13

24.5K 827 151
                                    

SEREPHINA

Ramdam ko ang labis na pagmamahal sa halik niya. Mas binigyan ko ng pansin ang halik ni Jaeger sa aking labi hanggang sa siya na ang unang tumigil. Nakangiti niya akong tinitigan.

"I hate you for giving me a reason to smile or laugh. But most of all, you give me memories that I could never forget. Despite the hurtful words you said to me before, until now you are still the one I want," madamdamin niyang sabi.

"All I know is every time I think of you, I want to be with you. Kasalanan ito ng puso ko, hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang gusto ko. Matagal kitang hinanap kaya hindi ko hahayaan na mawala ka pa sa akin," dagdag niya.

Natatandaan ko pa rin ang mga sinabi ko sa kanya noon. Sinabi ko pa na never akong magkakagusto sa kanya kahit pa na tamaan ako ng kidlat tulad ni Volta.

"Ayoko sanang aminin dahil natatakot ako sa isasagot mo pero handa ulit akong masaktan, maamin ko lang sa iyo ang tunay kong nararamdaman. I'm still in love with you, Seph. I love you and never question that," he said and kissed my lips again.

Pumasok kaming dalawa sa elevator habang magkahawak ang aming kamay. Hindi ko na rin napigilan ang kiligin nang halikan niya ang likod ng palad ko.

"God knows how much I love you, Seph. Mas lalo pa kitang minahal. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na binigyan niya ako ng pagkakataon na makasama ka at mahalin pa lalo," madamdamin niyang saad.

"I don't care if you love me too or not. Ang higit na importante sa akin ay mahal kita at nandito ka sa tabi ko," he added. Ramdam ko na wala itong halong kasinungalingan.

I took a deep breath. "Mahal din kita," lakas-loob kong pag-amin.

Umamin na siya sa akin na may gusto pa rin siya sa akin at mahal niya ako kaya panahon na rin para sabihin sa kanya na gusto ko rin siya. Na kahit sa maikling panahon ay natutuhan ko siyang mahalin.

"Mahal mo rin ako? Totoo ba yan?" masaya niyang tanong.

Marahan ko siyang tinanguan. "Ayoko lang aminin dahil natatakot ako. Baka isipin mong pera mo lang ang habol ko kapag sinabi kong may gusto rin ako sa 'yo," mahina kong sagot ngunit sapat na para kanyang marinig.

Minahal ko siya hindi dahil sa kanyang itsura o kayamanan, kundi dahil sa pagiging mabait at maalaga niya sa akin. Sa kanya ko lang nakita at naramdaman ang pagmamahal at kasiyahan. He is a good man, and I really can't help but fall in love with him. Hindi ko kailangan ng luho niya dahil sapat na sa akin na napapasaya niya ako at nandito siya sa tabi ko.

Sa maikling panahon na magkasama kami ay ipinakita namin sa isa't isa ang tunay naming pagkatao. Hindi niya hinusgahan kung ano man ang meron ako ngayon. Hindi ko kailangan magpanggap sa harap ni Jaeger dahil tanggap niya ako.

"Alam kong mahirap paniwalaan pero nahuhulog na ang puso ko sa iyo. Ano ba kasi ang ginawa mo sa akin? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin ka? Ayoko lang aminin dahil baka isipin mong minahal kita dahil bilyonaryo ka na," lumuluha kong sabi sa kanya.

"Sa tingin mo ba ay iyon ang tingin ko sa 'yo? You have a good heart, Seph. Alam ko na mabait ka, but you weren't easily to trust anyone. Mataray ka, masungit ka o kahit na pinaglihi pa sa armalite ang bibig mo, kahit kailan ay hindi iyon naging hadlang sa pagmamahal ko sa 'yo," madamdamin niyang pahayag.

"I love you no matter who you are. Itulak mo man ako palayo ay mamahalin pa rin kita," he added. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at matamis niya akong nginitian.

"Mahal kita at mamahalin pa rin kita kahit na tamaan man ako ng kidlat tulad ni Volta," I said.

Hinaplos niya ang basa kong buhok dahil pareho kaming nabasa ng ulan kanina habang pabalik kami sa hotel.

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon