SEREPHINA
Lumabas ako ng kwarto ni Jaeger habang itinatali ko ang natuyo kong buhok. Naamoy ko agad ang mabangong amoy na galing sa pagkain kaya nagtungo ako sa kusina.
Naabutan ko si Jaeger na nagluluto. He was wearing a black apron kaya ang hot niyang tingnan. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.
I could clearly see how wide his back was. Infairness, gwapo siya kahit nakatalikod. Mukhang inaalagaan niya talaga ang sarili niya at nagkaroon naman ng magandang resulta ang katas na pinaghirapan niya.
I leaned against the wall that was just next to me and I watched him do what he was doing while I crossed my arms over my chest. I can't help but look at his handsome face, down to his massive chest towards his hand. I don't know but I was swallowed hard because of the veins in his hand up to his arm.
He is attractive pero sa libro lang yata ako makakakita ng halos perpekto at romantikong lalaki na loyal at marunong mag-effort.
"Masyado ka namang gwapong-gwapo sa akin. Baka matunaw ako niyan. Pwede mo rin naman akong kuhanan ng litrato if you want. Kaysa nagpapakahirap ka sa pwesto mo riyan," salita ni Jaeger kaya muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa gulat.
Inirapan ko siya. "Pashnea ka. Ipa-salvage kita kay Pirena, eh."
"Encantadia pa more," natatawa niyang sabi.
"Maupo ka na at nakahanda na ang pagkain," aniya kaya naupo na ako.
"Nanonood ka rin ba ng Encantadia?" tanong ko.
Umiling siya. "Loyal ako sa ABS-CBN."
Hindi na ako sumagot pa. Natakam ako nang makita ko ang chicken adobo at ramen. Sinimulan ko na ring kumain dahil gutom na gutom na talaga ako.
"So hungry, huh?"
"Hindi ka ba magugutom kung maghapon kang walang kain?" pagtataray ko kaya muli niya akong tinawanan.
Tahimik lang kaming kumain. Ilang minuto ang lumipas nang mapatikhim siya bigla kaya tumingin ako sa kanya.
"You have to come with me tomorrow morning. I have an important meeting, pero gusto ko na pumunta ka sa shopping mall para ikaw na ang bumili ng mga pagkain natin. Mahirap din ang umakyat-baba sa rest house ko," mahaba niyang sabi kaya tumango lang ako.
Matapos naming kumain, naghugas agad ako ng pinggan. Hindi man lang umimik si Jaeger at basta na lang niya akong iniwan sa kusina.
Pagod na rin ako kaya dumiretso ako sa sala nang matapos akong maghugas. Naabutan kong nakalapag sa sofa ang isang unan at kumot. Nakasara na rin ang pinto ng kwarto ni Jaeger. I have no choice, but to sleep here on the sofa. Pinatay ko na ang ilaw bago ako nahiga sa sofa.
I let out a deep breath. Mapaglaro talaga ang tadhana. Sana lang ay maging maganda ang samahan namin ni Jaeger hangga't naririto ako at nagtatrabaho sa kanya bilang kanyang maid.
✘
"10 a.m. na, Seph! Tanghali na pero humihilik ka pa rin. Male-late ako sa meeting ko nito nang dahil sa 'yo!" asik ni Jaeger.
Hindi ko na kasalanan kung napasarap ang tulog ko. Malamig ang klima kaya kahit sa sofa ako nakahiga ay napasarap talaga ang tulog ko.
"For your information, hindi ako humihilik. At isa pa, hindi mo sa akin sinabi kung anong oras ang meeting mo kaya huwag mo akong sisihin kung bakit late akong nagising!" singhal ko rin sa kanya habang sinusuot ko ang pinahiram niya sa aking jacket dahil malamig sa labas.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Paano mo malalaman na hindi ka humihilik kung tulog ka?" pansusungit niya. Hindi na lang ako sumagot bagkus ay inirapan ko lang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/192992258-288-k732310.jpg)
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Художественная прозаIDLE DESIRE 1: JAEGER REAGAN Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at...