9

24K 960 189
                                    

SEREPHINA

Tatlong araw na ang lumipas mula nang magkita kami ni Jaeger at nagtrabaho ako bilang maid niya. Naging maganda naman ang buhay ko sa kamay ni Jaeger. Mas nakilala ko rin ang ugali niya. Minsan mabait tapos bigla na lang siyang magsusungit.

Until now, he's still mad at me because of what happened at his resto bar three days ago.

FLASHBACK

Masaya ang naging selebrasyon namin ni Jaeger. Dapat niya ring i-celebrate ang araw na 'to dahil unang anibersaryo ng Idle Desire sa Jeju Island kahit na branch lang itong resto bar niya. Talagang patok ang resto bar niya sa mga turista.

Nagpaalam lang siya saglit sa akin dahil may mga kaibigan daw siyang nandito rin sa resto bar at hinahanap daw siya. Kakausapin lang daw niya ang mga 'yon saglit. Pinagsabihan pa niya ako na huwag akong aalis sa kwartong 'to. Natatakot siguro siya na mawala o maligaw ako lalo na't hindi ko rin kabisado ang pasikot-sikot sa lugar na ito.

Ngunit kalahating oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Don't tell me na nakalimutan niyang kasama niya ako? I also need to go to the restroom. Konti na lang ay sasabog na ang pantog ko.

Hindi na ako nakatiis pa. Mabilis akong tumayo at lumabas. Bumaba ako sa ibabang palapag kahit na may tama na rin ako dulot ng alak. Sakto na may waitress na dumaan sa harapan ko kaya hinawakan ko agad ang kanyang kamay.

"Hi, miss. May I know where the restroom is?"

Hindi nakaligtas sa akin kung paano niya ako taasan ng kilay. Siya 'yong waitress na kumuha ng order namin kanina.

"You have eyes so find where the restroom is. Go, look for it by yourself," mataray niyang sagot at inirapan pa ako. I stood up straight and looked at her intently.

"I know I have beautiful eyes, but can you please use your common sense? You are a waitress. Be nice if you still love your job and don't want to lose it. I know the owner of this resto bar and he is my friend. What if he finds out that this is how you treat your customers?" pagtataray ko rin sa kanya.

Tumikhim siya at mukhang na takot.

"This way, ma'am." At itinuro sa akin kung saan ang restroom nila.

Nagpasalamat pa rin ako bago ako nagtungo sa restroom para umihi. Nang matapos ay naghugas lang ako ng kamay. Mapungay na rin ang mata ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Lumabas ako agad ng restroom para hanapin si Jaeger dahil gusto ko na umuwi at magpahinga. Nagtungo ako sa crowded area baka sakaling makita ko siya roon.

"Jaeger, nasaan ka na ba?" I whispered to myself.

I looked around to find him pero nahihilo lang ako dahil sa dami ng mga tao. Ayokong mag-paranoid, pero what if iniwan niya ako rito?

"Aww!" daing ko nang may bumangga sa braso ko. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Inis kong asik.

"Sorry, miss." His voice is deep and masculine.

I looked at him. A handsome and tall man was in front of me now. His eyes were firmly looking at me. He also has sexy thick lips.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo," masungit kong sabi.

I don't care if he is a foreigner or not. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy ako sa paghahanap kay Jaeger. Napadpad ako sa dance floor pero kahit anino niya ay hindi ko man lang makita.

"Lagot ka talaga sa akin kapag nahanap kita," may diin kong wika.

Nahinto lang ako sa paghakbang dahil sa kamay na humawak sa bewang ko. Agad akong nagtaka nang lingunin ko siya. Siya 'yong lalaki kanina na bumangga sa likuran ko.

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon