SEREPHINA
Sana talaga ay hindi na lang ako sinama ni Cloud para hindi ako ma-out of place ng ganito. Napansin ko naman na tumingin sa akin ang lalaking kausap niya. Ngumiti siya sa akin bago siya nagtataka na tumingin kay Cloud.
"Who's the beautiful lady beside you, Cloud? Don't tell me na may girlfriend ka na sa kabila ng pagiging busy mo sa trabaho?" tanong ng lalaki.
"She's my personal assistant and not my girlfriend," naka-poker face na sagot ni Cloud bago niya ako hatakin palapit sa kanya at para iharap sa kanyang kausap.
"Seph, meet my friend. His name is Caden Lim. Caden, she's Serephina but Seph for short."
Ngumiti sa akin si Caden kaya nginitian ko lang din siya pabalik.
"Masyado ka naman pormal magsalita sa kanya. Hi, Seph, nice meeting you. I'm Caden," masaya niyang pakilala sa akin sabay lahad ng kanan niyang kamay. Tinanggap ko naman ito para makipag-shake hands sa kanya.
"Nice meeting you too," nakangiti kong sagot.
"But you look familiar. Parang nakita na kita dati," aniya na nagpataas sa isa kong kilay.
"Um, really?"
"Yup, pero hindi ko lang matandaan kung saan ba kita nakita. But your beautiful face looks familiar and I've seen it somewhere."
Parang sure siya na nakita niya na ako dati kaya parang pamilyar siya sa akin samantalang ngayon ko lang siya nakilala.
Tumikhim si Cloud at doon ko lang na realize na hindi pa pala binitiwan ni Caden ang kamay ko. Natawa lang si Caden bago niya bitiwan ang kamay ko.
"Nasaan na pala 'yong iba?" Pag-change topic ni Cloud.
"Parating na ang mga 'yon. Tara muna sa private room ko habang hinihintay natin 'yong iba," aya ni Caden kaya sumunod kami sa kanya.
Pumasok kami sa isang glass door na may malawak na espasyo. Ito na yata ang tinutukoy niyang private room. May mahabang pa- L na sofa at sa katapat nito ay mayroong isang babasagin na center table na pahaba rin.
Mukhang ginagamit ang silid na ito para sa mga special guest nila. Naupo agad si Cloud kaya tahimik lang din akong naupo sa tabi niya. Nagpaalam lang saglit si Caden na kukuha ng makakain namin kaya kaming dalawa na lang ni Cloud ang naiwan.
"Si Caden ang may-ari nitong shop. Actually, taga Boston siya at naka-migrate na roon ang pamilya niya pero mas pinili niyang mag-stay rito sa Pilipinas para asikasuhin ang ilan sa mga business niya. This is our mini reunion kaya mami-meet mo ang iba kong mga kaibigan. Naging busy kasi kaming magkakaibigan matapos naming magkaroon ng sari-sariling buhay at negosyo kaya ngayon lang kami nagkaroon ng time para magkita at mag-bonding," mahabang pagkukwento ni Cloud sa akin.
"Mini reunion niyo pala ito. Bakit mo pa ako isinama? Eh 'di sana ay ang girlfriend mo na lang po ang inaya mong pumunta rito," sagot ko.
Nilibot ko pa ang tingin ko sa buong kwartong kinaroroonan namin. Hindi masakit sa mata ang kulay ng interior design. May flat screen TV pa na nakasabit sa dingding.
"Just like what I said earlier, wala akong girlfriend. And stop calling me sir. Sinabi ko na sa 'yo 'yan 'di ba? Wala rin naman tayo sa trabaho. And about that, kaya kita isinama rito ay para hindi ako ma-out of place sa mga barkada ko dahil baka magdadala sila ng mga babae nila."
Sumimangot naman ako.
"Ginawa mo pa akong chaperon," bulong ko pero mukhang narinig niya tinawanan niya ako.
"You're my personal assistant, right? At trabaho mo rin na samahan ako kahit saan ako magpunta," nakangiti niyang sabi kaya tumahimik na lamang ako.
Sa wakas ay bumalik na rin si Caden. Kasunod niya ang tatlong waiter at dalawang waitress na may bitbit na mga pagkain. May iba't ibang uri ng cake ang nakita ko nang ilapag nila ang mga iyon sa table maski ang mga kape na nasa mug. Ang cute din ng design ng mga tasa nila.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...