JANA
NAPANGITI ako ng lumabas na si Tasha sa fitting room habang suot suot ang isang sleeveless na floral dress.
"Oh my gosh! Ang beautiful mo dyan!" puri ni Lucy sa kanya at naiilang siyang ngumiti sa amin.
"S-salamat" sabi niya.
"Isukat mo pa 'yung mga pinili ni Lucy para sayo. For sure, bagay sayo ang mga 'yon" sabi ko.
Agad siyang umiling. "H-hindi na. Okay na ang isang damit. Masyado ng mahal ito at hindi ko naman ito kayang bayaran" sabi niya at agad kaming napangiti ni Lucy. Tasha is really a nice girl. Mana kay Yaya Linda eh. Pati ganda namana.
"Don't worry girl. Sagot ko lahat ng clothes for you" sabi ni Lucy.
"They own the mall Tasha, wala ka namang babayaran kasi si Lucy na ang bahala doon" sabi ko at napaawang ang labi ni Tasha. That's right. Malls ang business ng family nila Lucy at itong mall kung nasaan kami ay sa mga Mendoza.
"P-pero-"
"No buts. Go na! Pasok na inside and make sukat sukat more clothes okay? We will bili bili clothes for your siblings too" sabi ni Lucy at napangiti siya.
"S-salamat talaga" tuwang sabi niya at pumasok na sa loob ng fitting room at nagsukat.
"Ang nice talaga niya! So mabait" sabi ni Lucy at napatango tango ako.
Mabait naman talaga si Tasha since we were kids. Isa siya sa mga anak ni Yaya Linda at alam kong namana niya ang ganda niya kay Yaya. May tatlong anak si Yaya Linda at ang panganay ay si Tasha. Kasing edad lang namin si Tasha at dalawang taon naman na mas bata sa kanya ang isa pa niyang kapatid na babae din. Mabait din ang isang iyon at sobrang ganda din tulad ng ate niya. At ang bunso naman nila na sa pagkakaalam ko ay grade grade six na ngayon. Sobrang energetic ng batang iyon na 'di mo aakalaing nanggaling isang malubhang sakit. Ang bunso kasi nilang lalaki ay isang cancer survivor, he had a brain tumor when he was just a three years old. Wala pa sa amin si Yaya ng mga panahong iyon at kasambahay din siya sa isang mansyon pero walang sapat na pera si Yaya noon na ipagamot si Teo, ang bunso nila. But Teo kept on fighting at dahil nga naalis din si Yaya sa trabaho niya noon, napilitan siyang mag-OFW dahil mas malaki ang kita sa ibang bansa. Doon namin siyang nakilala and Papa helped them. Sinagot niya lahat ng gastos sa operasyon ni Teo and he was cured. Isa din siguro iyon sa mga dahilan kung bakit proud na proud ako kay Papa. He helped them na walang kahit anong kondisyon maliban sa pag-aalaga sa akin ng mabuti. Such a loving father.
Nag-aaral silang tatlo sa probinsya habang nandito ang mama nila pero kahapon ay binisita nila si Yaya Linda. Dapat kahapon din sila uuwi kaso sinabi kong magstay na lang muna sila since may isang linggo ata silang walang pasok. Sinabi nilang wala silang damit kaya eto kami ngayon, nagsashopping para sa kanila. Ang nakasama lang sa amin ay si Tasha dahil si Tine, 'yung pangalawa at si Teo, gusto daw munang makasama si Yaya Linda. Hinayaan na lang namin. Sinabi ko ngang sumama na lang din si Yaya pero madami pa daw gagawin sa bahay. Tsk. Nahihiya lang 'yun eh. Buti na lang sumama si Lucy kundi hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman akong alam sa mga damit eh!
Pagkatapos naming mamili para sa kanila ay nagdecide na kaming kumain na muna. Pumasok na lang kami sa McDo dahil mukhang maiilang si Tasha kung sa mga fine restaurant. Atsaka ang mahal mahal sa mga 'yun pero ang serving ang kunti kunti.
"Ako na mag-oorder" volunteer ko at ngumisi si Lucy.
"Ngayon lang yata 'yan?" mapang-asar na tanong niya kaya inirapan ko siya.
"Tsk, ano sayo Tasha?" tanong ko ng bumaling ako sa kanya.
"Kung anong sayo, ganun na lang din sa akin" sabi niya at tumango na lang ako. Bumaling naman ako kay Lucy. "Oh ano sayo?" nakataas na kilay na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...