18

20.4K 826 160
                                    

SEREPHINA

Wala akong kahit na anong saya na ipinakita kay daddy. Nasa harapan namin siya ngayon at nakaupo sa katapat kong upuan. Maganda at halatang mamahalin ang suot niyang damit. Makintab pa ang suot niyang black shoes.

Matapos ang halos walong taon, ngayon lang siya nagpakita sa amin? Akala ko ay mapapatawad ko siya agad kapag nagkita ulit kami pero hindi pala. Masama ang loob ko sa kanya.

Galit ako dahil iniwan niya kami. Dahil sa kanya kaya kami naghirap. Bakit hindi siya nakuntento sa amin? Bakit naghanap pa siya ng iba?

Hindi sana mangyayari lahat ng paghihirap namin kung hindi niya kami iniwan. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pinili niya ang kerida niya kaysa sa amin.

"Magmeryenda muna kayo. Siguradong pagod ka rin anak sa biyahe. Kumusta pala ang pag-apply mo ng trabaho?" salita ni mommy na kalalabas lang galing sa kusina.

Hindi naman makatingin ng diretso sa akin si daddy. Halatang nahihiya siya sa akin at dapat lang siyang mahiya. Nararamdaman naman niya sigurong galit ako sa kanya.

Nilapag lang ni mom ang dalawang tasa ng kape sa mesa bago siya naupo sa tabi ko. Si Tristan naman ang nagbitbit ng isang tray na may home-made cupcakes na mismong si mommy ang nag-bake bago siya kumaripas ng takbo palabas ng bahay para makipaglaro sa mga kalaro niya.

Hobby lang ni mommy ang paghurno ng mga cupcakes dahil baka mamatay raw siya sa pagkabagot kapag wala siyang ginagawa. Ginagawa rin niyang negosyo ang pagbe-bake at binibenta niya iyon sa mga kapitbahay namin.

"Napagod lang po ako dahil kung saan-saan ako naghanap ng trabaho. Mabuti na lang ay natanggap ako sa isang kompanya at magsisimula na po ako bukas ng umaga as a personal assistant ng amo ko," sagot ko bago ako humigop ng kape.

Bahagya akong napangiwi nang medyo hindi ko nagustuhan ang lasa ng kape. Sobrang pait nito. Nilapag ko na lang ang tasa at hindi ko na lang ulit tinikman pa.

"Hindi ka ba mahihirapan sa trabaho mo, hija? Mahirap ang trabaho ng personal assistant," salita ni dad kaya mapait akong natawa.

"Lahat po ng naging trabaho ko ay mahirap. Walang madali sa mga pinagdaanan namin mula nang iwan n'yo po kami." May bahid na hinanakit sa tono ko kaya natahimik siya.

Bumuntong hininga ako bago ako muling nagsalita.

"What do you want? Himala po yata at naisipan ninyong magpakita sa amin. Baka magalit po ang pinakamamahal niyong kerida kapag nalaman niyang nandito kayo sa dati n'yong pamilya. Kung mangungumusta lang po kayo sa amin, pwes okay po kami at masaya kami kahit wala ka."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay kinagatan ko ang isang cupcake na chocolate flavor. Muli akong napangiwi dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. Bakit ang pait din nito? Mapait ba talaga ang panlasa ko? Parang gusto kong masuka dahil sa aroma nito.

"Kung wala na po kayong sasabihin ay makakaalis na po kayo," may diin ko pang sabi.

"Tama na, Seph. He's still your father. Kahit na iniwan niya tayo ay dapat mo pa rin siyang respetuhin," mahinahong saway ni mommy sa akin.

"Hayaan mo ang anak mo, Marga. Naiintindihan ko kung bakit galit sa akin si Serephina," ani daddy pero may lungkot sa kanyang boses.

Mabuti na lang ay aware siya kung bakit ganito ako umakto. Pinipigilan ko lang na huwag maging bastos pero hindi ko talaga kaya.

Akala ko ay madali lang siyang patawarin kapag nagkita ulit kami pero hindi pala. Hindi rin naman kasi madali lahat ng mga pinagdaanan namin. Hindi sapat ang sorry niya para maging okay ang lahat. Gusto kong magsisi siya sa pag-iwan niya sa amin.

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon