Chapter 45: Run and Arguments

342 9 0
                                    

JANA

"ABA! Kung sineswerte ka nga naman, nandito din pala 'tong mayabang na 'to!" Sabi ng leader nila kasabay ng paghila sa akin ng tigre na ito papunta sa likod niya.

Napakunot noo ako. "Anong ginagawa mo dito?" I asked pero hindi niya ako tinignan. Hindi niya nga ako sinagot eh. Bwiset talaga kahit kailan. But I wonder kung bakit nandito siya at parang proprotektahan pa ako mula sa mga mukhang adik na 'to. And it looks like may galit din sila sa kanya.

"Let us go, and I won't hurt you," sabi niya sa kanilang lima at nanahimik na lang ako. Akala ko pagbabantaan niya sila na kapag hindi kami hinayaan, bubugbugin niya.

Tumawa naman 'yung leader nilang mas panget pa sa mga alagad niya. "Sinaktan na ng babaeng 'yan ang kasamahan namin! Tingin mo palalagpasin namin 'yon?" sabi niya at lumingon sa akin si Alvarez. He glared at me at napaiwas ako ng tingi. What? I only defended myself. Alangan namang hayaan ko silang saktan ako? Baliw lang ang gagawa no'n. Pero kung alam ko lang din naman na makakasama 'yon, sana pala hindi ko na lang ginawa. 'Yung kamay ko kasi makati minsan eh. Tsk.

"Hawakan niyo silang dalawa," dagdag niya pa at pinalibutan kami ng apat. Nakangisi 'yung tatlo samantalang ang sama naman ng tingin sa akin no'ng isa, 'yung sinuntok ko. Gusto ko siyang behlatan pero naalala kong kami pala ang nasa alanganin na sitwasyon ngayon.

I felt my hands shaking pero nilabanan ko. Hindi ako pwedeng matakot gaya kanina. Mas malala pa dito ang pinagdaanan ko noon. Hindi ang mga adik na 'to ang magpaparamdam sa akin ng takot ulit....

Nagulat ako ng bigla na lang hawakan ng tigre ang kanang kamay ko. May naramdaman akong kakaibang kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa buong katawan ko. Shit. Huwag mong sabihing may kapangyarihan na kuryente 'tong lalaking 'to?

He looked at me and my heart skipped a bit. "Humawak ka sa'kin ng mahigpit," sabi niya at tumingin sa kanila. Para siyang may binabalak pero hindi ko alam kung ano.

But that moment, nagtiwala ako sa kanya.

Naka-circle ang apat sa paligid namin. Pero malalayo sila sa bawat isa kaya may mga spaces pa din. Nagulat na lang ako ng umikot bigla si Alvarez at napunta ako sa likod niya. Then sinipa niya sa tiyan 'yung lalaking kaharap ko lang kanina atsaka niya ako hinila patakbo.

"Come on Jana!"

Natauhan ako bigla ng tawagin na naman niya ako sa pangalan ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya atsaka kami tumakbo ng mabilis palayo sa kanila.

"Habulin niyo! Mga gunggong!"

Napalingon ako saglit at nakitang agad na tumayo ang lalaking sinipa niya. Hinabol nila kaming lima kaya mas binilisan namin.

Lumiko kami ng daan. Muntik pa kaming masagasaan dahil may kotse pa lang paparating pero buti na lang at nahila ako agad ni Alvarez papunta sa gilid. Napahinto ang kotse at nagpatuloy kami sa pagtakbo. Pinapasalamat ko pa na dumating ang sasakyan na 'yon dahil sandali niyang naharangan ang mga adik na humahabol sa amin.

"Jump!" sabi ni Alvarez at sabay kaming tumalon sa tubong nakatumba sa gitna ng daan. May under construction kasing bahay dito at nakakalat naman sa daan ang mga gamit nila. Buti na lang nakatalon kaming dalawa agad kahit na medyo makapal ang tubo na 'yon at may kalakihan.

Nakalayo na kami kunti sa kanila ng may marinig akong mga daing. Lumingon ako at natawa dahil hindi nakatalon ang mga lalaking 'yon. Natumba ang lalakinh tumalon at nagsunod sunod na 'yon. Ngayon, nakasubsob na ang mga mukha nila sa lupa.

"Serve you right assholes!" natatawang sigaw naman ng kasama ko kaya mas lalo akong natawa habang tumatakbo kami.

Napatingin ako sa kanya at kita kong masaya talaga siyang pinagtatawanan sila. Bumilis ang tibok ng puso ko pero mabilis kong iniling-iling ang ulo ko.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon