SEREPHINA
Kapag talaga nakabalik ako sa Pilipinas, hindi lang ang mga manloloko kong ex-boyfriend ang ipapakulam ko. Isasama ko na rin ang bwisit na lalaking ito.
Pasalamat pa rin ako sa pagiging mabait ni Jaeger. Kung ibang tao lang siguro ang ninakawan ko, baka nakakulong na ako ngayon at umiiyak. Pero malas ko lang dahil naging instant maid niya ako para mabayaran ko lahat ng mga nasira kong gamit niya.
"Talaga nga naman!" pagpaparinig ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon o pinansin.
Diretso lang siyang naglalakad sa matarik na dinadaanan naming dalawa. Ang bilis din niyang maglakad kaya naiiwan na niya ako. Hindi ba niya pansin na nahihirapan na ako? I was carrying his damn things, even one of his black backpack na sobrang bigat. Hindi ko nga alam kung malaking bato ba ang laman nitong bag niya.
Irita kong inayos ang pagkakabuhat ko sa bag niya bago ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga. I really want to complain pero baka biglang magbago ang isip niya at maisip niyang ipakulong na lang ako.
Tiniis ko ang pagod dahil wala akong choice. He was walking first so I could clearly see the width of his back. Hindi ko mapigilan na tingnan ang kabuuan ng kanyang katawan.
Ang dating payat na nerd noon, naging yummy at seksi na ngayon. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kanyang pang-upo. Hindi ko alam pero dahil siguro sa gutom ay bigla kong nai-imagine na siopao ang pwet niya.
Nahihirapan din ako dahil paakyat ang nilalakaran namin at napapalibutan pa ng mga nagtataasang puno. Todo ingat ako sa paglalakad dahil walang harang ang gilid ng dinaraanan namin. Magkamali lang ako ay tiyak na diretso ako sa bangin.
"Malayo pa ba tayo?" I asked. "We walked for almost ten minutes. Nasaan ba ang resthouse mo?"
Huminto siya sa paglalakad kaya nahinto rin ako. He looked at me while pointing at the path we were going up. Pataas pa ito at sa tingin ko ay malayo pa ang lalakarin namin.
"Malapit na tayo sa rest house ko. Ten minutes na lang ang lalakarin natin." Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
I just rolled my eyes and followed him.
"Hindi man lang siya ang nagbuhat ng bag na 'to. Gumwapo nga, naging ungentleman naman," reklamo ko.
"Ang bigat pa nitong bag niya. Ano ba ang laman nito? Hollow blocks?"
Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at kinuha ang bitbit kong backpack.
"Panay ang reklamo mo. Pinaglihi ba sa armalite 'yang bunganga mo? Kasalanan mo rin naman kung bakit nangyayari sa 'yo ito. Pasalamat ka na hindi kita pinakulong. Kung magrereklamo ka lang, bumaba ka at bukas ka na lang umakyat sa rest house ko."
"Pinagloloko mo ba ako? Kung kanina mo pa sinabi na bukas na lang ako umakyat sa rest house mo, eh hindi sana ako nahirapan!" gigil kong sigaw kaya tinawanan niya ako.
Pero mas mabuti na rin na sumama ako sa kanya ngayon kaysa magpaabot pa ako bukas. Wala akong matutuluyan. Kaysa naman sa buhangin ako magpalipas ng gabi. Malamig pa naman dito sa isla.
"Simulan mo nang bumaba at goodluck na lang sa 'yo. Mala-gubat pa naman dito sa Jeju Island lalo na sa matarik nating nilalakaran. Sana lang talaga ay hindi ka maka-encounter ng mga wild animals. Sige ka, baka lapain ka," pananakot niya.
Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad na siya. Sa takot ko ay agad na akong sumunod sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin kami sa rest house niya. Wala itong second floor, but it can accommodate five people. Pumasok kami sa loob at maganda ang rest house niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/192992258-288-k732310.jpg)
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General FictionIDLE DESIRE 1: JAEGER REAGAN Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at...