Chapter 28: Worried

370 14 0
                                    

JANA

PUMUNTA na lang ako sa tambayan ko kesa naman mabored buong araw sa classroom. Umupo ako sa ilalim ng puno at sumandal sa trunk nito. Naglabas na lang ako ng libro mula sa bag ko and started to read.

Pero nakakailang pahina pa lang yata ako ng magsawa na ako. Wala kasi kaming klase ngayon. Uhm no, Section C lang pala ang wala.

Hindi din namin alam kung paanong nalaman ni Miss Marval ang tungkol sa nangyaring gulo kagabi. Though, hindi naman na importante iyon. She punished my classmates including Darren and Inigo dahil nakisali sila. Dapat suspension for two weeks ang parusa pero nakiusap si Sir Valle na hindi. Instead of suspension, community service na lang ang naging parusa nila. Kailangan nilang ayusin at pagandahin ang lumang day care center. Nasira kasi ang mga gamit doon at naging madumi ng magkaroon ng malakas na bagyo last year. In that way, magagamit itong muli.

Hindi naman ako naisali sa punishment kasi wala naman akong ginawa. Though, I'm there last night but I didn't joined the fight. Buti na lang din at nagkaayos sila Kuya Harry at mga kaklase ko.

I stood up and I decided na puntahan na lang sila. Ngayon kasi ang start ng punishment nila and ang susunod ay bukas na, Sabado. They need to finish it in two weeks kaya dapat silang magmadali. Wala din namang klase ang Section C kaya allowed na akong lumabas ng campus.

Nagpaalam muna ako kay Sir Valle bago lumabas, pinayagan niya din naman ako. Linakad ko na lang ang daan papunta sa lumang day care center dahil malapit lang din naman ito sa AU.

I entered the old gate of the center. Napatigil pa ako dahil ang dumi din ng paligid. Madumi ang mga pader pero mukhang linis lang ang kailangan dahil maayos pa naman ang bubong and also the structures.

Pumasok ako sa isang room na may sirang pinto. Isang ihip na nga lang yata ang kailangan at tutumba na 'to eh.

Kumunot ang noo ko ng makapasok ako. I saw my classmates sitting on the floor na nilagyan nila ng karton para siguro hindi sila madumihan. Hindi sila naglilinis kundi nagse-cellphone! It looks like they are playing with their phones. At sa sobrang abala nila, hindi pa nila ako napansin.

"Ang busy niyo, ha?" sarcastic na tanong ko. They all looked at me at napatayo pa sila sa kinauupuan nila.

"Jana! Buti nandito ka!" masayang sabi ni Christian.

Napairap naman ako. "It looks like you guys aren't doing your punishment. Instead, you're playing with your godamn phones! Sa tingin niyo, anong sasabihin ni Principal Marval sa oras na malaman niya ang tungkol dito?" I said as I threw a dead glare.

Pilit naman na tumawa si Lucas. "H-Hindi mo naman siguro sasabihin, 'no?" medyo may halong kaba niyang tanong.

"How the hell we'll be able to clean this room if we don't have any materials or tools?" napatingin naman ako kay Alvarez na prenteng nakaupo sa isang upuan.

"Ba't 'di kayo bumili?"

"Kailangan bang sariling gastos namin 'yon?" kunot noong tanong ni Inigo. Napailing-iling na lang ako.

"Yes. The mess happened to our classroom is a damage to the school properties. Karamihan sa mga upuan natin ay nasira. Maging ang table at ilang salamin sa bintana ay nabasag. Maging ang white board natin ay namantyahan na hindi matanggal tanggal. Lahat ng iyon ay napalitan and also the walls of our classroom are newly painted. Did anyone of you payed even just a peso? Hindi naman diba? It's your fault but the school took all the charges." I said at natahimik sila.

"The Principal gave you this kind of punishment to teach you. Ang pakikipag-away ninyo ay nagresulta ng pagkasira. Kaya ngayon, ang task ninyo ay mag-ayos. Gastos niyo ba? Definitely yes. Iaasa niyo pa ba 'yan sa school? They cleaned the mess you guys made without asking any amount of money. Kahit ito man lang mabayaran ninyo." sabi ko at tumango tango sila.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon