SEREPHINA
Sumalampak ako sa sahig nang itulak ako ng babaeng 'to. Sa lakas ay napaaray ako. Galit na galit siya pero mas galit ako ngayon.
"You, bitch! Get out of here and stay away from my husband!" she hissed angrily.
Ngumiwi ako dahil tumalsik pa ang laway niya sa akin. Inis akong tumayo.
"Anak naman ng dugyot 'yang asawa mo. Malay ko bang may asawa pala siya na mukha ring dugyot!" I angrily shouted back at her.
Hindi ako pwedeng magpatalo. Ako si Serephina at wala sa bokabularyo ko ang magpa-api.
"What did you say? Speak English only!"
Putcha! Nakalimutan ko pala na nasa South Korea pala ako. Iba ang ginagamit nilang lenggwahe at hindi rin sila makaintindi ng Tagalog.
"Ang sabi ko putahamnida sa inyong dalawa!" sikmat ko. Ngumiti ako nang mapansin ko na hindi niya maintindihan 'yon.
I know I'm not in my own country, I should still have manners but I couldn't stop myself. Pareho nila akong ginagalit samantalang biktima lang din ako rito.
"Seph, let me explain. Please, honey." Her ugly monkey husband is pleading with me. He is a liar. Akma siyang lalapit sa akin nang pigilan siya ng asawa niya.
"Stop talking to her. I'm your wife and not that bitch!"
She even gave me a death glare. Hindi rin ako nagpatalo at masama ko rin siyang tiningnan.
"Stop calling me Seph. From now on, I'm going to kulam-kulam you so that I can get revenge on you, gago!" asik ko bago ko binalingan ang asawa niya.
"And you na long lost sister ni Pennywise, don't call me bitch. Tanggalin ko 'yang ngala-ngala mo, eh!" Matapang ko pang sabi sa kanya.
"Guard! Get this bitch out of here!" utos niya.
Ngayon ko lang napansin na may ilan na kaming nabulabog na naka-check in din sa hotel. Bago pa ako mahawakan ng dalawang security guard ay binayagan ko muna ang manloloko niyang asawa na ex-boyfriend ko na ngayon bago ko kinalmot sa braso ang walanghiyang babaeng 'to.
She screamed angrily because of the pain. Makaganti man lang ako sa ginawang panloloko sa akin ng asawa niya at ang pagsabunot ng babaeng ito sa buhok ko. Pagkatapos ay kinaladkad na ako ng dalawang guard pero napamura ako. Nakalimutan ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto na pinag-check-inan namin ng lalaking 'yon.
"Wait! I'll just take my things!" pigil ko sa pero hindi ako pinakinggan ng dalawang guwardiya.
"I have to get my things! I left it in our room!" sigaw ko, but they still didn't listen to me. Tuluyan na rin nila akong inilabas sa hotel.
"Don't come back here again, miss. We don't wanna lose our jobs, okay?" salita ng isang guwardiya.
"I'll just take my suitcase," pakiusap ko pero tinalikuran nila ako at hindi pinansin ang aking pakiusap. Paano na ako ngayon? Paano ako makakauwi ng Pilipinas?
✘
"Ayos lang po ako. Don't worry, ligtas po ako," mahinahon kong sabi kay mommy. I am currently on a video call with her. Kinukumusta niya ako kung ano na ang kalagayan ko rito sa Jeju Island.
"Siguraduhin mo lang. Basta pagkatapos ng bakasyon n'yo ng boyfriend mo ay umuwi ka na rito agad sa Pilipinas. Huwag ka na magtagal diyan."
Nakangiti akong tumango kay mommy. Paano ko ba sa kanya sasabihin ang totoo? Nananakit na ang ulo ko dahil sa problemang ito. Hindi ko rin naman inaasahan na mangyayari 'to.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...