SEREPHINA SAYER
"By the way, don't forget to go to the gymnasium after lunch," paalala ni Sir Cruz sa aming lahat.
"You all need to attend the meeting para marinig n'yo ang idi-discuss about sa graduation ninyo sa Marso. Pag-uusapan kung kailan ang eksaktong date ng graduation n'yo, maliwanag ba?"
Naghiyawan ang mga kaklase ko sa saya. Dalawang buwan na lang ang hihintayin namin at ga-graduate na kami. Matapos naming sagutan ang binigay niya sa amin na long quiz ay nag-alarm na rin ang bell, hudyat na lunch break na.
"Tara na sa canteen," aya ko kay Vanessa pagkakuha ko ng wallet at cellphone sa bag ko.
Siya ang seatmate ko at lagi ko siyang kasama tuwing lunch break. Tumango siya at may kinuha lang siya sa kanyang bag bago kami lumabas ng room.
"Bakit hindi pa sila pinapalabas?" rinig kong bulong ni Vanessa.
Napadaan kami sa Section 1, sa room ni Esther habang kami ay Section 2. Tahimik ang mga estudyante sa seksyon nila habang nagsusulat. Sila na lang ang hindi pa pinapalabas. Palibhasa ay terror teacher ang nagbabantay sa kanila ngayon.
I smiled sweetly when I saw Esther. His forehead furrowed as he was busy writing in his notebook. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nakababa na kami ni Vanessa sa hagdan.
Nakarating kaming dalawa sa canteen. Medyo maingay ang paligid dahil lunch break at maraming mga estudyante ngayon. Gutom na ako at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. I sighed heavily. Marami ang nagsisiksikan kahit na may kalakihan ang espasyo ng canteen.
"Ako na lang ang papasok sa loob," presinta ni Vanessa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hintayin mo na lang ako sa gymnasium. 'Yong pagkain ba na madalas mong kinakain ang gusto mong bilhin?"
Nakangiti ko siyang tinanguan.
Mabait talaga si Vanessa at reliable friend. Kahit na maldita ako ay mabait pa rin siya sa akin. Lagi niya akong iniintindi at ayaw niyang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan naming dalawa. I also value our friendship.
Naranasan na ni Vanessa ang ma-bully. Isa siya sa mga maswerteng nakapasok dito sa school. Pasalamat ako dahil hindi na ulit siya binubully mula nang maging kaibigan niya ako.
Nakilala ko siya nang naging partner ko siya sa quiz bee noong nasa third year kami. I also partnered with her on our school projects several times, so we became close to each other.
Ngumiti siya sa akin kaya binigay ko lang sa kanya ang pera pambili ng pagkain bago ako nagpasalamat sa kanya. Sinundan ko lang siya ng tingin nang magtungo na siya sa loob para bumili.
Nagtungo na rin ako sa gymnasium at doon ko na lang siya hinintay. Konti lang na estudyante ang narito nang pumasok ako sa loob. Naupo ako sa bench na lagi naming inuupuan ni Vanessa.
Hindi ko rin mahagilap sina Yeng at Samantha dahil nauna silang lumabas kanina sa room. For sure ay pagbo-boy hunting na naman ang inatupag ng dalawang 'yon.
It took a few minutes bago dumating si Vanessa bitbit ang mga pagkain na binili niya sa canteen.
"Sorry, Seph. Pinaghintay ba kita ng matagal? Ito na pala ang pagkain mo," she said while gasping for air.
Nakangiti akong umiling. "Nah, ayos lang. Maupo ka na sa tabi ko para makakain na tayo," mahinahon kong sagot.
Sa sobrang bait ni Vanessa sa akin ay madalas ko siyang bigyan ng regalo. Jeepney driver ang papa niya habang nagtitinda ng street foods ang nanay niya. Matalino rin si Vanessa at masipag. Siya na lang ang inaasahan ng magulang niya na makatapos dahil ang ate niya ay maagang nag-asawa.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...