JANA
I opened my eyes at agad na sumalubong sa akin ang puting kisame. Nasaan ako?
"T-tubig... " I whispered. Agad na napatingin sa akin si Yaya Linda na nagbabalat ng mansanas sa gilid.
Her eyes widened when she saw that I'm awake. "Jusko! Buti naman at gising ka na!"
"T-tubig.. " natataranta namang kumuha si Yaya ng tubig at nagsalin sa baso. Inupo niya muna ako bago pinainom.
"A-ano pong n-nangyari?"
Kwinento sa akin ni Yaya na nahimatay daw ako sa school kahapon. Napahinga na lang ako ng malalim ng maalala kong sa tambayan nga pala nila ako nawalan ng malay. Kung minamalas nga naman oh, sa lungga pa ng demonyo. Hay.
"Buti na lang mwy nagmagandang loob na dalhin ka dito sa ospital" sabi ni Yaya.
"Sino daw po?"
"Hindi ko alam eh. Ang sabi lang ng mga nurse apat na lalaki daw" sabi ni Yaya at natigilan ako. Apat na lalaki? Sila kaya?
Baka kapag sila Darren, Jay at Inigo maniwala pa ako pero kapag ang Alvarez na iyon? Hindi na. Wala namang pakeelam ang lalaking iyon. Kahit na kasalanan naman niya kung bakit ako nagkasakit.
Napatingin naman ako agad kay Yaya ng may maalala ako. "Ya, alam na ba nila papa?"
She nodded. "Oo, tinawagan ko siya kanina at pati ang mga kuya mo. Gusto ka pa ngang kausapin pero tulog ka pa eh" sabi ni Yaya at napatango na lang ako.
For sure ay nag-aalala na si Papa at sila Kuya. Ang tanga ko naman kasi eh. Anong bang pumasok sa kokote ko at nagpaulan ako? Ugh!
Nalaman kong kahapon pa pala ako walang malay at ngayon Tuesday na. Dumating din 'yung Doctor at sinabing okay na daw ako at pwede ng madischarge bukas. Nakahinga ako ng maluwag, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko kapag nasa ospital. I hate the scent of this place, the ambiance, it only makes me sad.
Bumili ng pagkain si Yaya at kumain kami ng lunch. Ayoko kasi ng pagkain dito sa ospital. Pagkatapos naming kumain ay natulog ako pero saglit lang. Halos dalawang oras lang. Hindi naman na masama ang pakiramdam ko pero feeling ko pagod ako.
"Jana, uwi lang ako sa bahay para kumuha ng mga damit. Babalik din ako bago maggabi" sabi ni Yaya and I nodded.
"Ingat ka 'ya" sabi ko and she only smiled and left me alone.
Sumandal ako sa headboard ng hospital bed at napahinga ng malalim. Sinabi ko nga palang aalis na ako sa AU. Well, I meant that, sana lang hindi niya pag-initan si Lucy.
Muntik na akong mahulog sa kama ng bigla na lang nagring ang phone ko. Shit lang. Nagulat ako doon.
Landing Lucy calling...
I pressed the answer button. Si Lucy lang pala.
"Hel-"
"Janaaaaaa!"
"Aw shit!" agad kong nailayo ang phone sa tenga ko ng sumigaw siya sa kabilang linya. Kailangang sumigaw? Ang bunganga talaga ng babaeng ito nakakabingi.
Nang marinig kong mukhang tumigil na siya sa pagsigaw ng pangalan ko ay sinigawan ko din siya. Bawian lang.
"Tangina! Are you going to break my ear drums?! Mabibingi ako sayong gaga ka!" I yelled at her.
"Eh sorry na! I'm just worried sayo because you himatay himatay yesterday! Are you okay na ba?" I smiled with that at hindi agad nakasagot. Napatikhim na lang ako.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...