14

19.8K 790 148
                                    

SEREPHINA

Nanaginip ba ako? Tama ba itong nakikita ko? Gulat na gulat akong nakatingin sa kanya. Naguguluhan din ako kung bakit siya narito. Anong meron sa kanilang dalawa ni Jaeger?

Isang ngiti ang ipinakita niya sa akin. Gulong-gulo ako ngunit kaba at takot ang naramdaman ngayon ng puso ko.

"It's been a long years, Seph. Hindi ko akalain na magkikita ulit tayo matapos ang mahabang panahon. Hindi ko rin alam na magkasama pala kayo ng asawa ko sa penthouse niya," nakangiti niyang salita kaya nangunot ang aking noo.

Asawa niya si Jaeger? But how?

She even looked at me from head to toe.

"By the way, si Summer Reagan nga pala. Anak naming dalawa ni Jaeger."

Nanlamig ako sa aking narinig.

"A-Anak?" I stutter. Nakangiti niya akong tinanguan. Umakto pa siya na parang nagulat dahil nagtakip pa siya ng bibig.

"Hindi mo ba alam na may anak na kami ni Jaeger? Wala ba siyang nabanggit tungkol sa amin?" gulat niyang katanungan.

Halos pigilan ko na rin ang sarili kong paghinga. Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinabi. Hindi pa nga ako nakaka-move on nang makita ko siya na nandito.

Naguguluhan kong tiningnan si Ciara. Oo, si Ciara Montes na dakilang bully at leader ng tinatawag na The Bitch's Trio noong senior high kami. Bakit hindi ito nabanggit sa akin ni Jaeger? Bakit niya nilihim sa akin na pamilyado na pala siya?

"Seph," tawag ni Jaeger sa akin. Hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatanga sa harapan nila at ayaw tanggapin ng buong sistema ko ang mga sinabi ni Ciara.

"Hindi mo ba sinabi kay Seph ang tungkol sa atin? She looks shocked. At isa pa, bakit nga pala kayo magkasama sa penthouse mo? I don't expect to see her again. Paano pala kayong dalawa nagkita?" sunod-sunod na tanong ni Ciara.

Tiningnan pa niya ang suot kong damit. Doon ko lang napagtanto na suot ko ang t-shirt ni Jaeger. Nag-init ang mukha ko dahil sa hiya. Para akong sinampal ng ilang beses sa aking mukha.

Pinagmasdan ko ang batang buhat-buhat ni Jaeger. Siguro ay naglalaro ang kanyang edad sa apat o limang taong gulang. Kamukha rin ni Ciara ang bata.

I took a deep breath. Pakiramdam ko ay para akong kakapusin ng hangin. I need to get out of this place.

"Seph, let me explain." Si Jaeger na ngayon ay binaba na ang bata pero hindi ako makatingin sa kanyang mga mata.

"P-Pasensya na kung nakaabala a-ako," nanginginig kong sabi bago ako mabilis na tumalikod. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at ni-lock ito.

Agad na nag-unahan na bumagsak ang luha ko habang naninikip ang aking dibdib. Para akong pinapatay sa mga nalaman ko. Bakit hindi sa akin ito sinabi ni Jaeger? Bakit itinago niya sa akin na may asawa at anak na siya? Ginawa niya akong kerida!

"Seph, please. Open this door!" pakiusap ni Jaeger. Malakas din siyang kumakatok sa pinto. Sinusubukan niyang buksan ito pero naka-lock ito.

Umakto ako na parang hindi ko siya naririnig. Nagpalit na rin ako ng damit kahit mahapdi ang nasa pagitan ng hita ko. Bakit lagi na lang akong naloloko? Ganoon na lang ba ang role ko? Ang maging kabit, second option o dagdag lang sa koleksyon?

Feeling ko ay wala na akong karapatan na maging masaya. Ang tanga ko lang dahil nagpadala ako sa matatamis na salita ni Jaeger at sa mga kabutihan na ipinapakita niya sa akin.

Nagmamadali ako kahit umiiyak ako at nanginginig ang buo kong katawan. Gaga na nga ako, ginaga pa niya lalo!

Narinig ko pa ang pagtatalo nila sa labas na lalong nagpaiyak sa akin. Nagsisigawan sila at halatang galit na galit si Jaeger kay Ciara. Mukhang may nasira na naman akong isang pamilya.

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon