SEREPHINA
Dumating na ang gabi at magkasama na kami ngayon ng kaibigan kong si Vanessa. Kagagaling lang niya sa trabaho at agad siyang dumiretso sa bahay namin nang malaman niyang nakabalik na ako.
Marami kaming napag-usapan. Kinilig pa siya habang nagkukuwento ako lalo na sa aming dalawa ni Jaeger. Masaya siya nang malaman niyang pananagutan ako ni Jaeger.
"Basta huwag ka munang maingay kay mommy," paalala ko sa kanya."Panglimang beses mo na sa akin sinabi 'yan! Hindi mo ba ako pwedeng pagkatiwalaan na lang?" nakasimangot niyang turan.
"Syempre may tiwala ako sa 'yo pero sa bibig mo wala. Ang daldal mo pa naman," sagot ko kaya lalo siyang sumimangot.
"Basta hihintayin ko na lang si Jaeger para may kasama ako at para hindi lang ako ang masesermonan ni mommy," dagdag ko kaya natawa siya.
Magsasalita pa sana si Vanessa pero pareho kaming natigilan dahil sa gitara na aming naririnig.
"Gabi na pero may nagpapatugtog pa rin?" reklamo ni Van pero nagkibit-balikat ako.
"Parang hindi ka naman nasanay sa mga kapitbahay natin. Eh halos tuwing umaga ay may nagbabangayan na agad," I said kaya pareho kaming natawa.
"Ilang awit pa ba ang aawitin, oh, giliw ko?"
"Infairness, maganda ang boses ng kumakanta. May naligaw siguro na singer sa bahay ni Aling Bebang," komento ni Van kaya muli kaming natawa. Lagi kasi naming naririnig ang ingay sa bahay ni Aling Bebang. Sa tapat lang namin sila at parang laging may piyesta.
"Ilang ulit pa ba ang uulitin, oh, giliw ko?"
This time ay nagtaka na ako. Pamilyar sa akin ang boses ng kumakanta. Magsasalita pa sana si Vanessa pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya. May kumakanta ng Ligaya by Eraserhead.
"Bakit?" tanong ni Van.
"Parang pamilyar sa akin 'yong kumakanta."
"Baka si Manong Totoy lang 'yong kumakanta at nagkaroon ng himala kaya gumanda ang boses niya."
Hindi na ako nakatiis pa kaya agad akong lumapit sa balkonahe na meron dito sa kwarto ko. Sumilip ako sa ibaba ngunit laglag ang aking panga nang makita ko si Jaeger sa ibaba na may hawak na gitara.
"The hell! Si Jaeger na ba 'yan?" sulpot ni Vanessa. Halata ko sa tono niya ang hindi makapaniwala. Nakangiti akong tumango sa kanya. Hindi ko inaasahan ito.
"Gosh, ang swerte mo!" tili niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko na naitago pa ang kilig ko. Bakit hindi siya nagsabi na nandito na pala siya sa Cebu? Tapos ngayon ay nandito siya sa ibaba, hinaharana ako. Sinong hindi kikiligin sa lalaking 'to?
Natawa pa ako kay Vanessa dahil halos yakapin na niya ang pader dahil sa kilig. Cheesy man pakinggan pero nagustuhan ko at kinikilig ako sa ginawa niyang pagharana sa akin ngayon. Hindi na uso ang harana sa henerasyon namin pero masaya ako na hinaharana ako ngayon ng lalaking mahal ko.
Natapos siyang kumanta kaya pumalakpak kami ni Vanessa. Agad din akong tumalikod at lumabas ng kwarto para puntahan siya.
"Bakit gising pa kayo? Naririnig niyo ba 'yong kumakanta sa labas? Gabi na pero may nambubulabog pa," bungad ni mommy nang maabutan ko silang nasa sala at nanonood ng TV.
Nandito rin si dad at dito muna siya sa bahay matutulog dahil ayaw ni Tristan na umalis siya.
"Naku, Tita Marga. Gwapong manliligaw po iyon ni Seph!" kinikilig na sagot ni Vanessa.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...