SEREPHINA
Nagising na lang ako dahil sa ingay na naririnig ko. Sa pagmulat ko ay bumungad sa akin si Jaeger. Ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. Narito rin sina Samantha. Inikot ko ang tingin ko sa paligid ko. Sa tingin ko ay nasa ospital na naman ako. May swero rin ako sa kaliwa kong kamay.
"Anong nangyari?" I asked weakly. Agad silang tumingin sa akin nang marinig nila ang tinig ko.
"Mabuti naman at gising ka na," Jaeger said and breathed a sigh of relief before he kissed the back of my palm.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" pagtatanong ni Hara. Naalala ko ang mga nangyari kaya agad akong humawak sa aking tiyan.
"Ang baby ko? Walang masamang nangyari sa kanya, 'di ba?" kinakabahan kong tanong kay Jaeger..
"Our baby is safe. Walang masamang nangyari sa kanya at ang sabi ng doktor ay lumalakas naman daw ang kapit ng bata. Kailangan mo lang magpalakas dahil bawal sa iyo ang ma-stress," sagot niya kaya maluwag akong nakahinga.
"Si Ciara? Ano pala ang nangyari sa kanya?" I asked.
"Huwag mo na siyang isipin. Hindi na siya makakalapit sa 'yo dahil binantaan na siya ni Jaeger. At isa pa, bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na buntis ka?" ani Samantha.
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Si Cloud ay tahimik lang sa isang tabi habang nakasandal ang kanyang likod sa pader. Ngumiti lang siya sa akin nang tumingin ako sa kanya.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na buntis ka?" seryosong tanong ni Jaeger.
I gulped and sighed. "Huwag mo na kaming alalahanin. Kaya kong buhayin mag-isa ang baby ko," mariin kong sagot na hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
"Lumabas na muna tayo. Bigyan na muna natin sila ng privacy," salita ni Cloud kaya sumunod silang lahat sa kanya. Lumabas silang lahat hanggang sa kaming dalawa na lang ni Jaeger ang naiwan.
"Why, Seph? Handa kitang panagutan," turan niya. "Wala akong anak at asawa. Totoong minahal kita mula noon hanggang ngayon. Wala rin akong pakialam kay Ciara. Mahal kita, mahirap bang intindihin 'yon?"
Naupo siya sa gilid ko at nakangiting hinawakan ang dalawa kong palad. Bakas ko sa mukha niya ang labis na kasiyahan. Hindi ko rin namalayan na umiiyak na pala ako.
"Please, don't cry. Baka makasama pa sa baby natin. Please, darling. Hayaan mong panagutan kita, hayaan mong mahalin kita. So I'll ask you, do you love me too?" And he looked directly into my eyes.
"I'm asking you, Seph. Mahal mo rin ba ako? Kasi mahal na mahal kita. Ikaw lang lagi ang laman nito," aniya at nakagat ko ang labi ko nang tinuro niya ang kanyang kaliwang dibdib.
"Mahal mo rin ba ako? Kasi kung hindi mo ako mahal ay wala na akong magagawa ---"
"Mahal kita, Jaeger. Sobrang mahal na mahal kita," umiiyak kong putol sa kanya.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi namin. Mabilis din niya akong hinalikan sa labi. Saglit lang naman 'yon bago niya dinala sa magkabila niyang pisngi ang dalawa kong kamay.
"Totoo lahat ng mga sinabi ko sa gymnasium kanina. Ikaw lang talaga ang babaeng minahal ko at mamahalin ko. Buntis na si Ciara nang magising kaming dalawa na magkatabi noong araw ng birthday ni Esther. The one who got her pregnant admitted that he was the father. Kaya doon na ako nagpasya na ipa-DNA si Summer," pagkukwento niya.
"Kalalabas lang ng result kaninang hapon at balak ko sana siyang komprontahin pero nangyari ang pagpapahiya niya sa 'yo. I was still a virgin when we did that. You are my first and will be my last. Ikaw lang ang hahayaan ko na humawak sa macho kong katawan," aniya kaya natawa ako sa huli niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...