SEREPHINA
"Ang tagal n'yo talagang kumilos. Baka magsimula na ang misa!" singhal ni Hendrix sa mga kasama namin. Natawa pa ako nang hagisan siya ni Shay Miller ng unan at saktong tumama ito sa mukha niya.
Nakabusangot tuloy siyang tumingin kay Shay at nagbigay pa siya ng death glare pero hindi nagpasindak si Shay sa kanya at nang-aasar pa siyang ngumisi.
"Maaga pa, Hendrix. Alas diyes ang start kaya huwag kang excited," ani Shay.
"Chill lang kayo, guys. Ang iinit ng ulo ninyo!" sabat ni Thorn sabay halakhak.
Si Thorn ay isa sa mga nakilalang kaibigan ni Jaeger sa main resto bar niyang Idle Desire. Suki raw niya si Thorn sa resto bar noong ikinuwento ni Jaeger sa akin kung paano niya nakilala ang ilan sa mga kaibigan niya. Nandito rin sina Zeev at Perseus na kaibigan din ng asawa ko. Ang iba sa kanila ay papunta pa lang.
Sila rin ang mga lalaking nakita ko sa resto bar ni Jaeger noong nasa Jeju Island kami. Napailing na lamang ako bago ko sila iwan sa sala para hanapin sina daddy. Kanina ko pa sila hinahanap pero hindi ko sila mahagilap.
Nasaan na rin ba kaya si Jaeger?
Nagtungo ako sa garden. Inaayos na nila ang lahat ng kailangan bago kami magpunta sa simbahan para sa binyag. Halos lahat ng mga tao sa paligid ko ay abala sa kani-kanilang ginagawa.
Inaayos na rin ang mga pasabit para sa palarong mangyayari mamaya para sa mga bata.
Lumingon ako agad sa humihila sa laylayan ng suot kong dress. Mabilis akong ngumiti nang makita ko si Kael na magulo pa ang buhok. Naupo ako para pumantay sa anak ko habang inaayos ko ang buhok niya.
"Mommy, si Tita Vanessa po ginulo na naman po ang buhok ko. Ayaw niya rin pong tigilan 'yong pisngi ko. Ang sakit pa naman niyang mangurot," nakanguso niyang pagsusumbong.
He is only five years old pero parang ang tanda na niya kung magsalita. Palibhasa ay maagang natutong magsalita si Kael at matalino pa siyang bata tulad ng kanyang ama.
Mas mabuti na hindi siya magmana sa amin dahil baka makakuha pa siya ng itlog sa Math. Sa lahat pa naman ng subject ay sa Mathematics ako medyo mahina.
Mahina akong natawa bago ko ayusin ang suot niyang damit. Tiyak na pinanggigilan na naman ni Vanessa ang pisngi ng anak ko. Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon.
"Pagpasensyahan mo na si Tita Vanessa mo. Alam mo naman na cute na cute sa 'yo ang tita mo," mahinahon kong sagot.
"Pero pati po sina Tito Cloud. Ayaw po nilang tantanan ang pisngi ko. Baka po pumangit ako tapos wala na pong magkagusto sa akin," aniya dahilan para lalo akong matawa.
"Kawawa naman ang baby ko. Hayaan mo at pagsasabihan ko sila," nakangiti kong sabi at hinalikan siya sa kanyang noo.
"Nasaan pala ang daddy mo?"
"Nakita ko po siya kanina, umakyat po siya sa kwarto niyo. Si lolo dada po kasi ang nagbabantay kay Sunneva," tukoy niya sa bunso niyang kapatid.
"Ganoon ba? Go to your lolo dada muna. Mamaya ay aalis na tayo," tangi kong nasabi kaya tumakbo na siya patungo kay daddy na ngayon ay buhat-buhat ang siyam na buwang gulang kong anak.
Nagtungo na rin ako sa kwarto namin para puntahan si Jaeger pero wala siya sa loob. Napansin ko ang damit niya sa kama at iyon ang hinanda kong damit na susuotin niya mamaya para sa binyag ni Sunneva. Narinig ko rin ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo.
"Darling? Bilisan mo at baka ma-late tayo sa misa," malakas kong sabi upang marinig niya ako.
"Wait lang, darling. Pwede bang pakiabot ng tuwalya?" sagot niya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...