26

23.5K 866 254
                                    

SEREPHINA

Sa wakas ay nakarating na kami sa Nepseth. Marami na rin ang pumapasok sa loob ng school bago kami bumaba sa sasakyan. Nasa gilid ko lang si Cloud at nakahawak sa siko ko nang pumasok na rin kami sa loob.

Nanumbalik sa akin ang masasayang alaala ko sa school na ito. Ang saya lang dahil after eight years, babalik din pala kami rito para sa isang grand alumni homecoming.

Dumiretso kami sa gymnasium at naabutan namin na marami na ang mga tao roon. Malumanay lang ang naririnig kong musika. May mga pagkain at drinks sa mahabang lamesa. Marami ang dumalo ngayong gabi. Nakilala ko pa ang iba sa mga ka-batch ko lalo na ang mga naging kaklase ko dati. Ang iba sa kanila ay hindi ko matandaan ang pangalan.

"Why are they looking at us?" tanong ko kay Cloud.

Bigla na lang kasi napatingin sa amin ang mga tao. Panay ang bulungan nila habang namamangha silang nakatingin sa amin.

"They are not looking at us, Seph. They are looking at you," Cloud clarified before his hand went to my waist.

Ngiti lang ang pinakita ko sa mga tao. Parang naulit ang nangyari noong nag-aaral pa lang kami pero walong taon na ang lumipas kaya nakaramdam na ako ng hiya at awkwardness.

"Oh my gosh, Serephina!" Isang matinis at pamilyar na boses ang aking narinig.

Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko nang makita ko sina Samantha at Yeng na tuwang-tuwa nang makita ako. Nasa likod naman nila si Esther. Sabay pa nila akong dalawa na niyakap kaya natawa ako. Ngiti lang din ang ipinakita ko kay Esther.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nandito ka na ulit sa Maynila? Nasaan si Vanessa? Hindi mo ba siya kasama?" sunod-sunod na katanungan ni Yeng sa akin.

"Um, kasama ko si Cloud nang lumuwas kami ng Maynila. Hindi alam ni Vanessa na may grand alumni tayo ngayon pero baka hindi rin siya makadalo dahil subsob din siya lagi sa trabaho," sagot ko.

"Ang babaeng iyon talaga, ayaw magpakita sa amin! But anyway, ang ganda mo! You look the same as before. Mas gumanda ka nga lang ngayon. Wala ka talagang kupas!" masayang puri ni Samantha sa akin. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Wait, I know them. Sila 'yong sikat na grupo noong nag-aaral tayo. Ikaw si Cloud, right?" Si Yeng sabay turo sa katabi ko. Ngumiti lang ang mga kasama ko.

"Well, well, well. Look who's here. Ang dating Queen Bee ng Nepseth Senior High."

Lahat kami ay tumingin sa taong sumulpot. Si Ciara together with her alipores. Ang tatag naman ng friendship nila. Hanggang ngayon ay nakabuntot pa rin sa kanya ang mga alipores niya. Buong-buo pa rin ang grupo nila.

"Sorry, ha? Pero hindi ka belong dito. Hindi ka naman namin friends kaya makakaalis ka na," maarte na sagot ni Samantha kaya lihim akong natawa.

Sinaway naman siya ni Esther kaya nanahimik siya pero matalim naman siyang nakatingin kay Ciara.

"It's nice to see you again, Seph. Masaya ako na nakadalo ka ngayong gabi," ani Ciara. Ngumiti siya pero alam kong peke 'yon.

"Can you please stop calling me Seph? We're not close, okay? At mas lalong hindi rin tayo friends," may bahid na inis kong sabi. Talagang umiinit ang ulo ko kapag siya ang nasa harapan ko. Parang kumukulo ang dugo ko.

"Boom panis! Baka Queen Bee namin 'yan," turan ni Yeng. Natawa naman sina Hara at Samantha samantalang hindi na maipinta ang mukha ni Ciara pero ngumisi ito.

"Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi mo pa rin matanggap na mag-asawa na kaming dalawa ni Jaeger?"

Natahimik ako sa sinabi ni Ciara.

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon