SEREPHINA
Hinintay ko na lang na makarating kami sa patutunguhan namin. Ayaw rin niya sabihin kung saan kami pupunta. Tuwing nasa labas kami ay pupunta lang kami sa mall o kumakain sa restaurant.
Hindi mahirap mahalin si Jaeger. Sa maikling panahon ay natutuhan ko siyang mahalin. Maalaga siya, romantiko at may mabuting puso. Ilan sa katangian na talagang nagustuhan ko. Kahit natatakot akong umamin ay hindi ko naman magawang pigilan ang nararamdaman ko.
Sa lalim ng iniisip ko ay ngayon ko lang napansin na ilang minuto na pala ang itinagal ng biyahe namin. Malawak ang ngiti ni Jaeger. Halatang masaya siya pero mas masaya ako na kasama ko siya.
Nagkasalubong lang ang kilay ko nang may matanaw ako sa hindi kalayuan bago ihinto ni Jaeger ang sasakyan. Nasa helipad kami at may chopper.
"Tara," nakangiti niyang aya bago siya bumaba kaya sumunod ako sa kanya.
"Anong ginagawa natin dito? Bakit may chopper?" I asked.
Pero hindi siya sumagot. Nginitian lang niya ako bago niya hawakan ang aking kamay at hinatak palapit sa lalaking naghihintay sa amin. Nakasuot siya ng formal suit at medyo may edad na.
"Good day, Mr. Reagan," magalang niyang bati kay Jaeger.
"Seph, siya ang secretary ko. His name is Rilly Guia."
I smiled and we shook hands.
"Naka-ready na ba ang lahat?"
"Yes po, sir. The pilot immediately prepared this chopper for you."
Nangunot ang noo ko nang ibigay ni Jaeger sa sekretarya niya ang susi ng kotse niya.
"Ano ba talagang gagawin natin?" tanong ko pero ngumiti lang siya.
"Let's go. Baka ma-late pa tayo sa pupuntahan natin," aniya kaya mas lalo akong naguluhan. Hinatak na niya ako pasakay sa chopper kaya sumunod lang ako. Pareho rin kaming naupo ni Jaeger sa cockpit bago siya nagsuot ng aviation headset.
"Ikaw ang magpapalipad nitong chopper?" I asked.
"Don't worry, darling. You're safe in my hands." At kumindat sa akin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayoko ng mga ganitong adventure? Bababa na ako. Binigyan ako ni Lord ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ulit!" sigaw ko dahil sa takot.
Sinubukan kong bumaba sa chopper pero hindi ko alam kung paano. First time ko ring masakay sa ganitong sasakyan. Tinawanan pa ako ni Jaeger kaya masama ko siyang tiningnan. Siya na rin ang nagsuot ng seatbelt sa katawan ko bago niya suotin ang kanya.
"Safety first, darling. Sorry, but I want you to be with me on my adventure," saad niya at matamis akong nginitian. Mahigpit din niyang hinawakan ang kamay ko para pakalmahin ako.
"Don't be scared, Seph. Trust me. Kasama mo ako kaya walang masamang mangyayari sa iyo."
He just smiled and kissed the back of my palm to calm me down. Ilang saglit pa ay pinaandar na niya ang chopper. Halos pigil ko ang aking hininga at mahigpit pa akong nakahawak sa seatbelt ko. Mayamaya lang ay umangat na sa ere ang chopper.
"Relax, Seph." And he even laughed because of my reaction. Para kasi akong nanigas sa kinauupuan ko.
"Subukan mong tumingin sa ibaba. I'm sure you'll be amazed by what you see," he added. Hindi ako sumunod dahil sa takot ko.
"Come on. Hindi ka magsisisi kapag sumilip ka sa ibaba."
Ilang segundo na nagtalo ang isip ko bago ako naglakas-loob na sumilip sa labas ng bintana. Napamaang ako sa aking nakita. I could clearly see the breathtaking view of Jeju Island. Hindi ko akalain na ganito pala talaga kaganda sa isla na 'to.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
Genel Kurgu1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...