SEREPHINA
Gusto akong makausap ni Ciara kaya hindi ako nagdalawang-isip na sumama sa kanya. Tiyak na pag-uusapan lang naming dalawa ang tungkol sa asawa niya. Tatanungin niya siguro ako kung ano ang ginagawa ko sa penthouse ni Jaeger o kung paano kami nagkita.
Should I tell her that Jaeger is cheating on her? Maniniwala kaya siya sa akin kapag sinabi kong biktima lang din ako at tinago ni Jaeger sa akin ang totoo?
Dinala niya ako sa restaurant kung saan kaunti lang ang mga tao. Pumwesto rin kaming dalawa sa medyo tago na parte para siguro makapag-usap kami nang mas maayos.
Lumapit sa amin ang waiter at kinuha ang order namin. Habang umo-order si Ciara ay hindi ko mapigilan na tingnan siya. Malaki ang pinagbago niya pero mas lalo siyang gumanda. Hindi na rin siya tulad noon na masyadong kikay manamit.
Ngayon ay elegante na ang kanyang itsura. Bagay sa kanya ang ayos niya ngayon kahit makapal ang pulang lipstick sa kanyang labi. Blonde na rin ang buhok niya na dati ay kulay itim. Halata sa kanya ang pag-glow up. Halata na successful na rin siya sa buhay. Tulad silang dalawa ni Jaeger, may narating na.
Hindi ko mapigilan na ikumpara ang sarili ko sa kanya. Binigyan ako ng mahabang panahon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang iangat at iahon sa kahirapan ang pamilya ko.
Minsan ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng inggit. Paano kaya kung hindi kami naghirap? Paano kung hindi kami na bankrupt? Paano kung hindi kami iniwan ni daddy?
Tiniis ko lahat ang paghihirap kahit gusto ko na sumuko. Lahat ginawa ko ngunit sadyang ito na talaga ang kapalaran ko. Minsan ay dinadaan ko na lang sa pag-iyak para gumaan ang pakiramdam ko. Iiyak lang ako at pagkatapos ay magiging okay na ang lahat. Sinubukan ko na ring sumuko pero naisip ko na hindi 'yon ang kasagutan sa problema ko.
Ang sabi nga sa akin ni mommy, binigyan ako ng mabigat na pagsubok dahil alam ng Diyos na kaya ko itong lagpasan. Makakaya ko rin ito at kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko. Pero hanggang kailan ako magtitiwala kung gusto ko na sumuko?
Tumikhim si Ciara kaya natauhan ako. I just silently looked at her. Nakatingin lang din siya sa akin. Nakalapag na rin sa lamesa ang mga inorder niyang pagkain.
"Kumain na muna tayo bago tayo mag-usap," mahinahon niyang turan bago siya nagsimulang kumain.
Bumuntong hininga ako at sinimulan ko na rin kumain. Wala sana akong balak na sabayan siyang kumain at hindi ko rin sana balak gagalawin itong mga pagkaing inorder niya pero gutom na ako.
"Leave my husband alone, Seph."
Nahinto ako sa pag-inom ng juice nang ilang minuto ang lumipas ay nagsalita na sa wakas si Ciara.
"Nakikiusap ako sayo," she added. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Lumunok ako at ilang segundo akong hindi nakasagot. Nanatili lang siyang kalmado habang kumakain.
"Wala kang dapat ikabahala. Wala rin akong balak na manira ng relasyon," mariin kong sagot at sinimulan ko na ulit kumain. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.
"Why, Serephina? Have you already forgotten what you said eight years ago? Kinain mo na ba lahat ng mga sinabi mo sa asawa ko noong senior high pa lang tayo?" wika niya habang nakapaskil sa kanyang labi ang ngisi.
Napalunok ako. Tama siya, nilunok ko na lahat ng mga sinabi ko noon kay Jaeger. Nagsisisi ako sa mga binitiwan kong mga salita noon sa kanya. Ngunit hindi na kailangan ni Jaeger na maging mayaman o maging gwapo para mahalin ko siya.
Minahal ko siya sa kung sino o ano siya. Hindi siya mahirap mahalin dahil kahit ayaw ko at kahit anong pigil ko ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Pero mali ang pagmamahal ko dahil may pamilya na si Jaeger.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...