SEREPHINA
"Sigurado ka na ba riyan, anak? Talaga bang sa Maynila pa ang trabaho mo?" tanong ni mommy habang inaayos ko ang mga dadalhin ko. Nasabi ko na rin sa kanya na kailangan kong lumuwas ng Maynila kasama ang boss ko.
"Huwag kang humiwalay sa amo mo. Malaki pa naman ang Maynila at baka maligaw ka pa roon," dagdag niya at nasa tono niya ang pag-aalala.
Marahil ay natatakot siya na may masamang mangyari sa akin habang nasa Maynila ako. Sanay na rin ako sa mga sangkaterba niyang paalala lalo na kapag ilang araw akong hindi makakauwi.
"Mom, kasama ko naman po ang amo ko pati ang architect team. Magiging ligtas po ako roon," sagot ko.
"Basta huwag mong kalimutan na tumawag sa amin," aniya kaya nahinto ako sa pag-iimpake.
"Mommy, bente singko anyos na po ako. Alam ko na po kung ano ang dapat kong gawin," natatawa kong turan sa kanya.
"Balitaan ko po kayo kapag nasa Maynila na ako. Two weeks lang naman ako roon kaya babalik din kami agad ni Sir Cloud dito sa Cebu kapag natapos na po ang trabaho namin sa Maynila. At saka nakalimutan n'yo na rin po ba na tumira tayo sa Maynila? Wala kayong dapat alalahanin dahil hindi po ako maliligaw roon."
Bumuntong hininga siya at tumango na lamang. Mahigpit kong niyakap si mommy para maibsan ang pangamba niya.
"Magiging okay po ako roon. Two weeks lang naman akong mawawala," saad ko upang mawala ang pag-aalala niya.
"Basta mag-ingat ka. Alam mo naman na iba na sa Maynila ngayon. Huwag mo na rin kaming alalahanin ng kapatid mo. Paminsan-minsan ay dumadalaw ang daddy mo para kay Tristan."
Simpleng tango ang sinagot ko sa kanya. Panatag din ako dahil nandyan si daddy para ma-check sina mommy at Tristan habang wala ako sa bahay.
Sooner or later ay baka mapatawad ko rin si dad. Hindi pa sa ngayon pero alam kong balang araw ay magiging okay rin kaming dalawa.
Sooner ay masasabi ko rin kay mommy ang mga nangyari sa akin sa Jeju Island. Hindi pa sa ngayon dahil wala pa akong lakas ng loob. Sa ngayon ay sapat na na alam niyang niloko ako ng Koreano kong ex-boyfriend. Hanggang doon lang muna at saka ko sa kanya ikwento ang iba pang mga nangyari sa akin.
✘
"Diretso na tayo sa hotel at para makapag pahinga na rin tayong lahat," ani Sir Cloud nang makarating kami sa wakas sa Maynila.
Nakalagay na rin sa likuran ng sasakyan ang mga bagahe namin. Dalawang architect at apat na design office staff ang kasama namin ngayon.
Kaming dalawa ni Sir Cloud ang nahuling sumakay. Nasa bandang likuran kami dahil iyon na lang ang bakante. Ramdam ko rin ang pagod kahit na saglit lang ang biyahe namin. Mabuti na lang ay may nagsundo sa amin kaya hindi hassle.
"Mukhang pagod ka na. Umidlip ka na muna habang wala pa tayo sa hotel," mahinang salita ni Sir Cloud na nasa tabi ko. Kami na lang ang gising pati ang driver. Ang mga kasama namin ay nakatulog dahil sa pagod. At saka bakit ang bilis ko rin yatang makaramdam ng pagod ngayon?
Dati ay malakas ang energy ko at kaya ko ang ganitong klase ng trabaho. Ang bilis ko ring magutom at mahilo. Lagi na lang din akong naghahanap ng icecream. Dahil na rin siguro sa mainit ang klima ngayon sa bansa.
"Okay lang po ako, sir. Naninibago lang po ako sa Maynila. Eight years na rin kasi akong hindi nakabalik dito," sagot ko at ngumiti ng tipid. Ang atensyon ko ay nasa labas ng bintana.
Malaki ang pinagbago ng Maynila ngayon. Marami nang nakatayong gusali at dumami rin ang mga sasakyan. May mga kabataan pa ang palaboy-laboy sa lansangan. Ang iba ay nagtatakbuhan kahit maraming sasakyan habang ang iba ay namamalimos.
Hindi na umimik pa si Sir Cloud. Hinayaan ko na lang siya nang makatulog siya bigla sa balikat ko.
Ilang minuto ang itinagal hanggang sa makarating kami sa hotel kaya ginising ko na ang mga kasama ko. Mabuti ay hindi sila mahirap gisingin kaya bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na sa loob ng hotel bitbit ang mga bagahe namin.
"I'm sorry, sir. There are only four rooms left in our hotel. Marami po kasi ang mga guest na nag-check in ngayong araw," malumanay na sambit ng babaeng receptionist.
I took a deep breath dahil kanya-kanya na sila ng makakasama sa room. Hindi ko yata araw ngayon dahil mula kanina sa pag-alis namin ay laging si Sir Cloud ang kasama at katabi ko.
Mukhang pati yata sa hotel room ay siya rin ang kasama ko. Hindi ko alam kung malas ba ako o swerte dahil dalawa lang ang kama sa bawat room.
"Okay, kukunin na namin ang apat na room," tangi na lang nasagot ni sir dahil wala na rin kaming choice. Itong hotel lang kasi ang pinakamalapit sa site.
May ni-type lang ang babae sa katapat niyang computer bago niya inabot sa amin ang swipe keys ng aming room. Binigay ni Sir Cloud ang tatlong susi sa mga kasama namin.
"Room 607, 608, 609 and Room 610 in 10th floor po, sir. Have a nice day and welcome to our hotel," nakangiting sabi ng babae kaya nagpasalamat lang kami.
"No choice tayo, magkasama na naman tayong dalawa," ani Sir Cloud kaya sabay kaming natawa.
Ang kasama namin ay mag-boyfriend girlfriend. Habang ang dalawa sa kanila ay engaged na kaya wala kaming magagawa kung ayaw nilang maghiwalay. Mabait naman si Sir Cloud. May tiwala ako na wala siyang gagawin na masama habang tulog ako.
"Kasalanan ko rin naman po, sir. Kung maaga lang sana ako nagpa-room reservation, hindi sana ito mangyayari." Paninisi ko sa aking sarili.
"It's not your fault, Seph. That's my secretary's job and not yours. At isa pa, biglaan lang din ang pagpunta natin dito sa Maynila," malumanay niyang sagot.
Napangiti na lamang ako sa kabaitan niya. Sa sobrang bait niya ay hinihiling ko talaga na sana huwag muna siyang kunin ni Lord. Nagtungo na kami sa elevator para magtungo na sa aming room.
Bigla na lang akong napatingin sa kabilang elevator nang bumukas ito at lumabas ang mga nakasakay roon. Ngunit nahinto ako sa paglalakad nang may mahagip akong pamilyar na tao.
Para akong tinusok ng punyal sa dibdib nang makita ko kung gaano kasaya si Jaeger habang buhat-buhat niya ang batang babae. Nakalingkis pa sa braso niya si Ciara. Hindi ko ini-expect na makikita ko sila rito.
Nakaramdam ako bigla ng inggit kaya pinigilan kong huwag maluha. Mabuti na lang ay hindi ako nakita ni Jaeger dahil nakatuon ang atensyon niya sa kanyang anak. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko.
"Seph? Bakit umiiyak ka?"
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Sir Cloud. Nagtataka siyang nakatingin sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit nabakasan ng pag-aalala ang mukha niya. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako at nakakahiya dahil nakita 'yon ng boss ko.
"Napuwing lang po ako," pagsisinungaling ko. Peke ko lang din siyang nginitian pero halatang hindi siya naniniwala sa akin ngunit hindi na lang siya nagtanong pa.
"Tara na para makapag pahinga na tayo," aya niya kaya sumunod na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...