SEREPHINA
Hindi ko alam kung bakit hindi man lang naikuwento sa akin ni Jaeger na may barkada pala siya at sina Raze pa? Wala akong ideya na magkaibigan pala si Cloud at Jaeger.
Well, bakit naman pala sa akin iyon ikukwento ni Jaeger? Sino ba ako para ikuwento niya sa akin kung sino ang mga naging kaibigan niya? Eh 'yong tungkol nga sa kanilang dalawa ni Ciara ay hindi niya sa akin nabanggit, 'yong kina Raze pa kaya?
Nalaman ko rin ang tinutukoy ni Cloud sa akin kanina habang nasa sasakyan kami. Iyon pala ay naging schoolmate ko silang lahat noong senior high kami. Mga nag-aral din pala sila sa Nepseth.
Hindi ko sila maalala at matandaan. Wala akong ideya na kilala na pala nila ako sa umpisa pa lang samantalang ako ay wala man lang kaalam-alam kung sino ba sila.
Tinawanan pa nga ako ni Raze dahil hindi ko man lang daw sila nakilala. Masyado raw kasi nakatuon ang atensyon ko noon kay Esther kaya hindi ko alam na schoolmate ko pala sila.
Nasabi rin nila sa akin kung paano na buo ang barkada nila. Dahil iyon sa iisang kurso lang ang kinuha nila noong college. Naging magkakaklase rin sila hanggang sa naging magkaibigan na silang lahat.
"Are you okay? Bakit ang tahimik mo? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" bulong ni Cloud sa tenga ko kaya tumingin ako sa kanya.
Kanina pa ako walang imik at sila lang ang nag-uusap. Ang dami nilang pinag-usapan pero hindi ako nakisali. Mas pinili ko na lang manahimik dahil natatakot ako na baka kausapin ako ni Jaeger. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko.
Tipid ko siyang nginitian. "Oo, medyo sumama ulit ang pakiramdam ko pero ayos lang naman ako."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nila. Doon ko lang naalala ang tungkol kay Cloud. Sikat pala siya noong nag-aaral kami dahil nga gwapo siya.
Natawa pa silang lahat sa akin nang sabihin ni Hendrix na dinadaanan ko lang daw si Cloud noon dahil nga nakatuon lang ang buong atensyon ko kay Esther.
Wala kasi akong pakialam dati kung sino man ang gwapong nagpapa-cute sa akin o kung may artista man na mapadaan sa harapan ko.
Ultimate crush ko talaga si Esther noong senior high kami at siya ang unang lalaking naging crush ko.
Naiilang pa ako dahil baka natatandaan din nila ang nangyari sa gymnasium noon. Baka sariwa pa sa alaala nila ang mga nasabi ko kay Jaeger noon. Sobrang nakakahiya lalo na't nandito si Jaeger.
Napabuntong hininga si Cloud. Medyo umusog siya palapit sa akin. Marahan din niyang hinagod ang likod ko.
Saglit kong tiningnan ang taong nasa harapan namin. Halos dumagundong sa kaba ang puso ko nang makita kong seryosong nakatingin sa gawi namin si Jaeger. Mahigpit din na nakakuyom ang kanyang kamao. Kulang na lang ay patayin na niya sa masamang tingin ang amo ko.
Naikuwento na rin ni Jaeger sa mga kaibigan niya kung paano kami nagkakilala. Nabanggit niya na nagkita na kami sa Jeju Island, ngunit hindi niya sinabi kung anong meron sa aming dalawa. Mas okay na rin na walang alam ang mga kaibigan niya.
"Gusto mo na bang umuwi na tayo sa hotel?" nag-aalalang tanong ni Cloud sa akin kaya muli ko siyang tiningnan.
Totoo na biglang sumama ang pakiramdam ko. Nag-iba na naman ang timpla ng sikmura ko dahil may naaamoy ako na hindi ko gusto. Dumidikit lang ako kay Cloud dahil sa tuwing nalalanghap ko ang bango niya ay nawawala ang mabahong naaamoy ko.
Hindi rin naman mabaho si Raze at alam kong dahil 'yon sa cheesecake na nasa lamesa kaya parang babaliktad na naman ang aking sikmura. Hindi ko alam kung bakit hindi ko gusto ang amoy ng cheesecake samantalang sarap na sarap naman si Hara sa cake na iyon. Naubos na nga niya ang kalahati pero parang maduduwal ako.
"Huwag na muna. Ayokong masira ang mini reunion n'yo," sagot ko kay Cloud.
"Pupunta lang muna ako sa restroom," paalam ko na kanyang ikinatango kaya tumayo na ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Raze kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat.
"Sa restroom lang. Babalik din ako agad."
"Sasama lang ako sa kanya, honey," paalam din ni Hara sa asawa niya.
Ngumiti sa akin si Hara kaya nginitian ko rin siya pabalik. Sabay kaming lumabas at nagtungo sa ladies restroom.
Tumapat ako sa salamin. Naghilamos lang din ako para mahimasmasan ako dahil nahihilo ako. Parang umiikot ang paningin ko.
"You and Cloud look good together. Sigurado ba kayo na hanggang trabaho or kaibigan lang ang relasyon ninyo?" tanong bigla ni Hara kaya tumingin ako sa kanya gamit ang salamin.
Nahihimigan ko rin sa boses niya ang kilig. Nakangiti siya at kasalukuyan siyang nagre-retouch ng makeup. Tumingin din siya sa akin at nang mapagtanto niya kung ano ang itsura ko ay mabilis na nangunot ang kanyang noo.
"Ayos ka lang ba, Seph? Bakit namumutla ka?" she asked worriedly.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Namumutla nga ako. Papikit-pikit din ako dahil kapag tinatangka kong tumingin sa paligid ko ay nahihilo ako.
"Ayos lang ako. Bigla lang akong nahilo."
Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko na halos gusto ko na lang humilata sa kama. Hindi ko na napigilan pa. Dali-dali akong tumakbo papasok sa cubicle at tuluyan akong dumuwal sa toilet bowl.
"Sandali lang. Tatawagin ko si Cloud!" natataranta niyang sabi. Narinig ko na lang ang paglabas niya sa ladies restroom.
What the heck is happening to me? May sakit na ba ako na hindi ko alam? Ilang saglit pa ay narinig ko ang yabag ng paa hanggang sa may kamay ang mabilis na humagod sa aking likuran.
"Okay ka lang ba? Ano ba ang nakain mo?"
Akala ko si Cloud na ang dumating pero boses ito ni Jaeger. Hindi ako nakasagot dahil patuloy ako sa pagduduwal. Muli ko na naman narinig ang pagbukas ng pinto at mukhang may pumasok na naman.
"Dadalhin ka na namin sa hospital, okay? Kagabi ka pa ganyan at baka mas lalong lumala ang nararamdaman mo," nag-aalalang sabi ni Cloud. He also came close to me to carefully stroke my back.
"What do you mean na kagabi pa siya ganito?" Jaeger asked.
"Kagabi pa siya ganyan at gusto ko sanang dalhin siya sa hospital kagabi pero ayaw niya," ani Cloud.
"Kagabi pa pala siya nagkakaganito tapos hinayaan mo lang? Are you out of your mind, Cloud? Paano kung lumala ang nararamdaman niya?" galit na singhal ni Jaeger sa kanya.
"Come on, Jaeger. Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala rito. At isa pa, bakit ganyan ka maka-react? Hindi naman kayo malapit na magkaibigan ni Seph, 'di ba?" May bahid na inis sa boses ni Cloud.
Natigil na rin ako sa pagduduwal at kumalma na rin ang aking sikmura. Nag-flush lang ako at agad na lumapit sa sink para magmumog. Pareho pa silang umalalay sa akin para hindi ako matumba. Mas lalo akong nahihilo kapag naririnig ko ang pagtatalo nilang dalawa.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Jaeger sa akin.
"Ihahanda ko lang ang kotse. Kailangan na niyang mapa-check up sa hospital ngayon," na sabi ni Cloud bago siya mabilis na lumabas. Wala na akong nagawa at wala rin akong lakas para tumutol.
"Seph, kausapin mo ako. May masakit ba sa iyo?" muling salita ni Jaeger.
Sumandal lang ako sa sink para kumuha ng suporta para hindi ako matumba. Pinikit ko ang mata ko at hindi rin ako nakasagot dahil biglang umikot ang paningin ko.
"J-Jaeger..." nanghihina kong tawag sa pangalan niya.
Mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong balikat. Sa pagmulat ko ay mas lalo akong nahilo. Tuluyang nanghina ang dalawa kong tuhod kaya na isandal ko na lamang ang ulo ko sa dibdib ni Jaeger.
Hindi ko na rin naintindihan pa ang iba pa niyang sinabi hanggang sa naramdaman ko na lang na umangat ako sa ere. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tuluyan nang dumilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Ficción General1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...