SEREPHINA
"Placemat? Are you serious?" tanong ni Jaeger at ipinakita sa akin ang hawak niya na nabili ko sa supermarket.
"Ang cute, eh. Nag-iisa na lang din kaya binili ko na para sa 'yo," sagot ko.
Nandito kami sa kusina at inaayos na rin namin ang mga pinamili ko. Pero mukhang hindi niya nagustuhan ang mga binili ko. Inis niyang tinitingnan ang mga binili ko at halos magkasalubong na rin ang kilay niya.
"Placemat na looney tunes characters ang disenyo. Sa tingin mo ba mahilig ako sa ganito?" Nasa tono niya ang inis. May kinalkal pa siya sa isang box at hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakita.
"Bumili ka pa ng patis samantalang may toyo at suka na? Bumili ka ng tinidor, wala pang kasamang kutsara. Bakit may turnilyo at packing tape rito? Supermarket ba pinuntahan mo o hardware? Sana bumili ka na rin ng martilyo at screwdriver para maayos natin ang nalaglag na turnilyo sa ulo mo!" mahaba niyang sabi.
He took a deep breath and massaged his temple. He is obviously stressed.
"Sabi mo ako nang bahala. Bumili ako ng kahit na ano kaya sumunod lang ako sa sinabi mo," mahinahon kong sabi.
He gave me a death glare. Kinagat ko ang labi ko hindi dahil sa takot, kung 'di para pigilan ang aking sarili na huwag matawa.
"Are you really serious? Naging pulubi ka lang, naging mahina na rin ang utak mo?" asar niyang saad kaya masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
"Food supplies ang kailangan natin at hindi ang mga walang kwentang mga bagay na 'to. Look at this one, bumili ka ng kaldero pero ang nabili mong takip, takip ng kawali. Pati katol hindi mo pinalampas!" asik niya.
Lihim kong kinurot ang sarili ko para hindi ako matawa. Sinadya ko talaga ito para makaganti sa pang-aasar niya sa akin kaninang umaga.
"Put it all in the cabinet! Magluto ka na rin ng makakain natin. Sumasakit ang ulo ko sa pagiging engot mo!"
Pumasok siya sa kwarto niya at halos tumalon ako sa pagkagulat dahil sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto. I tried not to laugh. Ang priceless talaga ng reaksyon niya. Ginawa ko rin agad ang inuutos niya bago pa siya mag-alburoto na naman.
✘
"Seryoso ka ba? Gusto mo bang patayin kita ngayon mismo?" nanggagalaiti kong sigaw kay Jaeger habang pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Hindi gaanong mahigpit kaya hindi masakit, pero hindi ako makawala sa kanya. Tumawa siya na parang baliw.
"Alalay kita kaya kahit saan ako magpunta ay sasama ka pa rin sa akin. Whether you like it or not, darling," sagot niya sabay kindat dahilan para irapan ko siya.
Pero agad akong nataranta nang hatakin niya ako papunta sa motor boat na naghihintay sa amin. Ito pa naman ang higit na pinaka-ayaw ko.
"Hindi ako marunong lumangoy. Natatakot akong sumisid sa dagat dahil baka may pating o piranha. What if mahulog ako at kainin nila ako? Ayoko pang mamatay!" hysterical kong sabi.
Maganda at malinaw ang tubig pero never akong naligo sa dagat dahil malaki ang takot ko na baka bigla na lang akong atakihin ng mga pating o piranha. OA at paranoid pa naman ako. At isa pa, hindi rin ako marunong lumangoy.
He sighed. "Stop whining. Tara na."
Bigla niya akong binuhat na parang isang sako. Bakit sobrang lakas niya?
"Tarantado ka! Ibaba mo ako!" sigaw ko pero hindi siya nagpatinag. He just laughed at me.
Kung alam ko lang talaga na isasama niya akong humuli ng isda. Mas gugustuhin ko pang maglinis sa rest house niya buong maghapon kaysa makasama siyang mamingwit ng isda.
![](https://img.wattpad.com/cover/192992258-288-k732310.jpg)
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General FictionIDLE DESIRE 1: JAEGER REAGAN Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at...