SEREPHINA
Mabilis na humagod ang tingin ko sa magandang interior design ng gusaling kinaroroonan ko ngayon. Kasalukuyan akong nasa lobby at hinihintay ko na lamang ang resulta ng interview ko.
Mahahalata ko na mayaman ang may-ari ng building na 'to. Infairness, marami rin palang mga nagtatrabaho rito.
Dooly Chae Company, iyon ang pangalan ng kumpanya na in-apply-an ko ngayon. Alam ko na malabo na makapasok ako rito pero sinubukan ko pa rin, baka sakali na matanggap ako.
Katatapos lang ng interview ko at saglit lang iyon. Tinanong nila ako kung kakayanin ko ba na magtrabaho at kung anong dahilan kung bakit gusto kong magtrabaho sa kompanya nila. Lahat ng iyon ay buong puso kong sinagot at nagsabi rin ako ng totoo. Hindi ko rin kinakahiya kung hanggang saan lang ang natapos ko.
"Miss Sayer?"
Tumingin ako sa babaeng maikli ang buhok. Tumayo ako agad nang nakangiti siyang lumapit sa akin. Medyo may edad na siya ngunit maganda pa rin. Kinakabahan ako sa resulta ng interview ko. Mabuti na nga lang talaga ay hindi ako na utal kanina dahil mataas ang confidence ko.
"Serephina Sayer, right?" Kahit kabado ay ngumiti pa rin ako.
"Yes po, ma'am."
"You're hired, Miss Sayer. Congratulations and welcome to Dooly Chae Company," masaya niyang bati kaya natuwa ako sa aking narinig.
Nawala na ang kaba ko at napalitan ito ng sobrang kagalakan. Tiyak na matutuwa si mommy kapag nalaman niyang natanggap ako sa isang kompanya. For sure ay magiging masaya rin siya dahil may trabaho na ulit ako.
"Talaga po, ma'am? Hindi po ba kayo nagbibiro?" masaya kong katanungan.
She laughed and nodded. "I'm serious, Miss Sayer. The owner and CEO of this company is the one who hired you. Binasa na rin niya ang resumé mo pati na rin ang mga credentials mo kanina lang at sinabi niya sa amin na i-hire ka. And because our boss didn't attend your interview and the other applicants earlier, he just watched your interviews through your video in the virtual office," mahaba niyang sabi.
Ang swerte ko naman yata. Oo nga pala, hindi nakadalo sa interview ang CEO nitong company kanina pero kinuhanan kami ng video sa virtual office para mapanood daw ng boss nila.
"Anyway, you will start your job tomorrow morning and this is your schedule. Just make sure na hindi ka male-late sa meeting ni Mr. Chae bukas. He is our boss, by the way. That was a very important meeting for our boss kaya sana maaga kang dumating sa meeting place," wika niya kaya mabilis akong tumango.
"Don't worry, you will meet Mr. Chae tomorrow morning. Gusto rin niya sana na personal kang batiin at i-welcome sa company niya kaso may importante siyang pinuntahan ngayon. Again, congratulations and good luck!" nakangiti niyang saad kaya matamis ko rin siyang nginitian.
Nagpasalamat lang din ako sa kanya.
Sa pagkakaalam ko, siya ang secretary ng CEO at owner nitong company. Halatang nasa mid-40's na siya. Sa wakas ay natanggap din ako sa isang kompanya after ng isang linggo kong paghahanap ng trabaho. Sakto na naghahanap ng personal assistant ang CEO ng company na ito kaya mabilis akong nagbigay ng resumé dahil walang mangyayari kung hindi ko susunggaban agad ang opportunity.
Sayang din at baka maunahan pa ako ng iba. Marami rin ang nag-apply at puro mga babae pero masaya ako dahil ako ang napili. Dumidikit na yata sa akin ngayon ang swerte.
"Thank you po, ma'am. Makakaasa po kayo na pagbubutihan ko po ang trabaho ko," turan ko.
"It's good to hear that, hija. Anyway, ito ang papel. Nakasulat na riyan ang schedule ng meeting para bukas." Sabay abot sa akin ng kulay dilaw na sticky note bago siya nagpaalam na babalik na sa trabaho niya.
Masaya ako dahil makakatulong na ulit ako kay mommy at maibigay ko na ulit ang mga pangangailangan ng kapatid ko lalo na sa pag-aaral niya.
Tiningnan ko naman ang papel; Minyoku Restaurant, 9:30 a.m.
Sana lang ay hindi masungit ang amo ko. Sinuksok ko na lang sa wallet ko ang sticky note para hindi ito mawala. Lumabas na ako at dumiretso sa Jollibee na katapat lang ng pinanggalingan kong building. Bumili lang ako ng favorite food ng bunso kong kapatid at ni mommy para na rin sa advance celebration namin.
Kahit na mahirap maging isang PA, kakayanin ko lahat alang-ala para kila mommy. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang bunso kong kapatid. Kailangan kong mag-ipon para sa pag-aaral niya.
Alas-tres ng hapon nang makauwi ako sa bahay. Nagbayad lang ako sa tricycle driver subalit nagtaka ako dahil may sasakyan sa tapat ng bahay namin. Mayroon pang dalawang lalaking nakaitim na suit. Mukha silang bodyguard dahil sa suot nila at may earpiece na nakalagay sa tenga nila.
Sino naman kaya sila? Bakit sila nakatayo sa labas ng bahay namin? Nagulat pa ako nang tumingin sila sa akin at yumuko.
"Magandang araw po, senyorita." They greeted me.
Senyorita? Iyon ang madalas na itawag sa akin noong okay pa ang lahat. Kahit nagtataka ay pumasok na lang ako sa loob ng bahay bitbit ang mga pasalubong ko.
"Ate Seph!" tawag ni Tristan.
Natawa pa ako nang masaya siyang tumakbo palapit sa akin. Niyakap ko siya at binuhat kahit na lumalaki na siya. But he's still my baby boy.
"Ang bango naman ng baby boy namin. Paamoy nga si ate ng kili-kili!" Tumawa siya sa kiliti nang amuyin ko ang kili-kili niya.
"Ate naman, big boy na po ako. Pero konting tiis na lang po at sa susunod ay magiging donya ka na dahil kapag malaki na ako ay ako na ang bahalang magtrabaho para sa inyo ni mommy," aniya kaya lumawak ang ngiti ko.
Lagi kong naririnig sa kanya ang litanyang 'yan kaya natatawa na lang kami minsan ni mommy. Hindi na sa akin mahalaga kung mayaman kami o hindi. Wala na rin akong pakialam kung bumalik sa dating marangya ang buhay namin. Ang importante sa akin ay magkasama kaming tatlo at masaya kami kahit mahirap ang buhay namin ngayon.
"Big boy na raw. Baby ka pa rin namin, 'no!" sagot ko at sinimulan ko siyang kilitiin.
Kahit bata pa siya ay maaasahan ko na siya. Kapag late na akong nakakauwi ay siya ang gumagawa ng gawaing bahay. Hindi naman pwedeng kumilos si mommy dahil mabilis siyang mapagod at mahilo.
Nahinto lang ang tawanan namin ni Tristan nang mapansin kong may matang nanonood sa amin kaya naituon ko ang atensyon ko sa sala. Doon ko lang napagtanto na nasa sofa pala si mommy. Magsasalita na sana ako para ipaalam sa kanya ang magandang balita ngunit napunta ang atensyon ko sa lalaking kaharap niya.
Tumayo siya at alanganin niya akong nginitian. Hindi ko alam kung ano ang una kong ire-react nang makilala ko siya kahit na kapansin-pansin ang pagtanda niya. Nawala na parang bula ang matamis na ngiti sa labi ko.
Labing pitong taong gulang ako noong iwan niya kami. Iniwan niya kami dahil mas pinili niya ang babae niya kaysa sa amin. At ngayong bente singko anyos na ako ay saka siya nagpakita?
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit, pati na rin sa pananabik na mayakap ang sarili kong ama. Pero bakit siya nandito? Bakit ngayon lang siya nagpakita sa amin? Paano niya kami natunton dito?
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...