SEREPHINA
"Ladies and gentlemen, welcome to Mactan-Cebu International Airport. Local time is 10:06 a.m. and the temperature---"
Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na sasabihin ng taong nagsasalita sa intercom. Sinunod ko lang din ang mga paalala niya.
Sumilip ako sa labas ng bintana. Sa wakas ay malapit na lumanding ang eroplano. Masaya ako na nakauwi na ako sa Pilipinas. Akala ko ay tatagal pa ako sa Jeju Island nang ilang buwan pero heto, talagang nakauwi na ako.
Ilang minuto ang lumipas ay ligtas na lumanding ang eroplano sa runaway ng paliparan. In-assist naman kami ng mga stewardess na makababa sa eroplano. Tanging ang sling bag ko lang at isang maliit na maleta na naglalaman ng mga pasalubong ang bitbit ko.
"Sigurado ka ba na may sundo ka ngayong araw? Alam ba ng pamilya mo na ngayon ang uwi mo?"
Nagulat pa ako dahil sa boses lalaki na nagsalita sa aking likuran. Muntik ko na makalimutan na kasama ko nga pala si Raze na umuwi sa Cebu.
"Yup. Nakausap ko kahapon si Vanessa at sila na raw mismo ang magsusundo sa akin dito," nakangiti kong sagot.
Nabanggit na rin niya sa akin na meron siyang business trip sa Cebu and at the same time ay para dalawin na rin ang mommy niya at ang mga kaibigan niya na nandito rin sa Pilipinas.
Malaki ang pasasalamat ko kay Raze dahil siya ang tumulong sa akin. Tinulungan niya akong makauwi. Siya ang saviour ko at hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya.
Siya rin ang gumawa ng paraan para makauwi ako. Natagalan nga lang kaya isang linggo akong nanatili sa lodging niya sa Jeju Island.
Nakakahiya noong una dahil hindi naman kami lubos na magkakilala, but he still insisted on helping me and letting me stay where he was staying. Nagtanong siya kung ano ang ginagawa ko sa Jeju kaya kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin sa isla. Hindi ko na rin binanggit sa kanya ang tungkol sa amin ni Jaeger.
Sadyang mabait at matulungin si Raze. Tinulungan niya ako na walang hinihinging kapalit. Hindi ko rin alam kung kanino ako lalapit. Bukod sa nahihiya akong humingi ng tulong kina Samantha at Yeng, hindi ko rin alam ang contact number nila. Mabuti na lamang ay hulog ng langit sa akin si Raze.
"Tiyak na matutuwa sila kapag nakita ka nila," ani Raze habang sinasabayan niya ako sa paglalakad.
Ngiti ang sinagot ko sa kanya. Excited na akong makita sina mommy at ang bunso kong kapatid. Kailangan ko na rin mag-move on. Ang dapat kong isipin ay ang pamilya ko. Kailangan ko na rin kalimutan ang lahat ng mga nangyari sa akin sa isla na iyon.
"Serephina!" Isang matinis na boses babae ang aking narinig.
Naningkit ang dalawa kong mata habang tinitingnan ko maigi ang taong tumawag sa pangalan ko. Kumakaway pa siya at meron pang hawak na malaking cartolina kung saan nakasulat ang buo kong pangalan.
Agad na lumapad ang aking ngiti nang makilala ko siya. Si Vanessa at kasama niya ang dalawang taong higit na mahalaga sa buhay ko.
"Sila na ba ang sundo mo?" tanong ni Raze.
Nakangiti ko siyang tinanguan kaya pati siya ay ngumiti rin. Alam ko na nakikita niya sa akin ang kasiyahan. Nabanggit ko rin kasi sa kanya na gusto ko na talagang umuwi ng Pilipinas.
May tumakbong batang lalaki palapit sa akin kaya agad ko itong niyakap at binuhat. Ang sampung taong gulang kong kapatid na lalaki. Niyakap ko rin si mommy na umiiyak pa. Ganoon din ang bestfriend kong si Vanessa na malagkit pa ang tingin sa kasama ko.
Sa iba na agad napupunta ang atensyon niya kapag nakakita lang ng gwapo. Gwapo naman talaga si Raze. Friendly at mabait pa. Kahit isang linggo ko lang siyang na kasama ay nakilala ko naman kung sino siya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRE
General Fiction1: JAEGER REAGAN ✔ Siya si Jaeger Reagan, payat na nerd na laging nabu-bully at may gusto sa sikat na Queen Bee na si Serephina, pero bigla na lang naging gwapo at hot billionaire ngayon. Habang siya naman si Serephina Sayer na mayaman at buhay prin...