SEREPHINA SAYER
It's just part of the students like us to have a crush on someone. That is normal and there is nothing wrong with that. Our crushes inspire us, pero ang masakit lang ay hindi ka magawang i-crushback. Normal lang naman talaga na magkaroon ng hinahangaan.
Napailing ako sa ka-corny-han ko. Kailangan ko pang magmadali dahil baka hindi ko makita ang pagdating ng crush kong si Esther Reagan.
Lakad-takbo na ang ginawa ko upang makarating ako agad sa aming tambayan.
Simpleng ngiti lang ang ipinapakita ko sa mga schoolmates kong nakatingin sa aking direksyon. Mabilis ko ring nakuha ang atensyon nilang lahat dahil sikat ako sa school namin.
Narinig ko kung paano nila ako pag-usapan. Ingat na ingat din sila sa binibitiwan nilang salita dahil alam nila ang ugali ko. Aminado akong maldita ako at palaban. Kahit sino ay hindi ko uurungan.
Nakita ko sa mata nila ang pagkamangha at inggit. Inayos ko ang lakad ko dahil ayokong madulas at mapahiya. Pinagtitinginan pa naman nila akong lahat dahil alam nila na ako, si Serephina Sayer ay isang maganda, mayaman at sikat na Queen Bee sa Nepseth Senior High.
I sighed deeply.
"Hello, Serephina!" bati sa akin ng isa kong schoolmate na lalaki pero hindi ko siya pinansin.
"Good morning, Serephina!" bati naman ng isa. His voice is lively and energetic.
"Ang ganda mo talaga," pambobola ng isa. He winked at me but I ignored him.
"Sana all kagaya ni Serephina. Maganda na nga, mayaman, seksi at matalino pa."
Nilingon ko ang taong nagsabi niyon, isang babae na nakasuot ng makapal na salamin sa mata at may yakap na libro ni Harry Potter.
Halatang potterhead siya. Mukha ni Hermione ang nakatatak sa bag niya. Nakangiti siya na parang may diyosang dumaan sa harapan niya. Pero maganda siya, hindi nga lang siya nag-aayos ng sarili.
Ngiting tipid lang ang ipinakita ko sa kanilang lahat. Gumigilid sila na para bang binibigyan nila ng daan ang kanilang mahal na reyna.
Wala akong oras na sagutin ang mga banat nila. Sanay na ako sa mga papuri nila. Hindi ko na kasalanan kung pinanganak akong may kaakit-akit na ganda.
Binilisan ko pa ang lakad ko kahit inaantok pa ako. Alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog dahil tinapos ko pang panoorin kagabi ang inaabangan kong k-drama na True Beauty.
I'm pretty sure na ang mga kaibigan ko ay nasa tambayan na. Tiyak na nandoon na rin ang mga babaeng nagkakagusto sa ultimate crush ko.
Sino ang hindi magkakagusto kay Esther? Bukod sa gwapo at mabait, matalino at mayaman pa.
Kilala ang Reagan family pagdating sa business world, lalo na ang pagma-manufacture ng sikat at mamahaling wine sa Italy. Marami rin silang mga negosyo.
Kaya maraming babae ang nagkakagusto kay Esther. May sarili pa nga siyang fans club.
Isa siyang soccer player and also a Captain. He is the smartest in their section at lagi rin siyang nasa top honor. Pero kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita na may kasamang babae. Wala man lang siyang naging nobya o naka-date kaya umaasa ako na mapansin niya ako.
"Bakit ngayon ka lang, Seph?" bungad ni Yeng Villanova nang makarating ako sa tambayan.
"Kanina ka pa namin hinihintay dito," dagdag niya.
Seph is my nickname. Tanging mga kaibigan ko lang ang tumatawag sa akin n‘yon. Hindi lang kami ang nandito, kung ‘di pati na rin ang mga babae na baliw na baliw rin sa crush ko.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Fiction générale1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...