Chapter 59: Fury

305 10 0
                                    

JANA

"SABAY na tayo?"

Napalingon ako kay Lucy dahil sa tanong niya. I smiled and shook my head. "Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako." Sambit ko na kinakunot noo niya.

"And where are you going to make punta punta, ha? You're always making me mag-isa!" Natawa na lang ako dahil nag-conyo na siya. Well, it's more like an alien language to me.

"Ingat ka pauwi. Bye." I bid my goodbye to her and started walking away.

"Jana!" I just waved my hand while not looking back. Pagkatapos no'n, wala na akong narinig. Nang lumingon ako para tignan siya, nakita kong umaandar na papalayo ang sasakyan nila.

I just laughed a bit. Hindi ako nagpasundo kay Manong Sic ngayon dahil sabi ko, gusto kong maglakad pauwi. It's been a while since I last take a walk around our place. Gusto ko lang maglakad-lakad at damhin ang paligid ko.

Kanina kasi sa klase, hindi ako nakikinig. I want to listen like I always do, but a while ago, I became lazy. It looks like my mind went to the outer space. Masyado akong lutang. Mukhang napansin iyon ng mga kaklase ko at maging ng mga teachers but they didn't ask. Well, that's good. Hindi ko din naman alam kung masasagot ko sila.

I stopped on my tracks and look at the gate in front of me. Pinagmasdan ko ang Daycare center sa harap ko. Mukhang wala ng tao sa loob dahil kanina pa ang uwian ng mga bata.

I don't know why but I want to go in this place. Binuksan ko ang gate at hinayaang nakabukas. Napangiti na lang ako ng makita ang resulta ng ginawa naming pag-aayos dito noon.

At first, this place seems dead. It was silent and dull. But when we put some colors to it and fix it, it became alive. It became wonderful.

Hindi muna ako pumasok sa classroom at pinagmasdan ang mga walls sa labas. May mga paint doon ng puno na gawa nila Rico. Natawa pa ako ng bahagya dahil siguro kung professional painter ako, tatawanan ko itong ginawa nila.

Pumunta ako sa likod ng center at nakita ang malawak na damuhan. But well, hindi naman ito gano'n kalawak pero sapat na para may pagtakbuhan ang mga maliliit na bata. I also saw the playground na nilagay ng boys noon. Those guys... I miss them.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa isang classroom. Napangiti ako ng makita ang pininta noon ni Lucy. Nagmistulang Ocean Park ang classroom dito. I touched the wall and remembered the memories I made together with Section C. Iyong tawa nila, iyong mga trip nila at 'yong kakulitan nila. I smiled. I will never regret my decision na pumayag akong lumipat doon kahit na dalawang buwan lang.

Lumabas ako ng classroom na iyon at tahimik na sinara ang pinto. I looked at my watch and saw that it's almost 6 in the afternoon. Medyo late na pero ayaw ko pang umuwi.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto sa isa pang classroom. I walked inside but I froze when I saw... him.

He was standing at the center of the classroom while staring at the painting on the wall, the painting we did together.

Para akong nanghina ng lumingon siya. It's been a week when I last saw him. When his eyes met mine, I nearly died. Blangko ang mukha niya. Wala akong makitang kahit anong reaksyon sa mga mata niya. Parang... hindi ko siya kilala.

"Z-Zild..." I stared at him. Pinigilan kong maiyak sa harapan niya kahit na gustong-gusto ko ng humagulgol. I stood still while he's staring at me. Para kaming may staring contest at kung sinong unang bibigay, siya ang talo.

And he lost.

Nag-iwas siya ng tingin pero gano'n pa din ang ekspresyon niya, ang mga mata niya. Wala siyang sinabi ng lampasan niya ako at magtungo sa pinto. Pero pareho kaming natigilan ng marinig naming magring ang phone ko.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon