SEREPHINA
Patuloy ang pagduduwal ko sa toilet bowl. Nanghihina ako at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nagtataasan din ang mga balahibo ko at pinagpapawisan ng malamig.
Ano ba kasi ang nangyayari sa akin? Patulog na sana ako pero nakaramdam ng hindi maganda ang sikmura ko kaya heto, panay ang duwal ko.
"What the hell, Seph! Anong nangyayari sa 'yo?" Narinig ko ang boses ni Sir Cloud. Naramdaman ko rin ang paglapit niya sa akin hanggang sa hinagod niya ang aking likuran.
"Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital? Namumutla ka na at kanina ka pa sa pagduduwal," suhestiyon niya pero umiling ako.
"Okay lang ako. Baka may nakain lang akong panis kaya sumama ang timpla ng tiyan ko," sagot ko.
Nang mahimasmasan ako ay saka ako nag-flush ng inidoro. Tinulungan niya akong makatayo kaya lumapit ako sa lababo para magsipilyo at maghilamos.
"Sorry po, sir. Huwag mo na akong alalahanin kaya matulog ka na po," natatawa kong sabi nang harapin ko siya.
Bakas ko sa mukha niya ang pag-aalala. Hinaplos niya ang buhok ko hanggang sa bumaba ang kamay niya sa pisngi ko.
"Huwag ka munang pumasok bukas kapag masama pa rin ang pakiramdam mo. Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya," aniya.
"Okay lang po talaga ako. Baka may nakain lang ako na panis o baka hindi lang ako natunawan."
He sighed. "You look pale, Seph. You are not okay."
Inalalayan niya ako nang lumabas kami sa banyo hanggang sa humiga na ako sa kama para magpahinga.
"May bibilihin lang ako sa labas. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya.
"Wala po, sir. Huwag niyo na po akong isipin. Nakakahiya na po sa inyo," nahihiya kong sagot.
"Pwede bang Cloud na lang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang magkasama? At huwag kang mahiya sa akin. Sige na, anong gusto mo? Bibilhin ko."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nahihiya ako kung sasabihin ko sa kanya na gusto ko ng ice cream.
"Ice cream po sana. Cookies and cream ang flavor." Napakamot pa ako sa ulo ko.
He lightly ruffled my hair. "Sige, hintayin mo na lang ako."
"Salamat, Cloud." Kahit nahihiya ay nagawa ko pa ring sambitin 'yon. Ngiti lang ang sinagot niya bago siya lumabas.
Nakagat ko ang ibabang labi ko upang itago ko ang ngiti at kilig na hindi ko maintindihan. Hindi lang talaga siya mabait at gentleman, sweet din siyang tao. Hindi lang sa akin, kung 'di pati na rin sa iba
He really treats his employees like his friends and family. Ngunit nakapagtataka itong nangyayari sa akin. Napansin ko na lang na nakahawak na ako sa aking tiyan.
Ayokong mag-assume pero ito na ba ang sign? Senyales na ba ito na may laman na ang aking sinapupunan?
✘
Nakasunod lang ako kay Cloud habang sini-check niya ang buong site. Umaga pa lang ay nandito na kami kung saan ipapatayo ang kanilang resort. They also bought a good site. Napakalawak nitong nabiling lupa ni Cloud.
Hindi ko tuloy mapigilang ma-amaze sa kanya. Sa murang edad ay nagawa na niyang magpundar ng mga ganitong bagay. Kaya na niyang magtayo ng ganitong klase ng negosyo."Aalis pala ako para makipagkita sa importanteng tao kaya mauna na kayong bumalik sa hotel," ani Cloud sa amin.
Tumango kami bilang sagot. Makikipagkita siya sa importanteng tao? Baka naman sa girlfriend niya?
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...