SEREPHINA
Tatlong araw na ang lumipas at naging maganda naman ang samahan namin ni Cloud. Unti-unti na ring gumagaan ang pakiramdam ko dahil niresetahan ako ng doktor ng vitamins.
Dahil sa pagbubuntis ay may morning sickness ako minsan at lagi rin akong gutom. Napapangiti rin ako tuwing kasama ko si Cloud. Para lang kaming magkaibigan dahil espesyal ang trato niya sa akin.
Halos siya na rin ang nag-aasikaso sa akin. Mula sa mga kinakain ko at binibigay niya kung anong gusto ko lalo na't naglilihi ako. Nahihiya nga ako dahil dapat ako ang umaasikaso sa kanya dahil personal assistant niya ako pero mismong siya na ang nagpumilit na hayaan ko na lang daw siya sa ginagawa niya.
Ni hindi niya ako hinahayaan na gumawa ng mabibigat na gawain. Parang prinsesa ang turing niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sadya bang sweet at mabait si Cloud o swerte lang ako sa kanya.
"May gusto ka pa bang kainin? Uutusan ko agad si Caden na bumili ng ---"
"Ano ka ba, Cloud. Minu-minuto mo na sa akin tinatanong 'yan. Baka mamaya'y sigawan na tayo ni Caden dahil pabalik-balik siya para bumili ng pagkain,” putol ko sa sasabihin niya.
Hindi ko rin mapigilan na matawa dahil sa itsura niya. Magulo ang buhok niya at nakapambahay lang din siya ng damit pero hindi mawawala ang kagwapuhan niya.
"Ayos lang, Seph. At least para sa 'yo," malanding turan ni Caden na nagbabalat ng mangga sabay kindat sa akin.
Tinawanan ko lang siya. Mahina ko ring kinurot ang pisngi niya. Mabuti na lang ay hindi siya nagreklamo, bagkus ay nginitian lang ako. Ang swerte ko rin sa kanila, palagi na lang kasi nila akong pinapakain lalo na ang mga pagkain na talagang pinaglilihian ko. Hindi ako nawawalan ng pagkain sa lamesa lalo na ang mga prutas.
As usual, nakasuot pa rin si Caden ng salamin sa mata. Ewan ko kung anong trip ng lalaking 'to sa buhay dahil siya na mismo ang nagsabi na hindi malabo ang mata niya. Baka siguro dagdag lang sa fashion niya ang pagsusuot ng salamin.
Sa tatlong araw na lumipas ay naging close ko na sila. Parang barkada na rin ang turing nila sa akin maski si Hara na over kung magpayo sa akin. Lagi siyang nagpapaalala na mag-ingat ako at huwag kong pabayaan ang sarili ko.
Nalaman na rin kasi nila ang tungkol sa pagbubuntis ko maliban lang kay Jaeger. Gusto kasi nila akong kumustahin at i-surprise dahil hindi na namin nakita ang isa't isa noong ma-discharge ako sa hospital.
Saktong nagbabangayan si Cloud at Raze kung sino ang bibili ng makakain ko. Hindi man lang namin namalayan na nakikinig na pala sina Hara na nasa sa labas ng kwartong tinutuluyan naming hotel ni Cloud para daw makita ako at kumustahin. Nakalimutan kasi ni Raze na i-lock ang pinto kaya ayun, nalaman nilang buntis ako.
Wala rin akong choice nang kulitin ako ni Hara na magkwento, kaya sinabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Jaeger.
Masyadong komplikado kaya nakiusap ako na huwag nilang sasabihin kay Jaeger ang tungkol sa pagbubuntis ko. Mabuti na lang ay naintindihan nila ang kalagayan ko at nangako sila na hindi nila sasabihin kay Jaeger na buntis ako.
Nagtataka pa nga ako kung bakit parang may gusto silang sabihin sa akin pero nanatiling tikom ang bibig nila.
"Oo nga pala, dadalo ba kayo mamaya sa grand alumni homecoming? Batch natin ang inaanyayahan sa Nepseth," salita ni Caden kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...