JANA
"ANONG ipipinta ko do'n?" kunot noong tanong ni Lucy at nagkibit balikat ako.
"Ikaw bahala, as long as maganda," sabi ko at ngumisi siya.
"Ganda like me?" I just rolled my eyes dahil nag-conyo na naman siya at nagtanong ng ganyan. Ganda daw? Siya? Sa'n banda?
"Bahala ka dyan, alis na ako," sabi ko at nag-wave na tsaka naglakad papuntang classroom ko. Halos dalawang linggo na din ako sa Section C at nasasanay na ako na mas malayo ang nilalakad ko pagpasok ko ng AU. Pati presensya, ingay, at pagiging pasaway ng mga kaklase ko ay nakakasanayan ko na. Akala ko noong una, magiging mahirap ang paamuin ang mga 'yon, pero nagkamali ako. Mukha kasi silang mga lalaking gwapo ngunit hindi gagawa ng matino. But I was wrong. Tama sila, looks can be deceiving. Matino naman pala ang mga 'yon at marunong makinig, as long as handa kang magtyaga para turuan sila.
Binuksan ko ang pinto ng classroom.
"Good morning!" bati agad sa akin ni Lucas na sinundan pa ng iba. Tumango na lang ako at binati sila pabalik. Kasunod ko namang dumating si Jay.
"Andito na ang gwapo!" bungad niya sa amin kaya napairap ako. Ang aga-aga naghahasik na naman ng kahanginan.
"Gwapo? Gago 'yun ulol!" sabi ni Christian at nagtawanan na naman sila. I shrugged and smiled. Ang lakas ng mga boses nila kung tumawa pero hindi naman nakakarindi.
"Good morning Jana," napalingon ako at doon ko lang napansin na nandito din pala sila Darren at Inigo. Tinanguan lang naman ako ni Inigo.
Tinanguan ko na lang silang dalawa at tumingin sa likod nila. Sila lang? Nasaan na naman kaya 'yung isa? Palagi na lang absent ang isang 'yon ah. Sumosobra na siya. Hindi imbes sa kanila itong AU ay a-absent absent na lang siya.
"May hinahanap ka?" tanong ni Inigo.
I sighed. "Nasaan na naman 'yung isa?" I asked at ngumisi silang tatlo, pati na din sila Christian.
"Si Zild?" they asked in chorus at tumango ako.
"Miss mo na talaga, ano? Tanong ka ng tanong eh!" pang-aasar sa akin ni Jay na inirapan ko lang. Nilapag ko na ang mga gamit ko at umupo. Wala na akong balak kausapin pa 'yang mga 'yan dahil alam kong wala naman akong makukuhang matinong sagot.
Maya-maya pa, nagpaalam na sila Inigo at Darren at pupunta na sa classroom nila. Nagdadaldalan naman ang mga boys and as usual, ang ingay na naman nila.
Dumating na si Sir Valle pero hindi pa din dumadating si Alvarez. Nag-start na siya sa discussion at hindi ako makasunod. Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang itinuturo ni Sir Valle dahil wala yata dito ang utak ko. Lumilipad. Naglalakbay. Nasaan naman?
Ewan ko.
Hindi ko alam. Basta hindi ako makapag-isip ng maayos. Natapos na ang klase namin sa umaga ng lumilipad ang utak ko kung saan. Buti na lang at wala kaming recitation dahil siguradong mabobokya ako. Tangina naman oh. Ngayon lang ata ako hindi nakinig sa klase?
Nang oras na ng Lunch, lumabas na ako agad ng classroom namin na parang lutang. Shit na malupit. Ano ba talagang problema ko? Kanina ko pa napapansin ang sarili ko. Para akong wala sa sarili. Parang may hinahanap. Nababaliw na ba ako? Pa-mental na kaya ako?
"Any problem?"
"Ay shit!" muntik ko ng masipa si Darren sa biglaang pagsulpot sa tabi ko habang naglalakad ako. Natawa naman siya sa reaksyon ko kaya napairap ako. "Tangina mo," mura ko sa kanya bago siya iniwan doon.
"Teka sandali!" pero ang gago, sumunod pa din. Pumantay siya sa akin sa paglalakad at hinayaan ko lang. "Saan ka pupunta?"
"Sa cafeteria."
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Roman pour AdolescentsSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...