SEREPHINA
Natapos ang seremonya ng kasal nina Samantha at Esther na walang problema. Pagkatapos ng kanilang beach wedding ay nagtungo ang lahat sa wedding reception sa hotel. Naging masaya ang araw ng kasal nila. Nagulat pa si Samantha nang makita niya ako.
Natuwa rin sila nang malaman nilang magkasama kami ni Jaeger. Panay pa ang tukso nila sa amin at binibiro pa ako ni Samantha na kami raw ni Jaeger ang sunod na ikakasal samantalang wala naman talaga kaming relasyon ni Jaeger. We just act like a couple but we don't have a relationship.
Marami kaming napag-usapan ni Samantha at Yeng. Na kuwento na rin sa akin ni Sam kung paano sila nagkatuluyan ni Esther. Talagang in love siya kaya sinundan niya kung saang school nag-aaral si Esther. Sa kakulitan niya, tuluyang nahulog sa kanya si Esther.
Marami silang bisita kaya hindi na nila kami masyadong naasikaso. Kasama ko lang si Yeng dahil may mga bisita ring kinakausap si Jaeger. Hanggang sa pinatipon ang lahat ng mga babae sa gitna lalo na ang mga wala pang asawa. Siguro ay ihahagis na ni Samantha ang bulaklak niya na tradisyon na ring ginagawa tuwing kasal.
"Hindi ka ba lalapit doon sa gitna?" tanong ni Yeng.
Umiling ako. "Hindi na. Dito na lang ako sa gilid."
Hindi na siya nagsalita at nagtungo na rin siya sa gitna. Napansin ko ang presensya ni Jaeger na palapit sa gawi ko. I just let his arm wrap around my waist and gently kiss my forehead.
"Bakit hindi ka pumunta sa gitna? Hindi ba't single ka?" tanong niya kaya napairap ako.
"Hindi na kailangan. Tingnan mo nga, ang dami na nilang single. Idadagdag ko pa ba sarili ko?" nakasimangot kong sagot na ikinatawa niya.
"Ang ganda mong single. Don't worry, hindi ka na ulit magiging single," nakangisi niyang saad.
Inirapan ko lang siya ulit para itago ang kilig ko. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa mga babaeng nasa gitna. Mayamaya ay tumili sila nang ihagis na ni Samantha ang bulaklak.
Malakas iyon pero laglag ang panga ko dahil papunta sa direksyon ko 'yong bulaklak hanggang sa masalo ko ito. Sunod ko na lang narinig ang palakpakan ng mga tao.
"Ikaw na ang next na ikakasal!" kinikilig na wika ni Samantha.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang napatingin kay Jaeger. Nasa akin lang din ang atensyon niya at sobrang lawak ng ngiti niya. Sunod namang pinapunta sa gitna ang mga lalaking single dahil ihahagis ni Esther ang wedding garter.
I heard Jaeger's heavy sigh. "I need to catch that wedding garter," seryoso niyang sabi.
"What do you mean?" kunot-noo kong tanong.
"No one else can put that wedding garter on your legs. Ako lang dapat." At agad siyang nagtungo sa gitna.
Ilang minuto ang lumipas ay saka ko na realize kung ano ang ibig niyang sabihin. Uwang ang bibig ko nang ihagis na ni Esther ang wedding garter at walang kahirap-hirap itong sinalo ni Jaeger. Tumili ang mga babae lalo na si Yeng na nasa gilid ko lang pala.
"Meant to be talaga kayo, Seph!" Si Yeng na kinikilig bago niya ako hinatak at pinaupo sa isang upuan. Kami na lang ni Jaeger ang naiwan sa gitna kasama ang emcee.
"Ready?" nakangiti niyang tanong at lumuhod sa harapan ko.
"Talaga bang ilalagay 'yan sa legs ko?" mahina kong tanong pero sumingit ang emcee at minamadali niya si Jaeger na isuot sa hita ko ang wedding garter.
Wala na akong nagawa pa nang isuot na ni Jaeger sa kanan kong hita 'yon. Kulang na lang ay mabingi ako sa lakas ng tili ng mga tao.
"Higher!" sigaw nilang lahat. Uminit ang pisngi ko nang itaas pa lalo ni Jaeger 'yong wedding garter na umabot na hanggang sa tuhod ko.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Tiểu Thuyết Chung1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...