SEREPHINA
Agad akong dinala ni Jaeger sa pinakamalapit na hospital upang magamot lahat ng mga natamo kong sugat para hindi ito magkaroon ng infection, subalit nagkaroon naman ako ng sprain kaya hindi ko masyadong maigalaw ang kaliwa kong paa.
Hindi rin mawala sa isip ko ang lahat ng mga nasabi ko kay Jaeger, lalo na ang sinabi niya kanina. Now we are heading back to his rest house. Balak pa niya sanang manatili ako sa hospital pero tumanggi ako. Mas okay na rin na sa rest house na lang ako magpagaling dahil hindi naman malala ang nangyari sa akin.
Gabi na ng makauwi kami. Akma na sana akong bababa pero mabilis na nakababa si Jaeger at nilapitan ako. Binuhat niya ako papasok sa loob ng rest house. He quietly took me to his room and carefully put me down on the bed.
I can't look into his eyes because of what happened earlier. All I want is to have a modest life with no regrets. Nahihiya ako na nabunton ko lahat sa kanya ang sama ng loob ko. Sa kanya ko sinumbat lahat kahit wala naman siyang kasalanan.
"Magluluto lang ako ng makakain natin. Magpahinga ka lang muna," aniya.
Sinundan ko lang siya ng tingin nang lumabas na siya sa kwarto. Naiinis ako sa sarili ko, kahit kailan ay hindi ako nag-iisip. Si Jaeger ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon. Niligtas niya ako kaya utang ko sa kanya ang buhay ko.
I sighed and stood up. Kumuha ako ng pamalit na damit sa closet dahil marumi na ang suot ko.
Kahit kumikirot ang hita ko ay pinilit ko pa ring maglakad papasok sa loob ng banyo. Hinubad ko ang damit ko at nilinis ang aking katawan. Masyado ko na ring namimiss sina mommy.
Hindi ako makatawag dahil walang load ang cellphone ko. Naka-free data lang ako kaya kahit paano ay nakakapag-chat pa rin ako kay Vanessa. Maybe I'll still be thankful that Jaeger was the one I tried to rob; that our paths crossed again.
Ilang minuto bago ako natapos. Lumabas na ako sa banyo pero natigilan ako nang makita ko si Jaeger na nakaupo sa kama. Seryoso siya at may malalim na iniisip. Agad siyang napatingin sa akin nang mapansin niya ako.
"Meron pala akong first aid kit dito na ginamit ko noong nakaraang araw. Pwede mo itong gamitin para sa mga sugat at pasa mo," aniya at tumayo. Paika-ika akong lumapit sa kanya at doon ko nakita ang tinutukoy niya.
"May ointment cream na rin diyan para mabilis na gumaling ang mga sugat mo. Pasensya ka na sa nangyari kanina. Dahil sa akin kaya napahamak ka." Nahihimigan ko sa boses niya ang pagiging sincere.
"Sorry sa nangyari kanina. Wala ka naman talagang kasalanan. Kasalanan ko kung bakit muntik na akong madisgrasya. Salamat din sa pagligtas mo sa akin kanina. Kung hindi dahil sa 'yo, baka wala na ako," malumanay kong sagot.
"Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kaya nasabi ko ang mga 'yon. Sorry talaga."
Tipid siyang ngumiti. "No, Seph. Ako dapat ang humingi ng sorry. Kung hindi lang sana kita sinama ay hindi ka sana malalagay sa ganoong sitwasyon. It's actually my fault why you almost died. You should blame me and not yourself."
Napayuko ako dahil sa hiya. I noticed in the tone of his voice that he was blaming himself for what happened to me earlier. Pero wala siyang kasalanan. Masasabi ko na aksidente ang nangyari kanina at walang may gusto na mangyari iyon.
"Aasikasuhin ko na lahat ng mga kailangan mo para makabalik ka na sa Pilipinas. Hindi mo na rin kailangan bayaran ang mga nasira mong gamit ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit bigla yatang kumirot itong puso ko? Bakit parang may bahagi sa akin ang tumututol na huwag umalis? Dapat nga ay masaya ako pero bakit tumututol yata ang isip at kalooban ko?
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...