SEREPHINA
Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda sa unang araw ng pasok ko sa trabaho. 7 a.m. pa lang ay gising na ako at ginawa ko na agad ang morning routine ko para hindi ako ma-late. Nagsuot lang din ako ng presentable na damit lalo na't makikilala ko na mamaya ang boss ko.
Nang matapos ay nagluto na rin ako ng almusal namin. Tulog pa sina mommy kaya nauna na akong kumain bago pa ako maabutan ng traffic sa daan.
Mabuti na lang ay hindi na mabigat ang dibdib ko kumpara kagabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko ulit si dad. Narito pa rin ang sakit noong iniwan niya kami.
Hindi na ako nagpaalam pa kay mommy. Umalis na ako at nag-iwan na lamang ako ng note sa refrigerator para malaman nilang maaga akong pumasok ngayon sa trabaho.
Saktong 9 a.m. nang makarating ako sa Minyoku Restaurant. Sinalubong ako ng lalaking waiter nang makapasok ako sa loob.
"Good morning, ma'am. May I help you?" bati niya sa akin.
"Hi, good morning. Meron akong importanteng appointment dito kay Mr. Chae from Dooly Chae Company."
"Yes po, ma'am. Meron pong babae na nagpa-reserved kahapon dito sa restaurant namin. This way po," magalang niyang sagot at dinala ako sa isang table malapit sa glass wall kaya malaya kong nakikita ang mga taong dumadaan sa labas.
"Thank you. O-order na lang ako kapag dumating na ang amo ko," sabi ko na ikinatango lang niya bago siya umalis.
Infairness, maganda at magaan ang ambiance ng restawran. Napansin ko pa na hindi lang pala pagkain ang binebenta nila rito, pati kape ay meron sila kaya natatakam ako sa mabangong aroma.
Ang elegant din ng uniform ng mga waiter at waitress. Kung alam ko lang na may ganito palang restaurant dito, eh 'di sana sinubukan kong mag-apply rito bilang waitress. Pero malaking blessing na sa akin ang makapasok sa Dooly Chae Company at kuntento na rin ako sa pagiging personal assistant.
Umayos ako ng upo at pinagpagan ang suot kong saffron yellow blouse pababa sa suot kong black pencil skirt na hindi lalampas sa tuhod ko kaya kitang-kita ang hubog ng aking katawan.
Baka kasi hindi magustuhan ng boss ko ang itsura ko kapag simpleng damit lang ang susuotin ko kaya mas pinili kong magsuot ng formal attire. Kilala rin na kompanya ang Dooly Chae at nakita ko kahapon na marami silang empleyado.
"You're my personal assistant." Isang bruskong boses ng lalaki ang aking narinig kaya mabilis akong nag-angat ng ulo.
Nakita ko ang isang lalaking matangkad at may katamtaman na pangangatawan ngunit bawing-bawi naman siya pagdating sa itsura dahil napakagwapo niya.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong natulala at nakatitig lamang ako sa kanya. Nakasuot din siya ng pormal na damit na bagay sa kanya.
Mula sa maganda niyang mata, pointed nose at sa thick lips na bagay sa kanya. Hindi naman siya masyadong payat, hindi rin kalaki ang katawan. Pero nagkita na ba kami dati? Bakit parang pamilyar siya sa akin? Tumikhim siya dahilan para matauhan ako.
"Quit staring, young lady. You're drooling."
Dahil sa sinabi niya ay agad kong kinapa ang gilid ng labi ko pero wala namang tumutulong laway. Iirapan ko na sana siya nang maalala ko ang sinabi niya.
"Um, Mr. Chae?" Gusto ko lang siguraduhin kung siya ba ang boss ko.
Isang tipid na ngiti ang sinagot niya bago siya naupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko rin ang kanyang pabango na hindi matapang at hindi rin masakit sa ilong.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...