24

21.8K 786 119
                                    

SEREPHINA

Napahawak ako sa aking ulo nang magising ang diwa ko. Para akong dinuduyan ng antok at sa sobrang hilo. Malabo pa ang aking paningin nang imulat ko ang aking mata hanggang sa unti-unti na rin itong luminaw at puting kisame ang aking nabungaran.

"Thank God, you're finally awake."

Nilingon ko ang nagsalita, si Cloud. Bakas ko sa mukha niya at ni Raze ang labis na pag-aalala. Akma akong babangon nang pigilan ako ni Raze.

"Baka mahilo ka," aniya.

"Ano bang nangyari? Nasaan ako?" nanghihina kong tanong.

"Nandito ka sa ospital kaya huwag ka na munang tumayo," sagot ni Raze kaya muli akong humiga.

"Nawalan ka ng malay kanina sa ladies restroom sa shop ni Caden kaya mabilis ka naming isinugod sa hospital. Kumusta na pala ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" sunod-sunod na salita ni Cloud kaya nanumbalik sa alaala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Si Jaeger ang huli kong kasama bago dumilim ang paningin ko.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ni Cloud.

I sighed. "Okay na ako. Wala na ring masakit sa akin," sagot ko.

"Nasaan pala sina Hara?" I asked.

"Nandito sila kanina pero kaaalis lang nila. Dadalawin ka na lang daw nila bukas. Alam mo bang pinag-alala mo kami pati si Hara na umiiyak pa? Dapat sinabi mo agad na masama na pala ang pakiramdam mo at nagpahinga ka na lang sana sa hotel," panenermon ni Raze sa akin kaya alanganin akong ngumiti.

"Sorry, hindi na talaga mauulit." At nag-peace sign pa ako sa kanya.

Bumuntong hininga na lamang siya at napailing ng ulo. Hihingi na lang din ako ng sorry sa mga kaibigan nila lalo na kay Hara dahil nasira ko ang mini reunion nila.

"Kalalabas lang din pala ni Jaeger. Inaasikaso niya lang 'yong hospital bill mo. Mabuti na nga lang at nabuhat ka agad ni Jaeger. Grabe ang pag-aalala niya sa 'yo na halos banggain niya na ang lahat ng mga nakaharang sa dinadaanan niya. Nakakatakot ang itsura niya. Ngayon ko lang siya nakita ng gano'n," mahabang pagkukwento ni Raze kaya na tahimik ako.

"Ano pala ang sabi ng doktor? May resulta na ba kung bakit nagkakaganito ako?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Sasagot na sana si Cloud nang biglang bumukas ang pinto. Akala namin si Jaeger na, isang lalaking gwapong doktor lang pala. Nakangiti siyang lumapit sa amin.

"Miss Sayer?" tawag niya habang nakatingin sa hawak niyang card board.

Ang gwapo niyang doktor. Mayroon pang stethoscope na nakasabit sa leeg niya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang ID.

Conan Alastair ang kanyang pangalan.

Tumingin siya sa akin at hindi ko alam kung bakit sumilay ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi.

"M-May sakit po ba ako, doc?" nauutal kong tanong.

"No, you're not sick. Actually, I'm a surgeon. At ang doktor na umasikaso sa 'yo ay nagkaroon lang ng emergency kaya ako ang pinakiusapan niya na humarap sa 'yo para sabihin kung ano ang resulta sa mga laboratory test mo," mahaba niyang paliwanag.

"So, anong result sa lab test niya?" tanong ni Cloud.

Matamis akong nginitian ni Dr. Alastair.

"Congratulations, miss. You're pregnant."

Sa sobrang gulat ko ay napabangon ako.

"H-Ho? Buntis ako?" parang tanga kong tanong. Pati sina Raze at Cloud ay nagulat sa narinig nila. Nawala rin naman ang ngiti ni Dr. Alastair.

IDLE DESIRE 1: NERD BECAME A HOT BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon