3

21.6K 885 214
                                    

SEREPHINA

"That's all for today. Class dismissed."

Our class was finally over kaya mabilis kong binitbit ang aking bag at lumabas agad ng room. Hindi na rin ako um-attend ng meeting kanina. Hanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin nila kami. Kahit si Jaeger ay hindi rin nakaligtas sa mga insulto na binabato sa kanya ng mga mapanghusga.

"Bagay talaga silang dalawa!"

"Ang sweet ni Jaeger. May pa-love letter pa siya kay Serephina."

"Pangit na nerd nga lang kaya never silang magiging bagay, 'no!" komento ng babaeng hindi pantay ang kilay.

Nagtatawanan pa sila. Akala naman nila ay perfect sila samantalang sila itong mukhang dugyot. Hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakatingin sa akin pati ang nakakainis nilang ngiti.

Hindi ko pwedeng sisihin si Jaeger. He is also a victim here. Kung nag-ingat lang sana siya.

Pinakalma ko ang sarili ko hanggang sa tumunog ang aking phone. Pagka-check ko ay may text na galing kay Vanessa. Hinahanap niya ako kung nasaan na ako dahil lagi kaming sabay umuwi ngunit hindi na lang ako nag-reply.

"Seph, wait! Let me explain!"

I frowned when I saw Jaeger. Binilisan ko ang lakad ko para hindi niya ako maabutan.

"Seph, please. Mag-usap muna tayo," makaawa niya. I sighed in annoyance. He even dared to call me by my nickname.

"Wala ako sa mood para kausapin ka, so back off!" I said without looking at him.

Baka kung ano pa ang masabi ko lalo na't wala ako sa mood ngayon. Naiinis ako dahil sa nainsulto ako sa mga binitawan na salita ng mga tao sa amin. Sino ang matutuwa kung pagtatawanan ka ng mga tao?

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag," aniya pero hindi ako nakinig.

Mabilis akong sumakay sa pulang kotse na laging humahatid-sundo sa akin. Para saan pa ang paliwanag niya? Nangyari na kaya wala na akong magagawa pa.

Kailangan kong kumalma bago pa ako sumabog. Ayokong madagdagan pa ang mga nasabi ko kay Jaeger kanina. Nasaktan ko ang damdamin niya kaya ayokong may masabi pa ako ulit na masakit na salita.

"Tara na po, manong," magalang kong utos sa family driver namin. Tumango siya at mabilis na pinaandar ang makina.

"Seph!" sigaw ni Jaeger.

I rolled my eyes at him. Kinalampag na rin niya ang bintana habang patuloy niya akong tinatawag pero umandar na ang kotse hanggang sa hindi ko na siya nakita.

I massaged my temple before leaning my head on the head rest. Ilang minuto lang ay nakauwi na ako. Pinarada lang ni manong ang kotse sa garahe. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan ko si mommy sa sala. Kasama niya ang kapatid kong si Tristan na dalawang taong gulang.

"Nandito ka na pala," nakangiting salita ni Mommy.

Nakangiti akong nagmano sa kanya bago ako humalik sa kanyang pisngi. I also lightly ruffled Tristan's hair. Nanggigigil ko ring hinalikan ang kanyang chubby cheeks.

"Si daddy po pala?" I asked.

"Hindi pa siya nakauwi. Tambak na naman siguro ang trabaho niya sa office," sagot niya.

"Nagluto na ako. Gutom ka na ba?"

Umiling ako. "Busog pa po ako. Aakyat na rin po ako sa kwarto ko. Huwag po kayong masyadong magpagod." 

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon