan. Mabait sa kanila ang mga Reagan, lalo na ang amo nilang sina Don Emilio at ang bunso nitong anak na si Sir Edwin.
Tumutulong din si Jaeger sa pag-ani ng ubas dahil iyon ang pangunahing negosyo na mayroon ang pamilyang Reagan.
May malawak na vineyard ang mga ito at may winery rin kung saan gumagawa ng mga alak. Isa na rin ngayon ang pamilyang Reagan na mayroong malaking pagawaan ng mga wine sa bansa, pati na rin sa bansang Italy.
Sa pagod ni Jaeger kagabi ay napasarap ang tulog niya. Ni hindi man lang na plansta ang school uniform niya dahil sa pagmamadali. Minalas pa niya dahil ang jeep na sinakyan niya ay nagpa-gasolina pa.
Kaya pagkarating niya ay agad siyang tumakbo papasok sa loob ng tarangkahan. Hindi niya pinansin ang ilang estudyante na napapatingin sa kanya.
Maraming mga estudyante ang nagkalat sa buong school, ang iba ay halatang magkakilala at magkaibigan na.
Hindi alam ni Jaeger kung saan siya unang magsisimula para hanapin ang room niya. Alam na niya kung ano'ng section siya, ngunit hindi niya alam kung saan ang room niya.
Bukod sa malaki ang school, hindi rin niya alam ang pasikot-sikot dahil isa pa lang siyang freshman student.
"Hey, watch out!"
"Sorry po, hindi ko po sinasadya!" paumanhin ni Jaeger dahil hindi niya sinasadya na mabangga ang estudyanteng babae.
He didn't even attempt to look at her face. Nagmamadali siya kaya hindi niya ito napansin. Ipagpapatuloy niya ulit sana ang paglalakad, ngunit natigilan si Jaeger nang sumabit ang bag niya sa zipper ng bag ng babae dahilan para masira ang bag nito.
"Oh, sheesh! My bag!"
Bakas sa mukha ng babae ang gulat.
"Sorry, sorry po!"
Kulang na lang ay lumuhod na si Jaeger sa harapan ng babae. Ang mga estudyante ay napapatingin na rin sa kanila.
"Sinira mo ang bag ko!" sikmat nito.
Doon nagkaroon ng lakas ng loob si Jaeger na tingnan ang mukha ng babae.
Mas natigilan siya nang makita niya ang angkin nitong ganda. Tila na starstruck siya sa angkin nitong kariktan. His jaw almost dropped as he stared at this girl.
Makinis ang kutis, maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata at may magandang mga mata. Itim ang tuwid nitong buhok, kung saan may manipis pa itong bangs na bumagay sa maliit nitong mukha.
Sa itsura nito ay halatang anak mayaman. Hindi tuloy alam ni Jaeger kung ano ang una niyang dapat gawin. Hindi siya sanay na humarap sa babae dahil pinangungunahan siya agad ng kaba at hiya.
Tulad niya ay first year high school din ang babae at halatang kaedaran lang niya ito. Magsasalita ulit sana ang babae, pero dahil sa kaba ay natataranta siyang tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.
"Hey, get back here!"
Hindi siya lumingon kahit na tinatawag siya nito. Talagang nahihiya siya at biglang nataranta lalo na't maganda ang babaeng iyon. Isa 'yon sa dahilan kung bakit hindi siya tumitingin sa mukha ng mga tao. He even stutters when he talks to someone.
After a few minutes, he finally found his room. Pumasok siya sa loob ng silid-aralan ngunit natigilan na naman siya nang may mapansin siya.
The girl he accidentally bumped into earlier. Nakaupo ang babaeng 'yon sa bandang likuran at malapit sa bintana. Hindi sukat akalain ni Jaeger na kaklase pala niya ito.
That girl looked at him, making him sweat when their eyes met. Para siyang napako. Nasa pintuan pa lang siya pero para siyang nanigas.
Maamo at maganda ang mukha, ngunit halatang palaban at masungit ang babae. She even gave him a death glare so he gulped nervously. Tiyak na galit na galit ito sa kanya. Hindi rin naman niya ginusto na masira ang maganda at mamahalin nitong bag.
Natauhan lang siya nang may tumapik sa balikat niya.
"Hindi ka pa ba uupo, hijo?" The old man said, and it looked like he was their teacher.
"Sorry po, sir," he answered shyly.
"Alright, take your seat. Magsisimula na tayo."
Tumango si Jaeger. Inayos niya ang suot niyang salamin bago siya nakayukong naupo sa bakanteng upuan. Ang malas niya dahil ang bakanteng upuan na lang ay ang silya na katabi ng babaeng iyon.
He had no other choice, but to take that seat. Kahit hindi siya nakatingin ay ramdam niya ang mainit na titig ng babaeng iyon sa kanya. Sinundan siya nito ng tingin hanggang sa nakaupo na siya sa silya na katabi nito.
He could feel her death stare on him.
When he looked back at her, she was staring at him intently. Tumaas pa ang kilay ng babae kaya napalunok siya. Pero hindi lang 'yon ang napansin ni Jaeger. He could smell her sweet baby cologne. It lingered in his nose and it was addictive to smell. He inhaled deeply and her scent drifted into his nostrils.
This is the scent he loves to smell. Hindi matapang, hindi rin masakit sa ilong. He wants to smell her, never getting tired of it. Ano ba itong kalokohan na naglalaro sa isipan niya? Hibang na talaga siya.
"Jaeger..."
He stiffened when she softly called his name. Napansin niya na hawak na nito ang suot niyang I.D at tinitingnan ang kanyang pangalan.
He didn't know why he couldn't take his eyes off her. Kahit ang hininga nito ay mabango rin. She smiled at him, causing him to feel embarrassed and his whole face heats up.
She is lovely. Her smile is pretty. Jaeger couldn't help but be amazed at her beauty.
She smiled mischievously.
"Sinira mo ang bag ko. Kaya lagot ka sa akin mamaya."
Jaeger gulped nervously. He looked down at the ID she was wearing, Serephina Sayer. Iyon ang pangalan ng babae.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...