Chapter 26: Threat

380 10 0
                                    

JANA

FROM: Mr. Bwiset

Smart and open-minded.

Iyan agad ang sumalubong sa akin pagkagising ko. Smart? Madali lang iyon. Pwede akong humanap sa ibang University ng mga top achievers and ask them to meet Alvarez.

Pero open minded? Tangina. Paano ako hahanap ng ganong klase ng babae?

"Miss, open-minded ka ba?" I asked, pretending that I am talking to an invisible person. Napailing ako. Bakit parang ang pangit pakinggan? Baka magmukha pa akong manyak na tomboy niyan.

"Hi ate! Open-minde-"

"Sinong kausap mo, 'nak?" napatigil ako sa pagsasalita at napalingon sa pinto ng kwarto ko kung saan nakatayo si Yaya.

I forced a smile. "Nagpapractice lang, 'ya. May activity po kasi sa school." I answered and she only nodded.

"Bumaba ka na kapag maayos ka na. Ready na ang breakfast mo." tumango na lamang ako. Lumabas na si Yaya and heaved a long sigh.

Open-minded huh?

Because I already took a bath after waking up. I only changed my clothes and wore a simple black t-shirt, white pants, black rubber shoes and ponytail my hair. Naglagay lang ako ng pulbos at sinulyapan ang aking sarili sa salamin sa huling pagkakataon bago lumabas ng kwarto ko.

Pumunta ako sa baba at pinagsaluhan namin ni Yaya ang hinanda niyang breakfast. I bid my goodbye to her and she only smiled and said take care.

Saktong pagkalabas ko ng gate ay nandoon na si Manong Sic. Binati ko siya agad and went to AU.

Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na papasok. My brows furrowed when I saw the students looking at their phones. Halos lahat sila ay nakatingin sa mga cellphone nila at nagchichismisan. Anong meron?

Binalewala ko na lang sila at pinagpatuloy ang paglalakad sa hallway. Siguro about na naman iyan sa mga heartthrobs ng school, playboys or maybe, about the bitches studying here at AU. Panay pa ang pagbubulungan nila na naririnig din naman. Mga tsismosa.

I went at our classroom at natigilan ng makakita ng mga estudyante na nasa harap ng pinto at sumisilip sa loob. Madami sila at parang may pinapanood. What's really going on?

Because of so much curiousity, lumapit ako sa kanila.

"Excuse me, " I said and the students looked at me. May ilang agad na tumabi samantalang ang ibang babae naman ay inirapan pa ako bago tumabi. Malaglag sana ang eyeballs niyo. Tsk.

Pumasok ako agad sa classroom and my mouth became half open when I saw our classroom. Gulo gulong mga upuan na ang ilan ay sira na, nagkalat na mga papel at sobrang dumi. There are also some vandalisms written on the walls. Pero ang talagang umagaw ng atensyon ko ay ang nakasulat sa white board. Hindi white board marker ang ginamit na pangsulat kundi isang liquid na aakalain mong dugo.

'We'll going to kill all of you so be ready. Messing with us is like shoving your own hole to death'

"What the fuck?!" narinig ko ang boses ni Jay sa likod ko kaya napalingon ako. Nasa likod niya din si Alvarez at ang iba pa naming kaklase.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Lucas and Christian hit his nape.

"Tanga ka ba? Kadadating lang natin kaya hindi din namin alam!" sabi ni Christian.

Nakita kong nanliit ang mga mata ni Alvarez ng mapatingin siya sa board. Ganun din ang iba naming kaklase. I saw how their shocked faces turned into a serious expression. Mukhang nagulat sila sa itsura ng classroom namin but not with the message written on the board. Mukhang alam na nila kung sino ang may gawa nito.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon